Chapter 8

10.8K 394 41
                                    

Akala ko ayos na ako. Na hindi na ako apektado pero ilang metro palang ang tinakbo ng sasakyan ko huminto ako dahil naramdaman ko ang paninikip sa aking dibdib.

I parked the car again and texted Seb where I am. Tulala ako habang nasa loob ng aking sasakyan, patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Why do I have to see her again? Ilang taon na ang nakalipas but why I can still feel the pain.

Nakarinig ako ng katok mula sa bintana. Pag-angat ko ng aking tingin, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sebastian.

I unlock the car and he immediately get inside. Concern is evident in his midnight black eyes as he stares at me.

"Saph..." I sobbed as I heard him called my name. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi.

"Seb..." My voice broke. I tried stopping my tears but it won't. Patuloy ito sa pag-uunahan sa aking pisngi. "Why I can still feel the pain Seb? Ayaw ko na nito, gusto ko nang makawala dito."

"Shhh..." he whispered and pulled me gently to him. Napakapit ako sa damit niya habang umiiyak ako sa kanyang dibdib.

He hugged me tighter calming me down. Akala ko talaga hindi na ako magiging apektado. I already prepared myself for this but why I can still feel the pain?

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahan niya akong inilayo sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha sa aking mukha at masuyo siyang nakatingin sa mga mata ko.

I can't help but to get teary eyed again. Why Seb has to be this gentle to me? I can still remember how I hurt him with my past decisions but still he has the heart to stay by my side.

"Shhh it's okay Saph. It's okay. You'll be alright in time. I'm here to help you." He said, comforting me. "Don't force yourself. Things will be better soon. " then he wiped my tears again.

Muli niya akong hinila palapit sa kanya at naramdaman ko na masuyo niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

How can he be so patient with me?

Sana ikaw na lang Seb...

"SAPH I miss you!" niyakap ako ni Sebastian ng mahigpit. Napakunot noo ako sa kanya. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkita.

"Anong nangyari sayo? Ganun mo ba ako ka-miss at may payakap kang ganyan sa akin?" Natatawang tanong ko sa kanya na ngayon ay nakabusangot na.

"Ang daya niyo naman kasi eh, umuwi pala kayo sa isla hindi niyo man lang ako isinama. Alam mo namang gustong-gusto kong pumunta 'don sa lugar kung saan kayo lumaki." Nagtatampong litanya nito sa akin. Nakasampok pa ang mga kilay nito.

Talagang hindi namin ipinaalam ni Daniella sa kanya na pupunta kaming isla dahil alam kong hindi siya komportable lalo na 'pag nalaman nitong kasami namin si Derick.

Napagkasunduan namin ni Dani na sa susunod naming balik sa isla kaming tatlo naman ang magkakasama.

"Biglaan kasi ang pag-uwi namin Seb kaya hindi ka na namin napagsabihan, pasensiya na po. Hayaan mo sa susunod naming uwi ni Dani isasama ka na namin para mamasyal tayong tatlo doon sa isla." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Hindi ito umimik at nanatiling tahimik lamang. Alam kong nagtatampo talaga ito. Ilang beses na kaming kinukulit nitong mamasyal sa isla pero dahil nga rumaraket kami ni Dani tuwing walang pasok kaya hindi talaga namin napagbibigyan ang request niya.

Nakapunta na ito sa amin isang beses at nagustuhan niya raw ang lugar namin. Sino ba ang hindi? Kung may sapat na pera lang ako hindi ko iiwan ang islang yon.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now