"Gusto ko talaga siyang makita," bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa pamilyar na malaking gate. 

I was a few meters away and I could really see the security being tight. Mukhang ni paglapit, wala akong mapapala. Sa gate pa nga lang, parang babarilin agad ako kung nagtangka man ako. 

I tried contacting his phone many times but as expected, it's unreachable. Baka nga hindi na talaga gumamit ng cellphone ang isang 'yon. Now I don't even know how I could see him. 

"Sorry, miss. Hindi p'wedeng pumasok." iyon agad ang sinabi sa akin nang magtangka ako. "Mahigpit na pinagbabawal ang kahit na sino sa mansyon ng mga Velarde." 

"Kilala ako ni Draisen, kahit pakisabi lang sa kanya na gusto ko siyang makausap kahit ilang minuto o segundo lang." 

"Hindi po talaga p'wede."

Alam kong wala akong magagawa. Alam ko ring hindi siya maniniwala sa sinasabi ko na kilala ko talaga si Draisen. Their family are powerful magnates, forcing a connection to them is not an unusual thing. 

"Kung gano'n...p'wede bang pakisabi na lang na dumaan ako." walang kwentang saad ko, nawalan na ng pag-asa. "Azriella po..."

Tumango lang ang pinakiusapan kong mukhang bodyguard pero alam ko namang kakalimutan niya rin ito at hindi talaga makakarating kay Draisen ang pakiusap ko. Many people might actually try to visit but all of them got declined. Anong magiging kaibahan ko? 

At kung magkikita man kami anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? 

To fully be accountable for what happened? But how would that help? Damay na sila rito, kahit malaman man ang totooong dahilan, hindi pa rin maaalis na naging parte sila kahit hindi sila mismo ang gumawa.

I was on the usual jogging spot near the dock. Hindi pa rin nawawala ang pag-aabang ng iilang media malapit sa building. Naghihintay siguro ng pagkakataon kung sakaling pumunta man si Draisen dito para makapanayam. Bumalik sa dati ang Navis pero maraming umalis dahil sa takot na madamay sa issue na kinakaharap ng kompanya.

Bumalik nga pero hindi na katulad ng dati.

"Gusto ko siyang makita," bulong ko sa sarili ko. "P'wede bang hindi kailangan ng rason? Gusto ko lang talaga siya makita." 

I laughed at myself. Hindi pa rin talaga mawawala sa akin ang pag-iisip na dapat may rason ang lahat ng bagay para mangyari. Pero ngayon, wala talaga akong rason. Kasi kahit naman ano ang gawin ko, hindi iyon magiging sapat para maging maayos ang lahat. 

Tumayo ako at tinanaw ang karagatan mula sa pwesto ko. It's ironic how peaceful it looks regardless of what's happening surrounding it. 

"Riyel!"

Napalingon ako at nakita kong tumakbo si Donna papunta sa akin. Hingal na hingal siya at mukhang malayo pa ang itinakbo.

"Bakit?" tanong ko. "Anong nangyari?"

"Si Sir Draisen!" bumilis agad ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. "Dumating siya sa Navis! Nakita kong pinagkakaguluhan ng mga tao 'yong nakaparadang kotse sa labas kaya naisip kong tawagin ka kaagad!"

I was nervous yet my body moved on its own. Tumakbo kaagad ako sa tinutukoy ni Donna, nagmamadali at wala ng inisip na iba. 

I want to see him. I badly want to see him.

Iilang mga tao nga ang pumalibot sa dumating na sasakyan. At alam kong kapag nagtagal ay mas dadami pa ang mga ito. Hindi lang ang mga media, pati ang mga empleyado at iilang mga naki-usyoso lang ay naroon. Nakita kong nagsulputan ang mga malalaking tao na mukhang mga tauhan ng mga Velarde. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon