Chapter Thirty Eight

11 5 15
                                    


~Wala na'kong hihilingin pa.. Wala na..~

Naka-awang ng bahagya ang labi niya at tila hindi malaman ang gagawin.

"Sabi ko.. Tara na, Halika na.. Tayo na,"

Pinilig niya ang ulo at saka tumayo. Tumayo na rin ako, kinuha ko lahat ng pinagkalatan ko.

Tahimik kaming lumabas hanggang sa makasakay na kami sa kotse. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa bawat sandali na lumilipas, parang lalabas iyon ng ribcage ko.

My knees are turning jellies!

Umayos ako ng upo sa shot gun seat at ikinabit ang sariling seat belt. Ibinaba ko ang bintana para makalanghap akong sariwang hangin dahil para akong masusuka sa kaba. Idagdag pa ang hindi kanais nais na amoy ng aircon.

Mabango naman. Kaya lang, nasusuka talaga ako sa amoy. Ewan ko, minsan napapansin ko na hindi ko gusto ang amoy pero minsan ay hinahayaan ko nalang.

"I know you have work tomorrow. Ibaba mo na lang ako sa tapat ng bahay namin ha? Umuwi ka na.. Matulog," Pangaral ko.

Kitang kita ang pagsalubong ng kilay niya. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan at minaneho.

Biglang sumagi sa isip ko iyong sa elevator. When I let my guards down. Na lahat ng worries ko, nasabi ng utak ko pero hindi ko nasabi sakanya.

Sasabihin ko na ba ngayon?

"Traffic,"

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang labas ng bintana, maingay. Pero namimingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Pag-ibig na ba ito?

Eto na ba yung sinasabi ng mga tao na pinakamasarap na pakiramdam sa mundo?

Pero handa na ba uli akong magmahal?

Hangga't hindi ko pa naaayos ang sa amin ni Louie. Parang ang komplikado na ibigay ang 'oo'  ko sa taong bagong nagpapatibok ng puso ko.

Funny may it seems pero ang hirap pala talagang magdesisyon kapag ganito.

The feeling that I am experiencing right now is too overwhelming. Bago ito lahat saakin. Ang ligawan pati buo kong pamilya, ang gawin ang lahat para lang makuha ang oo, hindi lang ako. Kundi kina Papshie.

Napaka-ideal niya. Siya iyong lalaking hinahangad ng mga kababaihan. Career oriented, with good family background... At gwapo din.

Kung sakaling sagutin ko siya? Ano'ng mai-o-offer ko?

Baka kapag siya ng siya ay maubos siya.. Ayaw kong sumira ng buhay ng tao. Ayaw ko na ako ang dahilan kung bakit sasama ang isang tao sa pamilya o kaibigan niya. Palagi akong magpaparaya.

"If you're going to chose between me and your family. Please, choose your family.. I am not permanent. I have flaws, you don't me that much for you to chose me instead of them.." Mabuti na lang at hindi ako nabulol sa pagsasalita.

Dahil kung papipiliin din naman niya ako kung ang pamilya ko o siya. Mas pipiliin ko ang pamilya ko.

Marahil hindi pa ganoon kalalim ang pag-ibig na nabubuo ko para sakanya.

"I don't want a selfish kind love. Love is free, it's make you happy. If I love you, I will only love you. I will never own you."

"How is that so?" Lumingon siya ng bahagya saakin.

Ang isa niyang kamay ay nasa steering wheel at ang isa naman ay nasa gear stick.

"You're courting me right? At saan ba iyon pupunta? I'm just opening up to you,"

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu