Chapter Nine

15 7 3
                                    

Dahil doon ay napasabak sa gulo ang pamilya ko. Nakarating pa kay Papa at Ate ang nangyari kaya naman nagsumbong sila kaagad sa Baranggay dahil doon para matigil na ang araw araw na pag-inom ng mga tambay doon.

Wala akong nararamdamang pagsisisi o guilty dahil sa nangyari, siguro ang iniisip ko lang ngayon ay bakit pa ba kailangang lumaki ng ganto? Ayaw ko naman talaga nang eskandalo pero mayroong bahagi sa puso ko ang natutuwa dahil sa ginawa nila Mama para maprotektahan ako.

Hindi ako hinahayaan na lumabas ni Mama nang nakasuot ng maliikling shorts at sando na masyado revealing. Hinahayaan ko nalang si Mama at hindi na ako nakipagtalo pa, Sabi niya ay prinoprotektahan niya ako para hindi ako mabastos kung sakali.

Normal naman ang takbo ng buhay ko these pass few days, back to school with my annoying classmates and schoolmates who always push me to be worst. I admit it, naapektuhan ako. Like? bakit nila ako kailangang i-down? Ganoon na ba sila ka-insecure saakin kaya kung pagtulong tulugan nila ako ay ganoon na lamang?

Hindi ko alam kung May galit ba saakin ang mga estudyante kahit na ang mas matataas na grade level saakin. Siguro ay kinaibigan noong may Mga galit saakin iyong mga mas matatanda para makahanap sila ng kakampi na mangwawalanghiya saakin.

Gusto kong maiyak dahil sa mga pinaggagawa nila saakin. Ni lock ako sa banyo tapos ay pinatay sindi ang ilaw, nariyan pa ang umalis silang lahat no'ng Wednesday cleaners na Ang maglilinis so basically ako ang naiwang mag-isa para maglinis ng mga kalat nila, Gustong gusto kong magsumbong pero hindi nalang, kaya ko naman sila. Masyado lang iyong petty, baka masabihan pa nila ako nang sumbungera.

Hindi ko naman naeexperience na masabuyan ng drinks o di kaya ay masampal ng cake or whatsoever sa mukha. Since ang locker naman ay built-in na sa upuan mo na kasama pala sa binayaran sa miscellaneous at hindi pwedeng masira, so ayon. Wala pa naman. They haven't destroying my books and my other things.

Speaking of Macy, Hindi na siya pumapasok. Limang araw na bale, I don't care basically pero I just can't help it. Nakakapanibagong for the whole week ay walang nanggulo saakin.

Dahil wala namang makipagkaibigan saakin. Mas ramdam ko ang pagiging mag-isa. Kung siguro naging mabait lang ako noong elementary, marami akong magiging kaibigan? I just know if the person wants something from me. Kasi naniniwala ako na kaya lumalapit ang isang tao dahil may Kailangan.

Lalapit ba ang bangyaw kung walang mabaho?

Sa bahay naman, palaging wala si Ate. Siguro ay sa trabaho niya siya nagfofocus, I don't know kung ano nang nangyayari sakanya kasi hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakausap. Hindi ko naman balak na hanggang hukay dalhin pero so balak ko na ring makipagbati.

Ang hirap nang magka-away kami. Sadyang, hindi lang ako makahanap nang magandang timing para magsorry. Ginawa nanaman niya yung part niya, nagsorry nanaman siya at bumawi. Siguro matigas nga talaga ang loob ko.

Tuwing gabi kapag uuwi siya ay harok na ako, kapag naman sa umaga na aalis siya. Ipaghahanda niya lang ako ng ipangbabaon sa school tapos hindi kona siya naabutan. Magkasama kami sa kwarto pero hindi ko siya naaabutan so I barely see her.

"Pinang-inom mo nang pinang-inom ang pera mo? Tama ako diba?"

"Ma.. Hindi naman sa ganoon," Bawi ni Kuya. Kaharap niya si Mama at si Papa, Ayaw ko mang makisali Sakanila pero di ko napigilan ang sarili ko na lumapit para makinig.

"Tapatin mo nga kami, kamusta ba na talaga ang trabaho mo sa ibang bansa, Anselmo?" Tanong ni Mama, sa mahinahong boses.

Katamtaman lang ang boses ni Mama, mukhang ayaw na nga niya talaga ng eskandalo. Salamat naman, kapag kasi nagmumura o nagagalit si Mama ay palaging high pitch ang boses niya.

Napahilamos si Kuya sa mukha niya kahit walang tubig at napasuklay ng buhok. Ako naman ay isinara ang pintuan ng kwarto at sumandal roon. Kitang kita ko sila dahil katapat lang naman ng kwarto ko ang Salas at maliit lang ang bahay namin, i mean. katamtaman lang para sa aming pamilya.

"Ma, Makaka-alis din ako sa next month, mababawi ko din iyong perang iyon. Matagal din akong nawala kaya naman I'm just cooping up with them, Alam mo naman na dito ko lahat binubuhos sa inyo ang mga kinikita ko roon," Saad ni Kuya. Napahilamos si Mama sa mukha niya.

"Anselmo, hindi kita pinipigilan sa gusto mo. Pero sana, Huwag dumating sa punto na hindi ka makaalis dahil sa medical mo. Sa tingin mo ba, maganda na araw araw kang umiinom ng alak? Naninigarilyo Kana rin, Hindi ka namang dating ganyan ah? Ano bang nangyayari sayo?" Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses ni Mama and it just broke my heart.

Gusto kong mainis kay Kuya kasi hindi niya sinusunod si Mama, pero siguro nga ganoon kapag malaki kana, may sarili kanang prinsipyo at paniniwala. Lalo na't alam mo sa sarili mo na kaya mo nang buhayin ang sarili mo.

"Tama ang nanay mo anak. Ano bang gusto mong patunayan ay pinakamamaster mo ang pag-iinom?" Sabay ubo ni Papa.

"Manahimik ka berto, Para sabihin ko sayo. Parehas lang kayo ng anak mo, parehong hayok na hayok sa alak. Sa tingin mo bakit ka nagkasakit? Dahil sa kakainom? kakapanigarilyo? Aba, May bunso pa tayo. Kung magkakanda matay matay tayo, sinong mag-aalaga kay Aila?" Litanya ni Mama.

"Kaya ka siguro nagkagoiter, Malakas ang bunganga mo," Balik ni Papa. Umirap si Mama at sinuntok si Papa sa braso nang malakas.

"Ito lang ang gusto naming ipaintindi namin sayo, Kung wala ka ng balak mangibang-bansa, paano kami rito? Paano naman ang mga kapatid mo? Nagpapasalamat kami dahil saamin mo binubuhos ang atensyon at pera mo saamin. Hindi ka namin pinipigilan kung gusto mo ng mag-asawa, tutal ay nasa tamang edad ka nanaman e." Saad ni Papa.

Sa tingin ko lang, masyadong nakulong si Kuya sa responsibilidad, kaya naman noong pinapalaya na siya nila mama ay hindi niya iyon mabitawan at hindi siya maka-alis.

Parang ibon lang, kapag bago palang sa kulungan niya parang gusto palaging umalpas, pero kapag nasanay ito. Kahit nakabukas ang kulungan at kahit na pinapalaya ko na, hindi parin siya umalis. Kasi nga.. Nasanay na siya na roon siya.

Sana hindi pa huli ang lahat para kay Kuya. Sana ay kagaya ng ibon ay hindi siya tuluyang magpakulong sa responsibilidad na kulungang ginawa nila mama at papa.

Minsan nagagalit din ako sa sitwasyon siguro ay dahil.. Pano kung hindi nangyari iyon? Baka iba ngayon?

Kung hindi ba ako pinanganak? May asawa na kaya at anak si Kuya?

Kahit naman bali-baliktarin ako ang tinutukoy na responsabilidad ni Kuya dahil ako ang pinapaaral niya. Kung kaya ko nalang buhayin at pag-aralin ang sarili ko nagawa ko na eh.

"Ma, Alam niyo ang totoo. Alam niyo ang dahilan kung bakit ko mahal na mahal ang batang iyon, Ngayon gusto niyo akong magkapamilya? Gusto niyo akong makapag-asawa? Paano si Aila kung ganoon? Papapag-aralin ba siya ni Aletta at bubuhayin? Matanda na kayo ni Papa, Tsaka ako dapat ang tumayo sa responsibilidad na iyon." Makahulugang saad ni Kuya. Nalaglag ang panga ko dahil doon. Sakto namang makita ako ni Kuya na kanina pang nakikinig sa pag-uusap nilang tatlo.

Dahil doon ay napatingin din saakin sila mama at papa,Halos malaglag ang panga nila dahil sa pagkabigla. Ano ba ngayon kung naririto?

Awkward akong ngumiti sakanila.

Bakit ba ang seryoso nang mga pagmumukha nila?

"Sorry po," Sabi ko at pinihit ang seradura ng pintuan bago pumasok sa loob. Kaagad ko iyong ni-lock at napasandal sa  hamba ng pintuan.

"Phew.."




When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora