Chapter Eighteen

10 8 16
                                    

Para namang natauhan si Kuya nang makita niya akong natahimik. Nagsorry din siya saakin dahil sa nasabi niya.

Kung sa Manila ay tig-iisa kami ng kwarto, dito sa probinsya ay hindi. Sa Salas kami natutulog nila Alfie, Kuya at Mama. Masarap roon matulog lalo na't malamig naman sa gabi. Iisa lang ang kwarto at doon si Papa mag-isa natutulog dahil hindi pwede siyang sa lapag. Maayos naman ang therapy ni Papa. May stress ball siyang pinipiga piga para makahawak na siya ng mga gamit. May Walker na rin siya at hindi na palaging naka-wheel chair  kapag ilalabas.

"Sa isang Linggo na ang second birthday ni Alfie. Magpapadala daw ng sampong libo si Aletta sa makalawa.." Pagkwekwento ni Mama kay Kuya. Tumango tango naman si Kuya.

Kung ano ano ang naging raket ni Kuya simula nang umuwi siya. Minsan ay kumakanta at maggitara kapag may lamay o di kaya ay birthday. Pero palaging sa talyer. Tawagin din siya kapag may sira sira sa mga bahay bahay.

May maliit na tindahan din kami dito na siyang pinuhunanan ni Ate para may pang-gastos. Kahit hindi sabihin nila Mama, alam kong hindi sapat ang kinikita ni ate sa ibang bansa at mga raket ni Kuya sa pang-araw araw namin.

Pumasok si Kuya sa kwarto, paglabas may hawak na siyang gitara.

"Gusto mong matuto?" Hindi niya ako tinitingnan na tanong. Napalunok ako at dahan dahang tumango.

"Lapit ka dito,"

Matagal ko na siyang napapanood na maggitara. Palagi ba siyang tumutugtog? Ngayon ko lang iyon nalaman..

Ang alam ko lang, si Ate ay mahilig magbasa ng mga libro, pero kay kuya.. Since hindi ko naman siya nakasama ng ganoon katagal, hindi ko alam kung ano ang mga alam niya aside sa ngayon na nakikita kong mga talent niya.

"A-C-E ay pwedeng minor at pwede major.  Bakit? Kasi pwede siyang happy notes o di kaya ay sad notes—" Nagpatuloy si Kuya sa pagpapaliwanag saakin.

"Anong kantang gusto mong malaman?" Bigla akong napaisip kung ano bang kanta.

Magpapaturo nga pala ako kay kuya para mayabangan ko ang mga tropa kong lalaki, tiyak naman na hindi marurunong ang mga iyon.

"Kuya.. Iyong kantang, With a Smile ng parokya ni Edgar? Alam mo ba yon?" Napa-ahh naman si Kuya. Ilang saglit lang na may kinapa siya sa gitara niya tapos ay tumugtog na siya.

"Lift your head.. Baby don't be scared, of the things that could go wrong along the way..." Panimula ko.

"You'll get by, with a smile.. You can't win at everything but you can try.." Pagtuloy ni Kuya.

"Baby you don't have to worry, cause there ain't no need to worry.. No one ever said that there's an easy way," Ako.

"When they are closing all their doors and they don't want you anymore.. This sounds funny but I said it anyway...,"

"Kuya, ba't ang ganda ng boses mo? Nagbabanda kaba nung nag-aaral ka?" Pansamantalang natigilan si Kuya sa pagtipa. Para siyang natuklaw ng ahas.

Agad siyang napayuko at kitang kita ko ang pagpahid niya ng likod ng palad sa mata niya. Umiiyak si Kuya?

"Kuya, umiiyak ka?" Tanong ko kahit obvious naman.

Umiling si Kuya at tumayo pero pagkatayo niya ay may nalaglag na wallet. Bumuka iyon at bumulagta ang litratong naroroon!

Picture ng isang baby at isang babae! Kasama niya si Kuya!

Parang akong nagulantang. Hindi ako makapaniwala. Mukhang luma na ang litrato pero mukhang iniingatan ni Kuya talaga..

"Kuya, nalaglag po ang wallet mo.." Agaw ko ng pansin. Dinampot ko iyon at isinara.

"Ahh, ganoon ba? Salamat.." Sabay agaw ng wallet.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now