Chapter Fourteen

12 7 5
                                    


Hindi ako maganda. Hindi ako attractive. At hindi talaga ako totoong matalino. Damn those people who made me feel that way pero siguro nga ay tama sila. Ganoon nga siguro ako.

"Pwedeng pahingi akong number mo?" Nangunot ang noo ko sa nagtanong na iyon. Nananahimik na ako rito pero hindi parin talaga ako tantanan?

"Gagawin mo sa number ko?" Mataray kong tanong ko. Pumeywang siya at itinukod ang palad sa sandalan ng upuan ko.

"I think you're beautiful. Mag-ayos ka lang talaga..," Parang namula ang pisngi ko roon. Lalo na nang ipunin niya ang buhok na humaglpos sa puyod ko at inilagay iyon sa aking punong tengga. Napakagat ako ng labi.

He is the first guy aside from my family that told me that I'm beautiful. Talaga ba? Maganda ako?

Kaya lang bakit may kasamang mag-ayos? Parang biglang gusto kong manghina.

"I-i mean, Maganda ka." Bawi niya kaagad.  mukhang natataranta.

"At, magbago ng mga damit na sinusuot.. Kasi, ahh.." Napakamot siya sa batok niya.

"Ano?" Hindi ko Mapigilan Ang pagka-excited. Concern siya saakin kaya siguro ganyan siya magsalita. He only wants the best for me siguro.

"Ahh.. Alis na ako, May class pa ako." Sabay alis niya, ang malawak kong ngiti ay biglang naglaho.

Bigla akong nanlumo na kung papaano. Ganoon na ba ako kapanget to the point na nilayasan na niya ako?

Napatingin ako sa Glass wall ng canteen kung saan nagrereflect ang hitsura ko. Sobrang payat, mahaba ang leeg, sobrang putla at.. Maraming tigyawat,—sa madaling sabi ay pangit.

Hindi naman ganito ang itsura ko noon. I know it's just puberty hits me. Pero bakit iyong mga ibang nasa edad ko ang gaganda nila?! Why is it unfair?

Sikat sila. Magaling sa lahat ng bagay, matalino at hinahangaan ng lahat. Malayong malayo na ako sa dati kong sarili.

When I was in 6th grade, I was the most famous student in our batch. It just saddened me on how I ended up like this..

Walang nagmamahal..

Nag-iisa..

Is this a way of God telling me that I'm not worth loving? That my existence is not worth living?

Days passed on and on. Nakikita ko palagi na masayang mukha ni Mama tuwing kausap siya ni Liam. Maging si ate ay ganoon na rin, parang nabrain wash na sila. Sino gayon ang pagsasabihan ko?

Simula noong tumuntong ako sa sekondarya ay parang dumami na ang mga nangyayari saakin. Parang.. Sobra na?

Ayaw ko namang tumulad sa ibang kaedaran ko na nagrerebelde sa magulang. I owe them a lot especially Kuya Anselmo. I don't want Kuya to be upset of me. Ganoon din si Ate.. Kaya kahit hirap na hirap na ako ay ipinagpapatuloy ko nalang ang buhay ko.

Bakit ba napakaproblemado kong tao? Napatawa ako ng mahina. Wala pa akong trabaho, wala pa akong degree, Hindi pa ako nakakapagbayad ng bills gamit ang sarili kong pera. Nakakakain ako ng tama, May tinitirhan ako at May pamilya din naman ako. Siguro ay ang problema ko lang ay si Liam at.. Ang highschool life ko.

Hindi naman ako bobo. Alam ko naman na gusto lang akong galawin ni Liam, siguro ay gawa narin ng hormones? Pero bakit hindi nalang siya magsarili? Bakit kailangan niya pang mang-maniac?

Hindi niya ba alam na sa ginagawa niya? Pinaparamdam niya lalo saakin na wala akong kwenta at napakarumi ko?

"You heard about Amy? Nabuntis daw ah? Her cousin raped her. Ayun, haha!" Para akong sinaksak ng maraming punyal sa aking puso dahil roon. Is rape a joke?

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now