Chapter Four

15 8 9
                                    

I don't believe her guts. Gusto niya lang akong maging kaibigan? marami nang nagsabi noon saakin na mga kaklase ko noong elementary pero pangbabackstab at kung ano ano pang pagtratraydor ang ginagawa nila saakin. Damn those bitches.

Gustong makipagkaibigan saakin? Pero bakit May kasamang ibang tao? Iniwan lang ako rito sa may sulok, Dapat nga talaga hindi ako nagpapadala sa mga sinasabi niya.

I'm sure that next month would also be more busy dahil sa Intramurals naman. Sinasabihan na kami ng mga teacher namin kung ano ba ang sports namin. Mayroon ding mga club kagaya ng science club, MAPeH, Math, Campus Journalism at iba't iba pang group. Marami din silang ino-offer na sport pero wala ako roon. hindi ako magaling sa anumang bola o laro.

"Hindi daw pwedeng wala tayong sport since we are Star section," Sambit ni Macy saakin. Nasa tabi ko nanaman siya at kakatapos lang niyang makipag-usap sa kung sino.

"Anong sport mo, Aila?"

"Wala," diretsong sagot ko.

Hindi naman talaga rude na tao, Bakit ang dali daling magbago ng mood ko?

Hindi ako ganito!

"Hey, I just want to ask you. Nagkaregla kana?" Kunot na kunot Ang noong tanong niya.

"Oo," Sagot ko sabay inom ng palamig. "Last, last month lang," Sagot ko. She frown.

"Bakit ako? wala padin?"

"Bata ka pa naman, Malapit Kana ring reglahin, pinamumukulan ka na e," paliwanag ko sakanya.

Nagulat ako ng sapuhin niya ang kanang dibdib niya at pisil pisilin iyon.

"Baka magkabreast cancer ka!" saway ko sakanya.

"You know what? My cousin is touching me here," Buntong hininga niya. Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"Come again?"

"Nothing," Hinarap niya ako. "Wag mo na akong pansinin, Anyways.. Sa Volleyball ako sasali, ikaw ba?"

"I don't know. I don't have sport," Sabi ko sakanya.

Atsaka wala din ako sa mood para maglaro sa intrams, baka gaya nang sa nutrition month ay mapahiya din ako. Ayaw ko ng mapapahiya kaya nitry kong maging low-key na lamang.

Less expectation, Less disappointment.

"You don't have really?"

Well, mayroon pala, nagbabadminton kami dati palagi ni ate sa labas ng bahay. Player siya sa NSH ang pagkakaalam ko pero nang grumaduate siya at hindi na siya nagpatuloy ng pagbabadminton sa College.

"May jaxton ba doon? o di kaya ay Chinese garter?" Sarkastiko na tanong. Tumawa siya.

"Aila Grace De Claro!" Nanlaki ang mata ko ng tawagan ako sa amplifier ng host. Bakit ako tinatawag sa Entrance play ng volleyball?

Kaagad na sumama ang tingin ko kay Macy. nakangiti lang siya saakin sa gilid at pumalakpak ng mahina.

"Mag-serve ka! pakitaan mo kami!"

Hindi ako marunong nito! My god, ang daming nakatingin!

Nagdedemonstrate saakin si Macy ng gagawin pero hindi ko iyon maintindihan, Basta ko nalang iyong hinagis sa ere saka tumalon para hampasin iyon. Lumagpas iyon ng net at nakalabas ng court.

"Woah! Ang lakas ng palo!" Nagpalapakan silang lahat.

Parang may kung ano sa puso ko ang tuwa nang marinig ko iyon. Nang tumingin ako kay Macy ay nakathumbs up siya saakin. inirapan ko siya.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now