Chapter Twenty Two

11 4 9
                                    


I felt relived sa naging pag-uusap namin ni Mama kagabi kahit na gabing gabi na. Hindi ko alam na ganoon palang kalalim na tao ni Mama na kung hindi mo pagmamasdan at bibigyang meaning lahat ng ginagawa niya. Hindi mo siya mage-gets.

Dahil doon. Pagkagising na pagkagising ko palang kaninang umaga, habang nagkakape ay nasa duyan ako sa harapan ng bahay namin habang nagkakape at nagsusulat sa notebook ko.

Gusto ko ay wala akong kalimutang detalye. Gusto ko ay pagdating ng panahon na muli ko itong babasahin ay mas malamin pa akong pag-unawa. Sinulat ko nalang kasi ang tinta ng ballpen ay mas mananatili kesa sa mga salita ni Mama sa utak ko.

Nag-add din ako ng mga realization ko sa mga words of wisdom ni Mama. Kung dati ay papitsi pitsi lang ako sa pagsusulat. Ngayon ay balak ko ng magsulat ng tuloy tuloy.

Binalikan ko ang mga sulat ko noong grade 4 palang ako. Gusto kong masuka habang binabasa ko iyon. Ang sakit masyado sa mata at parang dudugo ang utak ko.

Ako ba talaga ang nagsulat nito?

Meron pang A letter to my 7 years old self. Nakakainis, parang ang sarap sabunutan ng dating sarili ko. Napaka.. Napakanaive! napaka-ignorante!

Sa tuwing nakakaisip ako ng mga words of wisdom. Kahit na sa iba ko lang narinig ko kahit nabasa ko lamang sa isang pahayagan ay isinusulat ko. Inereretain ko sa utak ko.

Malapit na nga pala akong mag-15.. Ano kayang maisulat para sa sarili ko?

Ano ang mga pwede kong gawin para mabago ko ang mga iyon. Para saakin, hindi lang dapat sa birthday o di kaya sa bagong taon dapat na magbago. Dapat ay araw araw. Dapat ay araw araw may natututuhan ka sa buhay at dapat din araw araw ay binabago mo ang sarili mo.

Because change doesn't happen overnight. it's a long process.

Wow? coming from me? Na nung kinausap lang ang mama ay akala mo kung sino ng mature kung mag-isip? Na akala mo ay kaya ng tumayo sa sariling mga Paa ni hindi pa nga alam kung anong kukunin sa College.

Naaalala ko iyong mga regalong natanggap ko noong nag12 ako. Hindi ko pa nabubuksan iyong mga gifts saakin ni Mama at ate. Ano kaya ang mga iyon?

Umalis ako sa duyan at muntik pa akong magdagasa dahil sumabit ang Paa ko. Buti nalang at hindi gaanong kataas ang duyan kaya naman para lang akong gumapang sa lupa.

"Problema nito? Nasisiraan nanaman ng bait?!" Ismid ni Mama na nagwawalis ng mga dahon.

"Kung pera yang winawalis mo, Mama. Hindi ka magagalit!" Pahabol ko sakanya at parang si Naruto na tumakbo papasok sa bahay. Muntik ko pang mabunggo si Alfie na papalabas ng pintuan, mabuti nalang at naagapan ko kaya nakatayo parin siya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at hinanap iyong kahon ng mga gamit ko. Mga algamuhot ko doon sa dati naming bahay.

Ang daming notebook at napakaraming bondpaper. Hindi ako maeffort na tao kaya naman masakit sa matang makita ang halos papilas na na bahagi ng notebook. May ilang nabasa ng ulan at may iba namang parang nginatngat na ng daga.

Nang buklatin ko ang mga iyon at halos marindi ako sa mga sulat. Parang may sarili akong alpabeto at hindi man lang ginandahan ang sulat kamay. Ni walang design!

Babae ba talaga ako?!

Sumunod si Mama sa kwarto saakin at May hawak naman na walis. Sana ay hindi niya isisi saakin ang pagod niya kakawalis. Maghuhugas nalang ako ng pinggan mamaya tapos ako narin ang magsasaing.

"Iseperate mo na diyan ang mga itatapon ko na sa hindi pa ha? Ipanggagatong ko nalang." Sabi ni Mama. Nagtitiklop naman siya ngayon.

"Ma! Wag naman! Mga treasures ko ito!" Nguso ko.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt