Chapter Thirty Two

8 4 7
                                    

Pinahiram ako ni Macy ng damit para sa pupuntahan namin ngayong gabi. Ayaw ko sanang sumama pero naisip ko rin naman na wala akong gagawin. Tsaka baka May Cordon bleu doon, yung parang sushi?

Kaya lang, di ko bet yung sushi. Na-we-weird'an ako sa lasa, mas trip ko pa yung cordon bleu.

"Si Chiro susundo sa atin, Sira car ko."

She is done putting her make-up. She's now doing her hair.

Macy is really beautiful inside and out. Ganoon ba talaga kapag maganda ka? Palagi kang sinasaktan? Hayst.

Isang ring ng doorbell niya lang, kinuha niya na kaagad ang purse bag niya at naglakad papalabas.

Para siyang si Kim Kardashian sa outfit niya. Mukha siyang aattend ng grandball. Mukha tuloy akong Chimay pero mas pretty parin ako sakanya.

Sa bilis niyang maglakad na halos nahawi ang mga taong nakakasalubong namin, kasabay ko si Robin na naglalakad sa hallway.

"Hoy! Hoy! Walanghiya ka talaga!" Pinaghahampas ko ang elevator na sinakyan ng gaga. Parang tanga, nanguna nguna.

Awkward tuloy. Naaalala ko nanaman yung mga kagaguhan na nagawa ko.

Para akong teenager na nakita yung nilalandi nila sa chat sa personal mismo. Sana lang talaga wag niya ng banggitin pa iyon.

"Y-you look good in your dress," He compliment. Nakatayo lang siya ng tuwid at diretso ang tingin sa pintuan ng elevator.. Nagta-tap ang Paa niya sa sahig at mukhang nilalaro niya ang kung anong nasa loob ng bulsa niya.

"Oh? Thanks, then.." I answered. He cleared his throat.

Mukhang nag-aabang para icompliment ko rin siya. Lols, asa siya.

Kahit ang pogi niya ngayon, it is a big, big no.

Mga five minutes pa kaming nag-antay bago bumukas uli iyon. Rinig na rinig ko ang tunog ng stilleto ko sa tiles.

Kami lang dalawa dito.

Pinindot niya ang parking area. Because he is taller than me, of course. He is towering me. Para siyang poste sa tabi ko kaya naman naiilang ako.

Kagat kagat ko ang dila ko. Iniiwasan na makasabi ng salitang hindi angkop sa eksena.

"Did you had a boyfriend?"

"Yeah," Sagot ko. Napa-ahh nalang siya.

Bakit ba? At least. Honest answer.

Hindi naman porke walang boyfriend eh pangit na. Ang taas kaya ng standards ko, mala burn Khalifa sa taas.

"Was it because you love watching and reading romance.. Or your ex-boyfriend set your standards?"

Napatikom ang bibig ko. Grabe naman ang tanungan, straight forward. yung gusto kaagad malaman.

"Pwede both?" Napatitig ako sa repleksyon ko. Bakit parang kuba yata ako?

Nagstraight ako ng posture pero parang mas na-emphasize tuloy ang dibdib ko. Napalunok naman ang lalaki sa tabi ko.

"Eh, ikaw? May naging girlfriend kana?" Humarap ako sakanya ng nakahalukipkip. Inaantay ko ang sagot niya nang nakataas ang kilay ko, parang intimidating ang dating ba.

"None."

"Why?" Ang usyuserang ayaw mausyuso.

"I don't know.. Maybe because I'm nerd? they don't like me before.. And those girls who have bullied me likes me now.. So, yeah.."

Oo nga naman. Bakit ba ganoon? No one can love you for who you are talaga except syempre kay God, family and Friends. Kailangan ba talagang maging maganda para magustuhan? Mahalin?

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon