Chapter Thirty Six

15 4 8
                                    

I am new to this whole thing. Worth it ba ako ng ganitong panliligaw?

Nasa harapan ko sila Papshie, Mama at Papa. Para akong aatakihin sa puso sa iba't ibang ekspresyon na ipinapakita ng mukha nila. Si Mama ay nakangiti habang pinagmamasdan ang mga grocery package, Si Papa naman ay mukhang naguguluhan sa mga pangyayari at si Papshie naman ay blangko ang ekspresyon sa mukha. Hindi ko tuloy mawari kung galit o masaya.

"Haba ba ng hair ko?" Alanganin kong tawa.

Nagtangis ang bagang ni Papshie. Mukhang hindi natutuwa sa mga pangyayari.

Nuong bata pa ako, Wait? Makabata. 15 pala, nung sinagot ko si Louie. Nuong ipinaalam ko kay Kuya nagalit siya saakin. Ang dami niyang sinabi sa akin. Pwede ng makagawa ng libro.

"Alam kong malaki ka na at matanda ka narin para malaman ang tama sa mali. Bakit hindi mo sinasabi saamin na may nanliligaw sayo? Bakit hindi siya nagpakilala? At sino iyong lalaki kanina sa kotse?"

Napakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam sa tunay kung paano ko sasagutin si Kuya. Parang ayaw na gusto ko siya, pero sapat pa iyong like para sa commitment?

At siya.. Marami siyang responsibilities and of course, hindi kami bagay. Una sa lahat, magkaiba kami ng family background. Maaari ngang tanggapin siya rito sa bahay namin pero paano naman ako sakanila?

Ang advance ko talaga mag-isip. Masyado rin akong paranoid, Kapag pumasok ako sa isang relasyon gusto ko yung for keep to lifetime. Ayaw ko ng go go lucky lang.

Nang makita naman ni Kuya na hindi ako komportable sa kanyang tanong ay bumuntong hininga siya. "Take your time. Pero, tatandaan mo ito. Dadaan siya ibabaw ng bangkay ko bago ka niya masaktan."

Cringe naman. "Naiintindihan mo ako?"

"Opo." Nakalabi kong sagot.

Hindi ako nakakain ng maayos kinagabihan. Para akong eempatsuhin dahil hindi talaga ako matunawan. Mabuti nalang at considerate sila Mama saakin at hinayaan lang nila akong magsenti sa kwarto.

The usual na nakaharap sa monitor ng aking laptop habang nagsusulat. Parang mapupudpod ang daliri ko sa diin ng pagtipa ko sa keyboard.

Bakit ganoon? Parang ayaw ko na kaagad magsulat?

Akala ko ba ito ang passion ko? Bakit hindi ko maiconvert ang feelings and emotion ko sa pagsusulat? Kapag masaya ako, masaya ang naisusulat ko. Kapag malungkot, malungkot naman. Iyong tipikal na manunulat.

Ang hirap naman mawalan ng inspiration.

Dahil sa sobrang frustration, One shot lang ang nasulat ko. Nearly 5k word iyon. Ang sakit ng kamay ko pagkatapos para ring natutuyot ang eyeball ko.

Napatawa ako sa aking sarili. Iyong mga full time writer kaya? Ilang oras ang itinatagal nila bago makaisip ng buong chapter? Tapos iyong mga nagbabasa ni hindi man lang maka-appreciate. Gusto next chapter agad.

At kapag nagpupublish ng books or di kaya nape-paid stories akala mo naman sobrang laki na ng perang nakamkam sakanila.

It's just.. Stop romanticizing passion. Let's not be hypocrite, Tama si Kuya. Nagpakalaan laan ako ng oras at atensyon sa pagsusulat pero hindi naman ako sisikat ni mababayaran sa gawa ko. May matatanggap pa akong bash comments galing sa mga taong matatalino.

Itutuloy ko pa ba?

Kasi habang ni-re-read ko yung mga sinusulat ko. Napapangiwi ako, hindi karapat dapat na i-publish ni ata basahin. Parang hindi wholesome yung story, maraming back stories, maraming loopholes at cringe scenes. Hindi kumpleto ang characters. Marami mga nakakaligtaan tapos yung vocabulary ko pa.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon