Chapter Thirty Seven

17 3 51
                                    

Ako ang pinagluto ni Mama ng hapunan. Macaroni Soup na walang hotdog. Hindi napansin ni Mama na ubos na iyong stocks niya ng frozen goods sa refrigerator at wala naman doon sa groceries na ibinigay ni Robin ang hotdog.

Tampong tampo ako habang nilalagyan iyon ng evaporada. Duon nalang ako bumawi kasi tinatamad naman akong bumili sa kapitbahay. Mai-issue pa naman sila, matanong pa ako. Huwag nalang.

Dahil walang ground pork, corned beef nalang. Mas malasa pa. Kapag Pilipino ka nga talaga, ang daming alternative ways. Kagaya ng elbow macaroni dapat pero iyong Spaghetti pasta ang nilahok ko kasi hindi naligo iyon ni Mama nuong new year.

So, technically. Hindi ko na alam ang tawag, basta soup to. Lasang ewan nga lang.

Inilapag ko sa gilid ang sandok at tinakpan na. Dumiretso ako sa kwarto at tiningnan kung ayos na ba ang pasyente.

"Luto na ba? Tawagin ko na si Papa at Kuya mo," pahabol pa ni Mama.

Lumapit ako kay Robin na nakahiga sa kama at kinurot ang tagiliran niya pero walang epekto. Bigla kong naalala iyong kiliti sa utong ng mga lalaki, effective kaya sakanya?

"Wooh!" Balikwas niya.

"Yan! Perfect way para magising ka. Good night, tulog Kana uli!" Asar na singhal ko.

Lumingon siya saakin na tila kinakabahan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"May pagkain na, nagluto ako.. Kaya mo bang tumayo?"

Tahimik lang siya naupo at pinakatitigan ako. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

Mukha namang okay na siya. Kamag-anak yata ni Macy 'to, walang hang-over pagnalalasing kasi isinusuka.

"If you want to change your clothes, you can borrow one of my kuya's clothes. It's over there," Turo ko sa study table ko. Sumunod naman ang mata niya roon. "Ill go out, you must change first. Just come out when you're done, okay?"

Tumango siya.

Bumuntong hininga ako paglabas ko. Grabe naman iyon.

"Namalmaan ang kuya este, tatay mo ng inom. Nasa kwarto niya, ayaw bumangon.." Kwento ni Mama saakin. Si Papa ay nakaupo na sa hapag-kainan at humihigop ng mainit na sabaw ng Soup.

Nagtakal ako ng saakin at ipinagtakal ko na rin siya. Nilapag ko iyon at sa lamesa at naupo na.

"Iho, kinuha ka na ni Aila ng sarili mo. Ito, maupo kana rito sa tabi ni Aila. Kumain kana,"

Hinayaan ko nalang siyang tumabi saakin. Wala din naman akong magagawa sa mga kabaliwan ni Mama saakin. Sawa na akong makipagtalo dahil hindi naman ako kailanman mananalo sakanya. Isa pa, masyado siyang magaling mangatuwiran.. At sa tingin ko naman, wala naman akong dapat ikatwiran.

"Masakit pa ulo mo?" Baling ko sakanya.

"It isn't anymore.. My nurse is effective you know," Mayabang na sambit niya.

Nginusuan ko sya. "Echos mo."

"That was true, I thought you were the angel that God sent for me from the above."

"Wow, gardener ka rin pala." Ibig sabihin saakin niyon ay mabulaklak ang dila.

"At hindi ka lang gardener. Ang lakas pa ng amats mo, ano?"

Bumabalik iyong pagkairita ko sakanya. Parang gusto ko siyang kalbuhin pero dapat stay calm lang..

Ang pangit niya palang kalbo. Baka mag mukha siyang Johnny sins.

Okay, forget that one.

....

One month have passed already and Angelo was graduated from his internship. Nagpatuloy siya sa pagreresidency sa Neuro science. That will take 7 years. Ewan.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon