Chapter One

32 9 16
                                    

Chapter One

"Congratulations!" Bati saakin ng mga teachers ko. I'm so proud of myself because: I'm going to graduate a Valedictorian in my batch.

"Thank you po! Mamimiss ko kayo, Ma'am!" Ngiti ko sakanila.

Dahil tapos na ako ng elementary ay sa Highschool Journalism naman ako mapapasabak. Kasama ako sa Campus Journalism ng school kaya naman itinuturing ako ng nga teachers na isa sa Gem ng school. At ngayong gra-graduate na ako ay parang nanakawan ang school ng diyamante.

"Congrats, Anak! Ang galing galing mo!" Sinapo ni Mama ang magkabila kong pisngi at pinupog ako ng halik.

"Matatanggal mama ang make-up ko," Saway ko sakanya.

"Payakap nga sa anak ko, ang galing galing mo! Talo mo mga kaklase mo! Anak ko to!" Pagmamalaki saakin ni Papa. Nakangiti akong lumapit sakanya para yumakap.

"Hoy! Pakinggan mo ang kuya mo! Nasa kabilang linya, Dali!" Inabot sa akin ni Mama ang Cellphone.

"Hello Kuya?!" Masayang bungad ko. Tuwang tuwa akong ibabalita sakanya na Valedictorian ako sa klase namin.

"Congrats, bunso!" Bungad ni kuya sa kabilang linya.

Kuya Anselmo is 18 years older than me, he is already 29 years old while ate aletta is 21 years old. malalaki ang agwat ng mga edad namin at ako naman ay 11 years old.

"Thanks Kuya!"

Bago sumapit ang graduation ko ay nagpadala ng balikbayan box si Kuya anselmo sa Pilipinas at pinadalhan na rin ako ng regalo para sa nalalapit kong birthday at sa graduation ko.

"Dalian mo't mahal ang tawag!" Saway ni Mama saakin.

"Kuya, thank you po sa pa-birthday at sa graduation gift niyo saakin. Ingat po kayo diyan, love you kuya! Pagbubutihin ko po sa Highschool!" Pagbibida ko.

"Mabuti yan, Proud si kuya sayo ha? Great job!" Puri ni Kuya saakin.

Inagaw kaagad saakin ni Mama ang telepono at siya ang kumausap kay Kuya, hindi noon nabawasan ang excitement ko hanggang makauwi sa bahay.

Sumalubong saakin si Ate Aletta na pawis na pawis at mukhang nagluto pa kaya hindi nakasama sa graduation ko.

"Congratulation, Bunso! Ate's so proud of you!" Hinalikan ako ni Ate sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"I love you ate!"

"Love you, too!"

Nagmano siya kina Mama at Papa saka kami sabay sabay na pumasok sa loob ng bahay. Nagpasabog ng confetti ang mga kapitbahay na dumalo sa munting salo salo sa aming bahay kaya naman magulo at maingay ang bahay ngayon.

"Magpalit ka munang damit, Aila." Sabi ni Mama. Tumango ako at dumiretso sa aking kwarto.

Binilhan ako ni Kuya ng dress na napakaganda. Dalawa iyon, ang sabi ni mama ay sa graduation ko daw isuot at ang isa naman ay sa birthday ko.

Kulay Peach iyon at napakaganda ng pag kakadesign. Sana, narito din si Kuya para kompleto kaming lahat pero madali. Kinailangan ni Kuyang magsakripisyo para sa kinabukasan naming lahat.

"Congratulation!" Bunggad saakin ng mga bisita pagkalabas ko ng kwarto, Lalo pa akong natuwa ng makita ang tarpulin na ipinagawa para saakin ni Ate Aletta.

"Thank you po sa pagdalo niyong lahat! Enjoy po tayo!" Pasasalamat ko.

"Gift ko sayo," Untag ni ate saakin. Nangunot ang noo ko sa klase ng regalo na bigay niya saakin.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon