Chapter Six

11 6 3
                                    

"Tumahan nga yang nguso mo! Tigil tigilan mo ako, Berto! Nawalan ka ng trabaho?! Bakit?!" Napangiwi ako. Hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa ng libro sa aking kwarto dahil naririnig ko ang sigawan nila mama at papa.

Para tumahan ang kaluluwa ko ay isinara ko ang libro at dahandahang lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Ate na nagluluto sa kusina. Pawis na pawis siya at suot suot niya pa ang uniporme niya sa trabaho. Ngumiti siya ng makita niya ako.

"Kamusta araw mo, Bunso?" Nakangiting tanong niya saakin. Inirapan ko siya.

Galit parin ako sakanya.

Anong kapal ng mukha niyang magtanong ng ganoon saakin? Hindi na niya nga ako inaasikaso e.

Kumuha ako ng tubig at doon uminom, Parang may sadyang nakasaksak sa tengga ko at hindi ko masyadong nauulinigan ang pagsisigawan ni Mama at papa.

Parang tinatambol ang puso ko sa inis. Parang sasabog iyon na kung papaano, Ayaw ko sanang magtanim ng sama ng loob kay ate dahil siya nalang ang kakampi ko. Pero hindi ko Mapigilan. Punong puno ang isip ko kakatanong ng kung ano ano. Eh, iisang beses palang naman iyong nangyayari.

PE namin bukas at PE uniform ang susuotin ko buong araw. Sa isang Linggo, Tatlong beses ka sa loob ng isang Linggo maguuniform tapos sa  Huwebes, PE or pwede din namang Uniform. Basta ba handa kang magsuot ng black shoes at may baon ka dapat na PE uniform. Sa Biyernes ay Dept Shirt. Kulay blue iyon.

Hindi ako ang naglalaba ng damit ko kundi si Ate, Pero napansin kong hindi nababawasan iyong malibagan ko ng damit. Hindi pa ba siya nakakapaglaba?

"Tatawagin nalang kita kapag kakain na tayo ha? Study well!" Hindi ko siya pinansin at nagtuloy papasok sa kwarto ko. Slight ko siyang pinagdabugan.

"Ma, Pa.. Hindi pa po ba yan tapos? Nag-aaral si Aila sa kwarto niya. Hindi iyon siguro makapagconcentrate.." Rinig kong sabi ni Ate. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, para akong napako roon.

"Isa pang problema iyon! Akala ko, tapos na ang problema namin! Napag-aral na kita pati ang kuya mo, Pareho niyong sinayang! Anong kinaibahan nang batang iyon? Ke-bata bata palang ang laki na ng ulo?!" Si Mama.

Parang may pumiga Sa puso ko sa loob ng dibdib ko. Pabigat ba ang turing saakin ni Mama?

"Hindi naman po kayo ang nagpapa-aral kay Aila. Si kuya naman po," Sagot ni Ate.

"Aba! dapat naman talaga!" Singhal ni Mama. Tumulo ang luha sa mata ko at sakto namang nabitawan ko ang baso na hawak ko.

"Tama na yan! Kayong dalawa, baka marinig kayo no'ng bata!"

Baka? eh rinig na rinig ko nga sila.

Pinalis ko gamit ang aking braso ang naglaglagan na luha galing sa mata ko. Kinuha ko iyong malibag kong damit sa malibagan at ipinamunas iyon sa basang sahig.

"Nagkakagipitan na ang mga kuya mo sa ibang bansa! Pag nawalan iyon ng trabaho, Saan tayo sa tingin mo pupulutin ha?! Mapapakain kaba niyang ambisyon ambisyon mo nayan, Aletta?! Dapat ay praktikal ka mag-isip. Pinag-aral ka namin para makayanan mong mamuhay ng mag-isa mo! para matulungan Morin kami! Pero bakit kapit ka parin saamin?" Papikit ako. Ako ang nasasaktan para kay ate sa mga sinasabi ni Mama, kung pwede ko nga lang sagut-sagutin si Mama nang hindi nagagalit si kuya ay nagawa ko na. Masyado masakit ang mga sinasabi niya, kahit may inis ako kay ate. Mahal ko parin siya, at nasasaktan ako para sakanya.

Bakit ba ang bait niya masyado? Bakit hindi nalang siya umalis dito sa bahay na ito? Pero kung iisipin ko, sana ay hindi muna mag-asawa si Ate at umalis dito sa bahay. Siya lang naman ang umiintindi saakin e.

Hindi nga ako naasikaso ni Mama simula noong first day e.. Palaging si Ate.

Ngayong may trabaho na si Ate, hirap na hirap na siya. Ayaw ko namang dagdagan pa ang hirap niya. Bigla akong nakaramdam ng konsensya, Baka naman kaya hindi siya nagising ng maaga kasi pagod na pagod siya sa trabaho?

Nangangalumata na siya at mukhang kulang na kulang sa tulog at pagod na pagod. Ang laki laki ko naman.. Bakit hindi ako ang kumilos ng akin?

Binuksan ko ang Drawer ko at sinipat kung mayroon pa akong pares ng medyas, mayroon pa naman.

"Aila?" Kumatok si ate. "Kakain na, bunso. Labas Kana riyan," napatingin ako sa salamin na nakasabit sa dingding ng kwarto ko katabi iyon ng pintuan. Mapula ang mata ko at halatang kakaiyak ko palang.

Tumayo ako at lumapit roon sa salamin na may maliit na basket sa gilid, lalagyan ng suklay, pabango at pulbos.

"Susunod na ako!" Sabi ko sa pagitan nang pag-aayos ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ate.

"Sige, Antayin nalang kita sa hapag-kainan.." Papaalis na ang yabag niya.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Inantay kong humupa ang emosyon na nararamdaman ko bago ako lumabas ng kwarto. Nasa Komedor na silang lahat.

Nakapagpalit na rin si ate ng damit pambahay. Ngumiti siya saakin nang makita ako, Hindi ako makangiti pabalik sakanya kahit na gusto ko.

Tahimik ang lahat na kumain ng Hapunan, hanggang sa makatapos ay nag-toothbrush ako sa lababo. Si ate Aletta naman ay naglilinis ng lamesa.

Gusto ko sanang humingi ng sorry pero pinangungunahan ako nang kung ano sa dibdib ko.

"Ma.. Nakakaramdam na si Aila, wag niyo naman po sanang iparamdam sakanya na pabigat siya. Bata lang yon," Dinig kong sabi ni Ate sa kusina. Nasa banyo ako ngayon at rinig na rinig ko ang boses nila.

"Pinapangunahan mo ba ako, Aletta? Ano sa tingin mo, hindi ko mahal si Aila? kaya hindi ko siya naasikaso masyado?" Sagot ni Mama.

"Hindi naman po sa gan—" Pinutol siya ni Mama.

"Iyon ang gusto mong palabasin sa sinasabi mo. Alam mo namang may sakit ako diba? Tsaka kung hindi ikaw ang mag-aasikaso roon, sino sa tingin mo? Hinahayaan ko siyang gumawa ng kanya para kapag namatay kami ng Papa niyo, kaya niya mag-isa. Hindi dahil hindi ko siya mahal, maaaring hindi niya maintindihan ngayon pero pasasalamatan niya ako pagdating nang panahon!" Mahabang litanya ni mama. Napabuntong hininga ako. Ano bang klaseng pagpapalaki iyon?

"Hindi naman sa ganoon, M—"

"Hindi nga sa ganoon, Nagkamali na nga ako saiyo Aletta e, Masyado kitang bineby kaya hanggang ngayon hindi mo parin kayang tumayo sa sarili mong mga Paa, Paano kung mawala kami ng Papa niyo? Saan kayo pupulutin ng kapatid mo? Alangan namang habang buhay kayong aasa kay Anselmo?"

Hindi ko na nakayanan pa ang mga naririnig ko. Binuksan ko nang malakas ang gripo para hindi ko marinig ang tinig nila mula sa labas ng banyo.

May problema ba ang aming pamilya? Kamusta kaya si Kuya sa ibang bansa? Sana ay okay lang siya. Ayaw kong nahihirapan siya roon kakatrabaho, Kung pwede nga lang din akong magtrabaho na. Magtratrabaho na ako.

Sa mga pagkakataong ganito, Mas lalo kong nararamdaman ang pagiging malayo kosakanila. Sana ay kaedaran lang din ako ni Ate para naiintidihan ko na sila, Para May magawa ako sa sitwasyon. Para.. Hindi na sila mahirapan ng ganito.

Siguro ang hirap tumanda. Siguro mahirap harapin ang tunay na mundo.. Iyon college ka na, gagawa ka ng thesis, ide- Defend mo sa panel of judges, Tapos OJT at kung ano ano pang adult stuff. Dahil doon, parang ayaw kong tumanda.

Ano bayan? 11 years old palang ako pero puros ganito na ang nasa isip ko. Pakiramdam ko ay matanda na ako sa mga pinag-iiisip ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nasa gilid iyon ng aking study table na nadikit sa dalawang pagitan ng dingding. Nakita ko si Ate sa labas na may inaantay. Teka? baka naman nagtapon lang siya ng basura?

May narinig akong tunog ng sasakyan. Papalapit sa aming bahay?

At teka? Sumakay si Ate?

Bakit?

Saan siya pupunta?

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now