Chapter Twenty Eight

11 4 9
                                    

I don't have pretty faces, sexy and hot body and now.. Why me?

"Ay nako! Tigilan mo ako!" Itinaas ko ang dalawang kamay ko at iwinagwag sa harapan niya bilang hindi pagsang-ayon, nakapikit pa.

Napalabi si Macy at mahinahong nagsalita. "Sinabi ko lang sayo, wag mong ipahalata, gaga ka."

Para kaming tanga na nagbubulungan dito pero nasa harapan lang naman namin ang topic.

Akma uli akong sasagot sakanya ng pabalang nang hilahin niya ang buhok ko ng mahina at pangisi ngisi na parang aso.

Kumuha siya ng pizza at inalok ako, humindi kaagad ako dahil parang hindi ako makakain sa mas harapan ko. "Ba't ayaw mo?"

"Wews. Vegetarian flavor, wala bang iba?" Maarte kong tanong.

Marami pa namang ibang pagkain pero biased wrecker talaga para saakin ang Pizza. Naiiyak ako kasi wala yung gusto ko.

"Sinong magugustuhan 'yang pizza na ganyan? Huh!" Napalakas ang boses ko kaya humarap sa aming gawi ang lalaki. Nakatikom ang labi niya at inihilig ang kamay niya sa kanto ng counter top sabay kuha ng pizza.

"Thanks for ordering this, Macy. This is my fave...," Napanganga ako.

Okay. I'm out of here, kanya itong welcome party kaya dapat ngang mga paborito niyang pagkain ang ihanda. Sana pala nagdala nalang ako ng aking pagkain.

Kating kati ako sa mukha ko dahil sa make-up. Hindi rin ako satisfied sa itsura ko kung mukha ba akong tanga o hindi.

Paano ba naman kasi, iba ang itsura ko kapag sobrang lapit ko sa salamin, para akong dyosa. Tapos kapag naman malayuan hindi ako satisfy.

Ang panget. Pakiramdam ko, hindi pantay ang mukha ko.

"Bakit hindi ka kumakain?" His pierced eyes bore into me. Napapitlag ako sa gulat.

"Ha?" Ngiting tanga.

Ngayon lang ako na-intimidate ng ganito. Ayaw ko sana siyang kausapin sa naparaming rason kahit ngayon lang kami nagkita. Una, galing sa America; Magaling mag-english. Pero magaling din naman ko magtagalog ah?

Paghindi niya naintindihan ang Tagalog ko, Huwag na niya akong kausapin. Hindi ko rin siya maiintindihan.

Pangalawa, mukhang edukado. I never thought na ang gusto ko sa isang lalaki ang ka-i-intimidate'an ko ngayon. Maybe one of the reason why I didn't chose Gab over Louie is because of that..

Bobo na nga ako, tapos hindi man lang ako hahanap ng matino tinong ipapares sa 50% DNA na isha-share ko sa magiging anak ko?

"Aila graduated valedictorian in her elementary days. Super active din siya sa school niya nuong college, kasali siya palagi sa Dean's list." Pag-o-open ng topic ni Macy para saakin.

Magkahalong ngiwi at ngiti ang iginawad ko sakanya, ang sakit ng panga ko. Nangingig ang gilid ng labi ko pati na ang panga ko. Parang kunti nalang lilipad na ang kamao ko.

"Hmm..."

"And you know what? Nagmuse yan nung 3rd year sa accounting department! 2nd place! Tapos mayroon pa siyang mga titles na nakuha, ligawin talaga yang si Aila kasi beauty and brain. Nung grumaduate kami ng college, with high honor siya," Bigla akong nairita sa boses ni Macy, para siyang si Kris Aquino sa boses niya.

Pakiramdam ko ay nilalako ako ni Macy sa palengke na para akong isda. Pero sabi niya, crush na ako ng pinsan niya? Bakit kailangan pa ng ganito?

Hindi ba pwedeng kapag crush mo na ang isang tao, crush mo na? Hindi na kailangang maghanap ng maraming rason.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora