Chapter Twenty Six

13 4 13
                                    

6 Years later...

Galit na galit si Mama saakin pagpasok ko palang sa bahay namin. Nagtatangis ang bagang niya at tila ba kakain ng buhay na tanga kagaya ko. Chos.

"Hayaan mo na muna si Aila, nagliliwaliw lang si Aila.. Alam mo namang late bloomer yan eh," Pagtatanggol ni Papa saakin, tatango tango ako para hindi ako ang mapagalitan.

Umayos ako ng tayo at pinakahawakan ang strap ng aking bag. "Totoo ba ang balitang narinig ko na umalis ka sa trabaho mo?!" Nanlalaking matang sigaw ni Mama sa akin. Napangiwi ako at tumango tango.

Mabuti ng saakin niya malaman kesa naman sa ibang tao. Besides, natackle ko nanaman sakanila itong issue na ito.. Na mas gusto kong mag-sulat kasi I feel good about it.

Niluwagan ni Mama ang pintuan at pinapasok na ako. Pangiti ngiti ako habang naglalakad papasok sa kwarto ko.

Inilapag ko ang bag sa aking lamesa at nagpalit ng damit na pangbahay, matapos ay naupo ako sa harapan ng study table ko at sinimulan ang pagsusulat sa aking laptop. Ginaganahan ako dahil ang daming nangyari ngayong araw. Ang dami kong pwedeng isulat.

Pangiti ngiti ako habang gumagalaw ang Paa ko na tila tumitingkayad. May naririnig akong musika sa utak ko at tila may napapanood akong senaryo na kailangang kailangan kong isulat.

Sa sobrang dami nila, pakiramdam ko ay magtatangle ang brain cells ko. Smooth lang ang typings Lalo na't natatandaan ko naman lahat ng gusto kong isulat. Happy ako sa kinalabasan ng isang chapter.

Parang nakalutang ang Paa ko habang naglalakad papalabas ng kwarto at dumiretso sa kusina ng bahay namin. Ang dami na palang nangyari? Akala ko hindi na nga uli ako makaka-apak sa bahay na ito eh.

"Tumawag ang ate mo, kinakamusta ka. Binalita ko na umalis Kana ng trabaho,"

"Kailan tumawag, Ma?" Nagtimpla ako ng kape.

"Kahapon, wala ka." Napangiwi ako. Ngayon lang ako nag-resign ahh? Bakit naikuda niya kaagad?

Ang bilis naman nga sa tsismis. "Anong tumama, Mama?" Pag-iiba ko sa usapan.

"27×19.. Sayang paya nga iyon, kinuha ang disinuwebe sa 10 tapos ang 27 sa nueve. Sayang ang taya ko, 10×9, sanay nakatama." Hinayang na hinayang niyang kwento. Simula noong lumipat kami sa Batangas ay nakahiligan na niya ang pagtaya sa STL bilang pang-alis ng bagot. Tumama lang siya ng ilang beses, ayon. Naadik na.

Tawa lang ako ng tawa sa buong oras na kinukwento ni Mama ang hindi niya pagtama, sabi ko sakanya ay ipunin nalang niya ang itinataya niya, sabi niya hindi naman siya malakas tumaya. 3-2 lang ibig sabihin ay limang piso.

Tumunog ang cellphone ko sa bag kaya nagmadali akong kunin iyon. Nagkanda tapon tapon pa ang kape, buti nalang di ko nabitawan. Maglilinis pa tuloy ako ng kwarto.

"Oh?" Bungad ko kay Macy. Isang tili ang pinakawalan niya sa kabilang linya. "Natapos ko na! Nakakakilig!" Dahan dahan ay napangiti ako roon. One shot iyong natapos niya syempre kasi hindi pa ako nakatapos ng isang buong kwento.

Ewan ko ba. Lahat naman ata nagawa ko na. Sinusulat sa notebook, sa notes. Ginawan na ng plot at kung ano ano pero hindi talaga e. Palaging nababago ang plot at syempre nawawalan na ako ng gana isulat. Then sa next na isusulat ko ganoon din ang nangyayari.

Kaya siguro ay wala akong boyfriend kasi ganoon ang paniniwala ko. Kung pinangakuan nga nila iyon tapos minahal ng lubos at naghiwalay kasi napagod at kung ano ano pang rason, malamang ganoon din saakin.

Hindi naman sa wala pa akong nagiging boyfriend. Meron naman, kaya lang ayaw ko kasi may history ako ng pagiging malandi. Okay, self proclaim na para hindi niyo na sa iba pa malaman.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora