Chapter Thirteen

9 7 4
                                    


R-18

Lumipas ang apat na buwan at napakaraming nangyari. Nagka-aberya si Kuya sa kanyang papel papunta sa Saudi at si Ate naman ay tuluyan na nga akong kinalimutan. Naipagbenta ang mga gadgets na binili niya at maging ang PC na nasa kwarto ko ay naibenta. Naibenta rin iyong ref namin at naubos halos ang laman ng tindahan ni Mama. In short ay back to zero again.

Gusto kong isisi kay Liam ang lahat ng ito dahil simula noong dumating siya ay nagkanda letse letse na ang buhay namin. Nawala pa lalo ang atensyon saakin ng mga magulang ko, Siya kasi ang pumunan sa kagustuhan ng mga magulang kong magka-anak pa ng isang lalaki at siguro narin ay namimiss nila si Kuya.

Lumayo ang loob ko sakanila dahil kung hindi pa ako tinawagan ni Kuya sa cellphone na bigay ni Ate ay hindi nila maaalala ang birthday ko. Masamang masama ang loob ko dahil doon at sa napakarami pang bagay.

Gustong gusto kong magsumbong sa mga kahayupanh pinaggagagawa ni Liam pero alam ko namang wala rin na saysay. Hindi rin ako paniniwalaan ng mga magulang ko dahil mas mahal nila si Liam kesa saakin. Ako palagi ang lumalabas na masama everytime. Ako palagi ang mali, Siya na ang tama, siya na ang banal.

Gustong gusto kong masuka sa tuwing kakausapin niya ako sa mahinahong boses at kunwari ay biktima siya. Pati si Kuya ay napaniwala niyang nagbago na siya at napakabait niya.

"Mag-aaral narin nga pala si Liam sa NHS, para mabantayan ka niya," Nanlaki ang mata ko kay Mama dahil roon.

"Hindi naman kailangan akong bantayan mama," Sabi ko. Yumuko si Liam at animo'y maamong tupa.

"Tsaka hindi pa ba siya kukunin ni Tita? Ang tagal na niya dito sa atin ah? Wala ba siyang balak umalis—"

"Wag kang magsalita ng ganyan, Aila! Napaka insensitive mo! Hindi mona inisip ang nararamdaman ng pinsan mo," Pagtatanggol ni Mama sa demonyo. Kitang kita ko ang dahan dahang pagngisi nito at parang sinasabi na siya ang nanalo. Ano ba kasing spell ang ikinast niya sa mga magulang ko at siya palagi ang pinaniniwalaan?!

"Alam ko iyang patutsada mo, Aila. Gusto mong nasa iyo lang ang atensyon namin ng papa mo. Huwag kang makasarili, Alam mo ang pinagdadaanan ng pinsan mo. Wag mo naman siyang tratuhin ng ganyan!" Umikot ang bilog ng mata ko. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ito kay Mama. Talaga palang nabilog na niya ang ulo ni Mama!

"Tita, wag niyo na Pong pagalitan si Aila. Naiintindihan ko po siya kung bakit siya nagkakaganyan, Bata lang po siya tita. Mauunawaan niya rin po ang mga bagay bagay pagdating ng panahon," Parang gusto kong mangilabot sa mga sinasabi niya.

"Kita mo?! Ang bait ni Liam para ganonin mo!" Pagsang-ayon ni Mama.

Napailing ako. "Hindi niyo ako naiintindihan.." Gustong gusto ko ng bumunghati ng iyak. Pero hindi, Ayaw ko.

Bigla akong nawalan ng gana dahil roon. Tumayo ako at padabog na ibinagsak ang kubyertos sa lamesa, Inirapan ko sila bago ako umalis sa hapag at dumiretso sa kwarto ko. Pabagsak kong sinara ang pintuan at dumapa sa kama, Kahit wala naman akong ginagawa ay parang napagod ako, ang lakas ng pintig ng puso ko at nagpupuyos ang kalooban ko sa galit.

Nakaka-iyak pala, at the same time. Nakakainis iyong wala kang magawa para maipaliwanag ang sarili mo.

I barely survive my 8th grade in Highschool. Nandodoon parin ang mga bullies, Binu-bully nila ako tungkol sa physical appearance ko. Ang dami ko raw na tigyawat at ang panget daw ng buhok ko. Mabaho rin daw ako at napakapatpatin ko.

Palagi akong umiiyak, Gabi-gabi. Hindi na ako nagsasabi kay Mama dahil alam ko ang isasagot niya. Nag-iinarte lang ako.

"Ma, Sorry po... Sorry," Nagulat ako isang araw ay nasa Salas si Ate hawak ang kanyang isang taong gulang na anak, nakaluhod siya sa harapan ni Mama.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now