Chapter Twenty Five

14 4 9
                                    


Ang kanta ng parokya ni Edgar ang paulit ulit na nag-pl-play sa utak ko. Tahimik lang ako sa isang tabi at kinakain ang biskwit ng bwisit kong pamangkin sa sobrang kabagutan.

Speaking of which. Si Alfie, hindi ko na gaanong napagkakakakita. Tsaka si Papa rin.. Hindi ko na gaanong nakaka-usap. Nakikita ko lang siya kapag kakain kami o di kaya ay gigising ako sa umaga. Pero pagkatapos noon ay wala na.

Napansin ko lang na ang dami ko palang na-miss out sa aking buhay. Magaling na pala si Papa sa therapy niya at nakakapagsalita na din siya kaya lang hindi pa ganoon katuwid pero ayos na.

Tipikal na araw para saakin. Si Mama nakaharap sa lababo at hinuhugasan ang nabiling isda ni Kuya sa bayan, si Papa naman ay nakikipaglaro kay Alfie sa labas. Si kuya, wala sa bahay. Baka kung nasaan.

"May pupuntahan tayo pagkatapos ng birthday mo," Anunsyo ni mama saakin.

Wala naman akong pakialam doon. Hindi ko na iniisip kung sinong maiiwanan ko o kung sinong makakamiss saakin, bahala na sina Mama.

Pero May isang bahagi sa utak ko ang nagsasabing ang daming mawawala sa akin kapag umalis ako.

Tumayo ako at lumapit sa pwesto ni Mama, kumuha ako ng baso at binuksan ang gripo para kumuha ng tubig. Minsan direkta sa pitsel o di kaya sa gripo na.

"Handa ka na bang iwan ang mga kaibigan mo?" She ask. Hindi kaagad akong nakasagot.

Saan naman kami pupunta kung ganoon? Akala ko ba dito ako papasok? Lilipat nanaman ako ng school? Saan kami titirang muli?

"San ba tayo lilipat, 'Ma?" Dinaig pa namin si Dora kung makapagexplore.

Masaya parin ako at ipinagpapasalamat ko parin na kahit palipat lipat kami ng tirahan ay hindi naman dahil sa pinalayas kami sa aming inuupahan na bahay. Ang pagkaka-alam ko ay.. May kaya naman ang pamilya ni Papa.. Kaya lang, ang dinig ko ay hindi si Papa nanghihingi ng tulong sa mga iyon.

"Uuwi na ba tayo sa bahay?" Ang tinutukoy ko ay sa Manila. Para saakin, ayaw ko paring umuwi sa Manila dahil sa sobrang gulo ng sitwasyon.

Alam kong hindi parin naghihilom ang tsismis sa akin dati.. At hindi ko alam kung kaya ko bang tumira muli doon sa bahay namin kung saan... Maraming masasamang memories.

"Sa Batangas tayo, pag-alis ni Kuya papunta sa ibang bansa.." Na-shock ako doon. Pero alam ko na iyon eh.. Nasabi na ni Kuya..

"Tatawag nga pala si Aletta Mamaya.. Huwag kang aalis ah? Gusto kang makausap ng ate mo, kausapin mo na.." Umakyat ang dugo sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong isasagot kay Mama sa totoo lang. Ano ba? Sasabihin ko na na ayaw kong makausap si Ate?

Pagtinanong kung bakit, anong sasabihin ko?

'wala lang..'

Kahit na sinabihan ako ni Mama na huwag aalis sa bahay ay umalis parin ako. Dala dala ang letter para kay.. Louie..

Iyong sinulat kong tula para sakanya, sana magustuhan niya. Tutal ay aalis na din naman ako. Bakit hindi ko nalang ibigay iyon sakanya?

Mayroong parte sa puso ko na nagtatalo kung kanino ko ba dapat ibigay. Kay Louie ba na talaga namang originally pinaglaanan ko ng tula o kay Gab na.. Nilalaman na ng tula na iyon ngayon?

Hindi ko na alam.

Wala itong pamagat at hindi ko alam kung tula ba talaga ito.

Ang nararamdaman ko para sa iyo
Ay parang Bagyo
Habang tumatagal ay mas naiipon
Kaya kapag bumuhos lubhang nakakatakot

Hangin ng pag-asa sa kanan
Hangin ng pag-aalinlangan sa kaliwa
Ako iyong naiipit sa gitna, Ang mata ng pag-asa at kung May pag-asa ba sayo

Para akong hangin sa iyo
Sapagka't kahit nagpaparamdam
Hindi mo ako makikita
Hindi mo rin gaanong maramdaman

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now