Chapter Eleven

16 8 3
                                    


Parang bombang sumabog sa pagmumukha ko ang sinabing iyon ni Mama. At ang bagay na hawak pala niya ay tinatawag na pregnancy test. Positive iyon, ibig sabihin ay buntis si Ate.

Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Masaya ako para kay ate, biyaya iyon dahil ayon sakanya ay mahal naman daw niya iyong lalaki. Ang ikinalulungkot ko lang ay anong sunod na mangyayari? Aalis ba si ate?

Pagkatapos niyang masermonan ni Mama ay lumabas siya at sumakay ng tricycle, Sinabi ni Mama sakanya na sunduin ang lalaking nakabuntis sakanya at pananagutin sakanya. Hindi papayag si Mama na ganoon nalang basta basta.

Bakit kaya hindi muna si Ate nagpakasal bago niya... bago niya ginawa iyon? Akala ko ba Bad ang premarital sex?

Kahit na love niyo ang isa't isa, hindi kayo dapat nagpapadala sa tawag ng laman. Ang nararamdaman ng tao ay isang chemical chain reaction lamang ng ating utak, kaya wag padalos dalos ng desisyon at baka magsisi.

Paano na ngayon? Pananagutan kaya si Ate noong lalaking nakabuntis sakanya? Ano kaya ang masasabi ng mga tsismosa naming kapitbahay sakanya? Pero wala na roon ang atensyon ko. Paano kung, Maghiwalay sila ng ate ko? Edi kawawa ang pamangkin ko! Hindi na bale, mas gusto ko iyon. Dito nalang si Ate saamin, tutulungan ko siyang mag-alaga ng anak niya.

Bakit ganoon? Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako. Inihanda niya ba ako kasi alam niyang aalis siya? Parang gustong mag-alma ng kalooban ko dahil doon. Iiwan na talaga niya ako?

"Ayos kalang?" Naramdaman ko ang paghaplos ni Liam sa likuran ko. Nabigla ako roon at muntik ng napapitlag. Bumitaw kaagad siya ng hawak.

Nakataas lang sa ere ang kamay niya at nakatikom ang mga labi. Mukhang napansin niyang kanina pa akong tulala. Naiwan ko atang bukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Paano ka nakapasok?" Tanong ko parin. Kinakabahan man pero mas lamang ang lungkot ko ngayon.

"Bukas kasi.. Wag ka mag-alala, bukas parin naman siya. Actually bukas na bukas nga.. Pumasok lang ako sa loob, kasi malungkot ka. Ayos ka lang ba?"

May karapatan ba akong malungkot? Kung si Mama ay mukhang na-shock lang at si Ate ay alam at tanggap iyon. Bakit kailangan kong malungkot?

"Makasarili na ba ako kung sabihin ko na gusto ko dito lang si Ate?" Tinakluban ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Pumalahaw ako ng iyak.

"Shh.. Shh.. Tahan na," Bigla niya akong niyakap. Mainit ang yakap na iyon, Itinukod niya ang baba niya sa ulo ko at marahang hinahaplos ang likod ko. Parang nag-iinit ang pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa gilid ng dibdib ko, Parang tumalon ang puso ko sa kaba kaya naitulak ko ng kaunti.

"B-bakit?" Inosente niyang tanong.

Biglang tinahip ng kaba ang dibdib ko. Naalala kong naka-sando ako ngayon bilang pantulog at walang suot na panloob.

"W-wala," Iling ko. "Okay na ako, makakalabas kana.." Sagot ko sakanya. Tumaas naman ang kilay niya. Inayos niya ang buhok niya at tumingin ng kaakit akit saakin. Gwapo naman kaya lang I found it creepy, Napangiwi ako.

Hinuli niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon, Ang init ng kamay niya ay tumatawid sa ugat ko. Para akong napapaso dahil doon..

"Uh..." Inagaw ko sakanya ang kamay ko, Nabigla din siya kaya kaagad namang napabitaw. Hindi ako komportable iyon ang masasabi ko. Parang lahat ng parte ng katawan ko ay gusto kong takpan dahil sakanya.

"Naiilang kaba? Pasensya kana, Hindi ko gagawin iyon sayo.. Atsaka, pwede mo akong mapagsabihan ng mga problema mo, Kung kailangan mo ng karamay. Nandito ako," Madrama niyang sabi. Nangunot ang noo ko sa mga sinasabi niya.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now