Chapter Thirty

10 4 34
                                    

Dasal ako ng dasal sa byahe na sana ay good mood si Mudra para pag-uwi ko ay hindi niya ako mapagbuntunan ng galit. Alam niyo naman, kapag tumatanda na.. Sumusungit na.

Dinala ko na iyong mga pagkain sa unit ni Macy na hindi naubos kagabi sa sobrang dami. Hindi ko na pinaalam sakanya, paano ba naman kasi.. Iyong pinsan niya ang nagpadala sakin!

Ang naaalala ko ay Christopher Royce Malabanan. Iyong tinawag noong general assembly no'ng grade 7 ako. If I'm not mistaken, Grade 9 siya non?

Pero how come Robin na ngayon?

Tsaka.. His last name, hindi kagaya nila Macy na Malabanan.

Ngayon lang ako naintriga ng ganito. Madalas naman kasi kapag nakikipagkilala ako sa tao, hindi ko knows ang apelyido o hindi ko na natatandaan.

Kaya galit na galit saakin si Gab at Angelo kapag tatawag ako para itanong ang apelyido nila, ba't daw hindi ko nalang tiningnan sa Facebook.

If you're wondering what happened to those guys. Well, here is the scoop. Si Ethan, fairy godmother na ng anak ni Felicity at Gab. Si Angelo naman ay serious sa life, Taas ng pangarap mga besh. Daig pa eiffel tower. Shi-ni-ship ko nga siya kay Macy kaya lang masyadong wild ang loka.

Nakarating naman ako ng maluwalhati sa aming bahay. Tahimik lang si Mama na gumagawa ng yelo sa kusina para pangtinda, lumapit ako para halikan siya sa pisngi. "Mama," Bati ko.

Napatigil si Mama sa kanyang ginagawa nang halikan ko siya sa pisngi, tumilamsik ang tubig sa lababo, napa-atras siya bago ipinagpag ang kamay.

"Nanunuwid na ang kamay ko! Aray ko, ang sakit." Madrama nitong sabi. Pinisil pisil pa niya ang mga daliri niya at pinalagutok.

"Oo na 'Ma. Tanggap ko ng sa birthday mo, 58 Kana." Halakhak ko.

"Kumusta ang isang araw na walang trabaho?" Puno iyon ng sarkasmo. "Nag-enjoy kaba kagaya ng gusto mo?"

Sana huwag tumuloy... Sana huwag tumuloy..

Namiss ko bigla si Alfie, ang pamangkin ko. Simula kasi ng kunin siya saamin ni ate ay ako na ang bine-baby ni Mama tsaka ang palaging nagbubungangaan.

Kapag sinabi kong 'Oo' Alam ko na ang sasabihin niya. About nanaman sa buhay at kung ano ano pang nakakabingi. Kapag hindi ay ganoon din. Isang araw palang yan ah.

"Kumain kana ba? Kumuha kana ng pagkain mo,"

"May dala nga pala akong pagkain mama, nilapag ko sa lamesa kanina." Piningot niya ako.

"Aray! Ba't Mama?" Daing ko.

"May mga pusa! Baka ubos na yon!" Paglingon naming dalawa sa lamesa ay nandodoon pa naman ang dala dala ko. Inaamoy palang ng mga pussycat.

Napabuntong hininga ako bago nilapitan ang mga pusa at ibinaba. "Hindi pa ba sapat ang 150 pesos na catfood ha? Mellow? Ha, Tanshi?!" Pinagalitan ko ang dalawang pusa.

Si Mellow ang kulay Garfield na pusa. Ang taba niya at ang tangahin na pusa, ang takaw sobra. Si Tanshi naman ay si arti kulangot. Parehas silang kulay orange pero si Tanshi ang tangkang amoy lang pero hindi naman kumakain ng maayos. Sobrang payat.

"Ba't ganyan ang buhat mo kay Tanshi?!" Hysterical si Mama.

Inosente kong tiningnan si Mama. "Dito naman talaga, Mama." Iniangat ko si Tanshi sa may bandang batok kung saan siya kinukuha ng mama niya nuong baby pa siya.

"Ang gaan gaan mo... Buti pa si Mellow," Hinaplos ko ang balahibo ni Mellow.

Ang pinagkaiba siguro nila sa ibang pusa ay hindi sila ngumingiyaw. Hindi rin sila makalat sa bahay na tumatae kung saan saan. Sa labas sila tumatae, kaya huwag kang magdudukal ng Lupa doon sa May sampayan at laundry area, hindi ginto makukuha mo. Tae ng pusa.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Where stories live. Discover now