Chapter Twelve

12 7 1
                                    

"Aalis kaba ate?" Napatigil si Ate sa pagpapalinis ng mukha niya gamit ang bulak na binasa ng tubig sa tanong ko.

Tumayo si Ate at lumipat sa kama, Tiningnan niya ako sa mata saka siya nagsimulang umiyak, Kahit wala pang minumutawi ang bibig niya ay napaiyak na rin ako. Parang mga puso namin ang nagsasalita..

Niyakap niya ako at kalaunan ay gumanti na rin ako ng yakap. Kusa nalang tumulo ang luha na iniingatan ko.

"Sorry, Sorry kung aalis si ate.. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang ako," Hinawakan niya ang dibdib ko sa May bandang puso. "Kaya mong wala ako, Aila. Kakayanin mo, ha?" Sabi niya.

I don't know if I can really do it without her. Wala na talagang mag-aasikaso saakin kada umaga, wala ng maglalaba ng mga damit ko at wala na akong magiging katabi. Wala na akong kagagalitan kapag inatake ako ng pagka immature ko.

"Bibisita naman ako lagi sa'yo.. Kapag may Kailangan ka ay tawagan mo ako ha? Kapag May problema ka.. Pwede mo akong matawagan,"

Kapag may problema, sakanya ako unang tatawag. pangako ko iyan.

"Kapag may masamang ginawa sayo si Liam, magsabi ka saakin ha? O kaya kila Mama at kuya, Naiintindihan mo ako?" She cupped my face and look at my face intently, I slowly nod.

Parang naputol ang dila ko dahil doon. Natatakot akong magsumbong dahil baka totohanin ni Liam ang banta niya saakin. I badly want to tell them what happened pero pinapangunahan ako ng takot.

Nagbaba na lamang ako ng tingin. Kagat labi akong tumango.

Sana ay hindi ko pagsisihan na hindi ko sinabi kay Ate. Tiyak naman sigurong titigil na siya.

Dalawang Linggo ang lumipas simula noong umalis si Ate ay parang sinasakal ako sa loob ng bahay. Palagi naman nasa bahay si Mama at kausap si Liam pero hindi parin ako mapakali dahil tuwing gabi ay napapansin kong may nagtatangkang magbukas ng seradura ng aking pintuan. Nangingilabot ako kapag ganon at pinagdarasal na lamang na sana ay mawala na iyon.

Sa tuwing magkakasalubong kami ay pinapadaplas niya ang kamay niya sa aking puwetan at dibdib, Nakakaramdam ako ng init na kakaiba at parang gusto kong saksakin ang sarili kung bakit ako nakakaramdam ng ganoon.

"Ma, Pahingi pong napkin," Bungad ko kay Mama paglabas ko ng kwarto. Dumating na ang dalaw ko ngayong buwan.

Inabot saakin ni Mama ang isang balot ng napkin at nagtuloy sa pagtatablet, Minamaster niya ang paglalaro ng Candy crush.

Pinihit ko ang seradura ng pintuan at ng bukas iyon ay didiretso na sana ako papasok ng bumungad saakin si Liam na naliligo habang nakahawak sa kanyang pagkalalaki. Nakangisi lamang siya, halos malaglag ang panga ko dahil doon. Kaagad kong sinarhan ang pintuan at kumaripas ng takbo pabalik sa aking kwarto.

Napahilot ako sa aking sintido. Hindi ba siya naglolock? Sanay ako sa bahay namin na hindi kumakatok pero dahil nandiyan na siya sa tingin ko ay kailangan ko talagang magdoble ingat.

Huminga ako ng malalim bago kumuha ng pamalit na shorts at panty sa aking kabinet. Lumabas ako ng banyo at tumuloy sa tindahan para sana kausapin si Mama.

"Kelangan mo?"

"Ma, pwede akong humingi nito?" Bumuntong hininga siya at umiling, tumango nalang.

Napapikit ako. Bakit siya ganito saakin? Kapag naman si Liam ang kausap niya ay tawa siya ng tawa. Nakakapagtampo na siya sa totoo lang.

Naupo ako sa karatig na Mono block chair at humarap sakanya.

"Baka tagusan ka riyan, kulay puti pa naman iyan," Saway niya saakin.

When Life Gives Lemon, Make Lemonade ✓ [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang