Thy Love (Thy Series #1)

131 0 1
                                    


"Ang pag-ibig na hindi lumalabas sa bibig ngunit nararamdaman mula sa pagtitig"
-- Martin Buenavista


AUTHOR: Binibining Mia

STATUS: Completed | Published thru ABS-CBN Books

GENRE: Romance | Action | Historical Fiction


BLURB:

Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala.Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon.

Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig?


MY POINT OF VIEW:

Since the book is written in Filipino, I decided to share my POV using Filipino words. To be honest I do not how to start this since it's been a year since the last time I did my reviews.

Thy Love,
titulo pa lang alam mo nang isang historical fiction ang kuwento. Mayroon itong 34 na kabanata na punong-puno ng romansa, trahedya at mga kathang isip na nangyari sa panahon ng mga Espanyol.

Celestina Cervantes, Martin Buenavista at Loisa Espinoza,
pangalan ng mga pangunahing karakter sa istorya. Sa unang kabanata pa lang, malalaman mo na ang bida at kontrabida.
Should I give a hint? Hahahaha! Basta, pangalan pa lang alam mo na kung sino ang kontrabida sa kanila.

May mga parte sa istorya na cliche, pero ang kwentong ito may mga bagay na magiging iyong dahilan para magpatuloy sa pagbabasa. Maari mong hulaan ang mga bagay na maaring mangyari sa pagitan ng mga pangunahing tauhan ngunit hindi mo aasahan ang paraan kung paano mangyayari ang mga iyon. Hindi mo mapapansin ang takbo ng istorya, ang akala ko nga nasa kalahati na ako ng kuwento dahil sa sobrang daming nangyayari pero nagkamali ako. Minsan nga naisip ko, ang sarap kausapin ng masinsinan ni Author eh. Ang daming planong nakalista! Nak ng tokwa. Nang-gigigil na ako sa mga kontrabida eh! hahahaha! Sa totoo lang, ang bawat kabanata ay tunay na kaabang-abang at nakakakulo ng dugo. Tungo sa katapusan, doon mo malalaman kung gaano ka pinaikot ng istorya. Doon mo malalaman na wala ka nang ideya kung paano magtatapos ang kwento dahil sa kakomplikasyon na mayroon ito.

Maging ang mga salitang ginamit, Filipino at Espanyol, ay kapwa nagbigay hustisya sa genre nitong historical fiction. Ibang klase ang tama sa isang mangbabasa na tulad ko. Ang mga nakakikilig na eksena na mayroon sa istorya ay dahan dahan at kapag narating na ang rurok, doon ka nalang biglang tatamaan ng kilig at iiwan kang nakatulala dahil nasa katapusan ka na pala nang isang kabanata. Sa mga karakter sa istorya, napakahanga kasi bawat isa sa kanila ay may matibay na pundasyon. Na kahit pati ang nakaraan nilang kuwento ay makikita sa istorya na nakatutulong upang maliwanagan ka sa takbo nito. Ang pagkakaibigan nila Martin at Timoteo ay ang pagkakaibigan na dapat mong kainggitan.

Pero ang pinaka nagustuhan ko sa istorya ay ang paggamit niya ng mga tauhan na may mga kapansanan. That's what I love about this story. Ipinakita niya ang mundo nang mga taong may kapansanan at binigyan niya nang inspirasyon ang mga taong nakararanas ng mga panlalait sa lipunan nang dahil lang sa kapansanang mayroon sila.

May mga typographical error na nagpahirap sa akin intindhin ang mga bagay na gustong sabihin sa istorya. May mga parte kasi na namamali ng pangalan na ginamit ang may akda. May mga maling salitang nagamit rin sa istorya pero madali naman siyang maiintindihan lalo na at kung bihasa ka sa Filipino. Kailangan mo lang maging pokus sa kuwento upang hindi ka malito. Medyo nalito din ako sa mga taon at lugar sa pagitan ng Laguna at Maynila. Sana lang ay i-edit ang mga iyon. Sa totoo lang, nawalan na ako nang gana nang malapit na itong matapos. Siguro dahil sa paraan ng pagkukuwento dahil mas pinili niyang ipakita ang mga nangyari sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw. Hindi ko alam kung ako lang ba pero hindi ko ito nagustuhan. Ito ay mayroong bittersweet na katapusan na sadyang hindi na bago sa akin lalo na at si Binibining Mia ang may akda.

To end this, I recommended this story and I love how it was written but not to the point that I will buy the book.
Teka, huwag niyo muna ko awayin! Haha! Do not get me wrong. I am a fan of Binibing Mia from I Love You since 1892 up to Our Asymptotic Love Story. I even bought those books and had her sign the first 2 books of OALS but this story didn't give me the same feeling that I had with those 2 stories. But still, I'm looking forward to the 2nd book of Thy Series which is still ongoing.


Oh siya, balik KDrama na muna ako ulit! -- helena ♥

Wattpad Stories To Be ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon