Chapter 38: Burden

Start from the beginning
                                    

"What brings you here, Georgy?" Matamlay kong tanong sa kanya.

Pero imbis na mahawa siya sa mood ko ay nakita ko pa ang pag ngiti sa labi niya. "Cheer up, Janelle! Ayokong malungkot ang cousin-in-law ko." He said in a cheerful tone, pero kahit ano p'ang gawin niya ay hindi yata ako mahahawa sa mood niya.

"I'm serious. Ano b'ang kailangan mo?" Pagtataray ko.

"Janelle, you see. I'm really sorry if we hid it all from you. Alam ko galit ka sa'kin... actually kayo ni Pat. 'Yung bestfriend mo galit din sa'kin dahil tinago namin sa'yo ang tungkol sa ex mo at kay Jess. Pero believe me, we only did that para hindi ka masaktan at para hindi na magkagulo gulo pa." He explained. Pero kahit ano siguro ang sabihin nila, masyado nang sarado ang tenga, puso at utak ko para makinig at umintindi sa paliwanag nilang lahat. "I know, you're also mad at my cousin. But I swear! He only did that for you, because he cares for you."

"No. He cares ONLY for Jessica and not me." Magsasalita pa sana siya pero biglang bumukas ang pinto.

"Sorry po sa istorbo. Miss Janelle, may meeting po kayo ngayon na mismo."

"We'll talk next time." I told George, bago ako tuluyang lumabas ng office para sumunod kay Carla sa labas.

Pagpasok ko ng meeting room ay nandoon din si daddy, syempre pati na rin si Orion. May tatlong iba pa na nasa loob na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala, dalawang babae at isang lalaki. Walang buhay akong umupo sa tabi ni Orion. Maya-maya pa ay pumasok na si Mr. Santos na may ngisi sa labi.

"So I think I can start now." Bungad ni Mr. Santos sa amin.

Lahat kami ay nag-aabang sa presentation na ipapakita niya. Well honestly, sila lang talaga ang nag-aabang dahil wala akong pakialam tungkol sa pag-uusapan ngayon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa akong isama sa mga meetings na tulad nito.

"We all know that Mr. President's son-in-law recently had a business trip in San Francisco to deal with our investors." He started. "I'm glad he did. He closes the deal only within 3 days." Nakangising tinignan ni Mr. Santos si Orion na nasa tabi ko lang.

"Only three days?" Tanong ng isa sa mga kasama namin sa loob. Mr. Santos nodded.

"If he closes the deal in only three days, then what took you so long Mr. Tantoco?" Tanong ng isa pa. Parang may gusto silang sabihin na negative or anything. Tsaka ko lang narealize kung bakit sila ganito magtanong sa kanya ngayon. He closes the deal within 3 days, but he stayed there for three weeks. So ano ang ginawa niya sa natira niyang 11 days plus another week? Tumingin ako kay Orion, halata ko na kinakabahan siya at hindi alam kung ano ba ang dapat niyang isagot sa mga tanong nila.

"Well--" May sasabihin sana siya pero hindi niya na na-ituloy dahil may picture na nagflash sa screen. Nagulat ang lahat sa nakita, pati na rin ako.

"Can you explain to us, who was the girl with you in San Francisco and what were you doing?" Mr. Santos interrogated him. Kitang kita ko sa picture na naka-flash sa white screen ay si Orion na may kasamang babae. Nakatalikod pa ito sa camera pero alam na alam ko kung sino ito. Inilipat ni Mr. Santos ang slide, sa isang picture ay kitang kitang nakayakap si Jessica sa kanya. Pareho silang nakangiti na para bang sobrang saya nila dahil sa magkasama sila. Ang sumunod na picture naman ay sweet na sweet silang naglalakad na magkaholding hands.

Wow, this is just great! Kaya pala ang tagal niyang nawala at hindi niya man lang ako matawag tawagan ay dahil dito. Magkasama sila sa San Francisco sa loob ng tatlong linggo. Gusto ko na lang umiyak. This is b*llsh*t. Gusto ko magwala, gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang sampalin ngayon sa harap nilang lahat. Bakit ba hindi siya makapaghintay? Hindi ba may usapan naman kami na maghihiwalay din kami pagkatapos ng isang taon? Ganyan ba talaga niya kamahal ang malanding iyon?

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now