Prologue

4.7K 99 9
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a Crime!

This story contains explicit mature themes. This is not suitable for people below 18 years old. Read at your own risk.

This story may contain grammatical and typographical errors.

**

Prologue

Nakadungaw ako sa labas ng bintana nitong bus na pinagmamasdan ang nadadaanang street lights. Lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Iniwan na ako ng mga magulang ko. They died in a car accident a year ago.

Nagising ako, at wala na ang street lights. Umaga na. Ang nakikita ko na ngayon ay bukirin, sunod ay ang dagat. I glanced at my wristwatch, it was past seven o'clock.

Nakita ko na ang signage ng Sta. Elena. Good timing ang pagising ko.

"Bababa na po." sigaw ko sa bus driver. Huminto ang bus. Binitbit ko ang mabigat kong bagahe na nilagay ko sa itaas at bumaba na.

Pinagmasdan ko ang paligid. Natanaw ko na may mga nagsasaka ng palay. Wala pa akong makitang kabahayan.

Pumara ako sa tricycle na dumaan.

"Tanong ko lang po kung saan ang Sitio Mateo?" tanong ko.

"Sumakay ka na sakin boy, idadala kita roon." sabi ng driver. Tumango ako at sumakay na sa tricycle nito.

Hindi nagtagal ay may nakikita na akong mga kabahayan, at may natatanaw akong dagat sa malayo.

"Heto na boy ang sitio Mateo." sabi ng driver makalipas ang mga bente minuto. Nagbigay na ako ng pamasahe at bumaba na bitbit ang bagahe.

Doon na ako nagsimulang magtanong kung saan ang mansyon ng Sandoval. Bata pa lang ako nung huling makatungtong sa mansyong ito. Itinuro ng isang aleng napagtanungan ko, lalakad lang ako ng ilang kilometro at matatanaw ko na raw iyon. Madali lang daw mahanap dahil ito lang ang malaking mansyon dito sa sitio.

Napahugot ako ng malalalim na hininga. Hindi nagtagal sa paglalakad, sa wakas, nahanap ko narin.

Ito ang mansyong pinamana sakin ng aking mga magulang.

May naabutan naman akong nagwawalis ng mga tuyong dahon. Napasecond look pa ito sakin bago lumapit sakin dito sa may malaking tarangkahan.

"Anong kailangan mo iho?" tanong ng lalake na nasa mid 50's na ang edad.

"Uhm, ito po ba ang mansyon ng mga Sandoval?" tanong ko.

"Oo. Caretaker lang ako rito." aniya.

"Ako po si Axel Sandoval, anak ng may ari ng mansyon."

Parang nagliwanag naman ang kanyang mukha.

"Ay, ikaw na pala.." Napakamot siya sa kanyang batok, parang nahihiya na.

"Pasok ka iho sa iyong mansyon." He opened the gate wide and guided me inside.

Tumango ako at sinundan siya. Rotonda ang daanan. May malaking fountain sa gitna. May hagdan na five steps bago maakyat ang pintuan. Kinuha niya ang susi na nakasabit sakanyang tagiliran at binuksan na ang malaking pintuan.

Bumungad sakin ang mga kagamitang nababalutan ng puting tela.

"Pasensya na iho at medyo maalikabok pa ang mansyon." paghingi niya ng paumanhin.

"Ayos lang po." sabi ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Napakalawak ng mansyon. May malaking portrait na nakadikit sa dingding. Ito ay larawan ni mama, papa, at ako nung bata pa ako.

"Nang malaman kong sumakabilang buhay ang iyong ama at iyong ina, naisip ko, paano na yung unico hijo nila? Maagang naulila." May bahid na lungkot ang kanyang sinabi

"Oo nga po eh, nakakalungkot pero kailangan tanggapin ang nangyari." sabi ko.

"Teka po, may nagbibigay po sainyo ng sweldo?" tanong ko, bumaling na sa kanya.

"Huwag mo akong alalahanin iho, dahil bukal sa kalooban ko ang pag alaga sa mansyon niyo, malaki ang utang na loob ko sa pamilya niyo." aniya.

Tumango ako.

"Alam mo ba na tinulungan ako ng iyong ama na maoperahan sa puso, kaya laking pasasalamat ko sa mga magulang mo." aniya pa.

"Pa, nanghihina ang baka!"

Napalingon kami sa sumigaw na lalake. Nasa amba ito ng pintuhan. Nakahubad ito ng damit pang itaas. Saglit kaming nagkatinginan ng lalake at kumunot ang noo nito.

"O sya, sige babalikan kita rito iho, nanghihina raw ang bakang alaga namin." Tinapik niya ang balikat ko at sumama na doon sa anak niya.

Ang guwapo ng anak niya ah.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora