Prologue

8.2K 259 21
                                    

"Doc may Emergency po sa OR!"

Kakatapos lang ng surgery ay bumungad naman ang isang intern na nagpapanic sa harapan ko. Tinapik ko siya para naman kumalma siya.

Geez there's no room for panic here.

"Kalma" malamig kong sabi na ikinalunok niya.

I immediately headed to OR after hearing that. Nakasunod ang intern saakin habang hawak ang chart. Alam kong may nangyaring aksidente pero hindi ko inaasahan na marami ang damay dito.

Tinanggal ko ang suot na mask at dress tsaka nagsuot ng panibagong surgical mask. Nagsasabon ako ng kamay habang binabanggit ng intern ang kalagayan ng pasyente.

"Kakilala niyo po ata doc. Narinig ko binanggit pangalan mo bago nawalan ng malay..." sabi niya at naghintay sa gilid. Na curious naman ako at nilingon ang hawak niyang papel.

"What's her name?" I asked curiously dahil gusto kong malaman kung sino ito.

"Atarah Czarina Auclair po doc" nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

Atarah Czarina Auclair. Pangalan na matagal ko ng kinalimutan. Pangalan na kinababaliwan ko noon. Pangalan ng taong binuo ko para sa ibang tao.

She was my best friend and I treated her like a sister. Pero nagbago ito ng malaman kong nahuhulog na ako sa kanya.

Because of her I started believing that everything is temporary.

She's the girl I loved and she's also the reason why I changed.

My first love.

First LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя