SDTR: Kabanata 33

Magsimula sa umpisa
                                    

"Masakit." Daing ko, huminga siya ng malalim at tinitigan ako.

"Don't run, Claire." Tumindig ang balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko gamit ang namamaos na boses, kumunot ang noo ko at bago pa man ako makabuo ng salitang itatanong sa kanya ay tinanggal niya ang bonnet na suot niya na naging dahilan upang makita ko ang medyo gulong buhok niya na bumagay sa kanya.

Nakita ko doon sa bonnet ang nakatahing maliit na pangalan ko sa gilid na sa tingin ko ay gawa ni Mama.

"N..nakuha mo ba sa Music Lounge yang bonnet ko?" Usisa ko sa kanya at saka inilayo ko ang binti ko na nakapatong sa hita niya.

Tumungo siya at nag iwas ng tingin sa akin at saka muling isinuot ang jacket na hinubad niya kanina, napatingin ako doon sa tshirt niyang sinira niya kanina para pigilan ang pagdudugo ng sugat ko sa binti.

"Harmless ka naman siguro?" Bulong ko na nagpabaling sa kanya sa akin, ngumisi siya. "I'm not going to rape you, pwera na lang kung hihilingin mo. Walang pagdadalawang isip, di lang kita re-rapin." Panunuya niya na nagpalaki nanaman sa mata ko.

"Bastos." Bulyaw ko at pinili nalang manahimik dahil alam kong pag nagsalita nanaman ako ay may sagot nanaman siyang ibabato sa akin.

Ilang sandali din kaming nanahimik hanggang sa maramdaman ko na ang init mula dito sa tuktok ng Mt.Kalugong kaya siguro niyaya na niya akong bumaba. Tumayo siya at tumungo sa akin at saka tumalikod.

"Pasan." Aniya, nanatili akong nakatitig sa likod niya habang naghihintay siyang pumasan ako sa kanya.

"Come on, mainit na dito. Saka isa pa hindi mo kayang maglakad, namamanhid yang binti mo." Sambit niya na totoo naman dahil nakatali ito ngayon.

"Wa..walang malisya!" Sigaw ko na nagpangisi sa kanya.

"Oo na, napaka sungit mo." Buntong hininga niya at siya na mismo ang humila sa kamay ko upang maipasan ako! Napasinghap ako nang maramdaman ko ang init ng katawan niya, isinabit niya ang dalawang braso ko sa leeg niya at awtomatikong pumatong ang baba ko sa balikat niya na naging dahilan upang magkadikit ang pisngi naming dalawa!

Inalalayan naman niya ang dalawang hita ko gamit ang braso niya. Sunod sunod na paglunok ang nagawa ko dahil walang tigil sa pagwawala ang puso ko at alam kong nararamdaman iyon ng likod niya.

Nagsimula na siyang maglakad at napapapikit ako dahil alam kong mahirap ang pagbaba lalo na at pasan pasan pa niya ako.

"S..sorry." Bulong ko, hindi ko alam kung bakit ba na-gui-guilty ako ngayong nahihirapan siya sa pagbaba. "Kung hindi sana ako tumakbo edi sana mas mapapadali ang pagbaba natin dito." Dagdag ko, bumangga nanaman ang pisngi ko sa pisngi niya kaya kusang namula ang mukha ko! Bakit ba ganito nalang mag-react ang katawan ko sa kanya samantalang ngayon ko lamang siya nakilala.

Mas lalong humigpit ang kapit niya sa hita ko kaya naman nakakaramdam ako ng hiya.

"You don't have to say sorry, wala ka namang kasalanan." Bulong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sa hindi ko malamang dahilan ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sa leeg niya at mas tumungo ako sa balikat niya na naging dahilan upang huminto siya sa paglalakad. Pakiramdam ko ay nasasabik ako sa ganitong yakap kahit na hindi ko naman siya kilala! What the hell is happening to me?

Mabilis akong lumayo ng kaunti sa kanya dahil nakaramdam ako ng pagkailang! Pero ginamit niya ang isang kamay niya upang hilahin ang kamay ko at muling humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Nagwala ng matindi ang puso ko at namilipit ang tiyan ko!

"Yumakap ka lang sa akin, ayokong makawala ka." Bulong niya, "B..baka malaglag ka mas mahihirapan tayong makababa." Dagdag niya na nagpahinga sa akin ng malalim at kasunod non ang pagpapatuloy niyang maglakad.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon