"Your gown for the gala night," paliwanag niya sa'kin. "As requested from Mr. Velarde."

Wala sa sarili kong kinuha iyon. They bid me goodbye formally before they leave. Ingat na ingat akong bitbitin 'yong damit habang sinasara ang pintuan.

"Wow, sana all may sugar daddy." iyon agad ang pambungad ni Chelsea pagkapasok sa kwarto ko. Inabot na ako ng hapon at nakatingin lamang ako do'n sa gown.

Nakahanger na 'yong gown na binigay sa'kin. It was a v-neck ombre silk-blend gown. Parang titigan ko pa lang ay parang hindi deserve dumapo sa balat ko. 

"It's Givenchy, definitely Givenchy." sabi pa ni Chelsea habang nagtatype ng kung ano sa cellphone niya. "Shet, almost 300 thousand." 

I flinched upon hearing the price. Hindi na ako magtataka dahil alam ko namang parang requirement 'yon kapag pupunta ka sa party ng mga mayayaman. Baka nga pagpasok mo, iyon agad ang una nilang punahin at hindi 'yong itsura mo.

"Ano pang hinihintay mo? Isukat mo na," pagpupumilit niya sa'kin. Napabuntong-hininga ako at naghubad na para isuot ang gown. Tinulungan pa ako ni Chelsea kasi parang tanga ako gumalaw habang isinusuot 'yon. Ingat na ingat ako dahil baka masira.

"Dahan lang naman!" reklamo ko agad dahil mabilis niyang zinipper 'yong gilid ng damit. "Baka masira!"

"Sus. May pambili naman ang jowa mo." 

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang pakikipagsapalaran ko sa gown na 'yon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko naman maitatanggi na maganda talaga 'yong gown. It fits perfectly on my body, showing my firm shoulder and my curves. 

"Bagay na bagay," nakangiting sabi ni Chelsea. "In fairness, saktong sakto 'yong fitting, ah."

Iyon nga ang pinagtataka ko, e. Saktong sakto sa katawan ko at parang na-measure ng maayos. Hindi nagtagal ay tinawagan ko ang number ni Draisen. 

"Dumating na 'yong gown." sabi ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. "Ikaw pumili nito?"

"No," he replied. "I asked someone to do it. I just gave them the measurements and they—"

"Wait, ano?" I cut him off. "Ikaw nagbigay ng measurements?"

"Yes,"

"Ni isang oras na magkasama tayo wala akong natandaan na sinukatan mo 'ko."

"I don't need to measure, I just have to look at your body." 

Muntikan ko na mabitawan 'yong cellphone ko dahil sa pagkabigla. Nalaglag ang panga ko sa diretsahang sinabi niya. Kaya ba siya nakatitig noong isang araw? Sinusukatan niya ako gamit ang paningin niya?

"Wow," hindi ko napigilang magpuna.

"What?"

"Hindi ko alam na tinitignan mo pala ang katawan ko."

"I'm calculating your measurements."

"Sure kang measurements lang?" pagbibiro ko, sinadya kong lagyan ng ibang kahulugan.

"What else are you thinking?"

"Sabihin mo lang kung naaakit ka na sa'kin, ayos lang naman." natatawang sabi ko. "No hard feelings. I mean, hindi naman talaga mapipigilan 'yon."

There was a silence for a brief second. 

"You're insinuating that I'll be attracted to your body?"

"Bakit? Hindi ba?" 

"For someone who has a vital statistics of 35, 27 and 36, and a height of 1.72 meters, you sure are confident." 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now