Chapter Twenty Two

Start from the beginning
                                    

Habang papalapit siya nang papalapit sa lugar ay dumadami ang tagpong naglalaro sa kanyang isipan kung papaano niya papatayin ang dating guro na naging ama-amahan niya sa isla.

You will not take away another person in my life. You already killed my father and I won't gonna let you do that again with my Mom!

Aniya sa isip.

If her sisters were all here, she will ask for their help and she's hundred percent sure they'd help her without a doubt. But they're not here and she's all alone. But then again, this is her battle, her personal vendetta against her former mentor, and she will make sure that she will make him pay for everything. She will win this war.

Nang huminto na siya sa isang lumang pier roon ay tinalasan niya agad ang paningin at pakiramdam. Madilim ang paligid at mayroon lamang mga iilang poste ng ilaw roon kaya't hindi sapat para maaninaw ang lahat.

Mabuti na lamang at sanay siya sa dilim kaya't tinahak na niya ang daan. Palinga-linga siya at hinahanap kung saan naroon ang pakay. Dahil lumang pier iyon ay maraming mga lumang barko ang nakadaong roon sa gilid at may mga iilang kargamento ang nakakalat lang din sa lugar.

Mayamaya pa ay may biglang lumitaw sa gilid niya at inatake siya. Panay ang ilag niya sa sandata nitong tila malaking bolo. Kaagad niyang binunot ang kanyang Sai sa kanyang likuran at iniharang niya iyon sa atake.

While she was still blocking the machete with her weapon, she saw in her peripheral view that another attacker is approaching.

Kaya naman mabilis siyang kumilos para makailag muli. Kaliwa't kanan ang tingin niya dahil dalawa na ang kalaban niya. Parehong binabantayan niya ang mga kilos habang pinapakiramdaman din niya ang paligid dahil baka may bigla ulit na sumugod.

When the second attacker pushed forward to strike her, she aimed her weapon to block it and at the same time tries to hit the first attacker who was about to strike her as well.

Mabibilis ang mga palitan nila ng pag-atake. Magaling din ang mga lalaking kalaban niya ngunit mas magaling at mabilis siya kaya't naunahan niya at parehong natamaan.

She stabbed them both in the chest and left them lying on the ground, bleeding to death.

Naglakad-takbo na siya upang hanapin ang ina nang may panibagong mga tao ang umatake sa kanya. Muli na naman siyang nakipagpalitan ng atake habang umiilag. Tatlo laban sa isa. Mahirap iyon para sa iba ngunit sa kanya ay hindi iyon alintana dahil sinanay sila noon sa isla.

She slits the throat of the other one and slashes the other and stabs the third in one of the crucial parts of the body- the armpit. Amethyst felt like she was back to the way she was before, stained with blood and the faint smell of it is what keeps her going.

Nang masigurong patay na ang mga kalaban ay saka siya muling lumakad. Ngunit napahinto siya nang may humarang sa daraanan niya.

"If I were you, just let me through. You don't need to fight me coz you will surely lose." Aniya sa babaeng nakatayo roon at may hawak na katana.

Hindi niya ito kilala at marahil ay bagong tauhan o estudyante ni Tanabe na napag-utusan lamang. Nanatili lang ito roon at hindi gumagalaw, marahil ay naghihintay lamang na siya ang unang gumawa ng hakbang.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTWhere stories live. Discover now