38

168 6 0
                                    

"We're leaving guyz!" Sigaw ni Tita Teimhs kaya inayos ko na yung mga gamit ko saka lumabas na. Uuwi na kami ngayon dahil Lunes na. 9:45am na. Medyo malayo-layo ng biyahe kaya kailangan na naming umalis.

"Dala ko ang dalawag maleta at dalawag backpack. Tinulungan ko si Heleen at Helda dahil buntis sila. Tinulungan din kami ng mga crew ng hotel dahil medyo madami talaga ang dala naming bagahe.

"Tulungan na kita." Mahinhin na saad ni Jhanine na tumabi saakin.

"Ito na lang isag bag. Medyo mabigat iyan, okay lang? Ako na lang kung masyadong mabigat para sayo." Ngumiti naman ito saka nilagay sa likod ang bag.

"Okay lang. Kaya ko naman."  Pinong saad nito. Minsan nahihiya na yung boses ko kesa sa boses niya. Mala-aghel talaga itong si Jha. Mula panlabas hanggang panloob ay mabait. Bagay talaga sila ni Shin na mala-anghel din. ay dumi ba sa mukha ko?" Tanong nito ng mapansin akong nakatingin sa kaniya. Ngumiti naman ako saka umiling.

"Wala naman. Ang bait-bait mo lang talaga." Pati yung tawa niya ay ang ganda-ganda.

"Sabi ni Daddy dapat maging mabait eh. Saka mabait ka rin naman, Hero. Tapos ang ganda-ganda mo rin plus ang cool pa. Idol kaya kita." Natawa naman ako saka pinindot na ang button papunta first floor.

"Idol mo'ko? Hahahha huwag na, Jha. Una, hindi ako mabait. Ikalawa, palagi akong nagmumura. Ikatlo, basagulero ako. May mga bisyo. Ngayon, gusto mo pa ba akong magibg idolo?"

"Oo naman. Alam ko kasing mabuti kang tao. Maybe, para sa iba ay masama ang tingin sayo pero para saakin ay ikaw yung pinakamabait." Nailing na lang ako saka ginulo ang buhok niya.

"Bagay na bagay talaga kayo ni Shin. Pareho kayong anghel, hindi lang sa panlabas kundi pati sa panloob." Namula naman ito kaya pinisil ko yung pisngi niya.

Makaraan pa ang ilang sandali ay bumukas na rin ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami. Naglakad na kami papunta sa labas at agad kung hinanap si Shit pero hindi ko siya nakita kaya nagtanong ako kay Tita Teimhs habang nilalagay sa bus yung mga maleta.

"Nasaan si Shit, Tita?" Tanong ko habang palinga-linga.

"H-Huh? Si Thorr? Ah, nauna na sila ng Daddy at Kuya niya dahil may importante pa silang gagawin." Napatango-tango naman ako.

"Ganon po ba?" Ngumiti naman si Tita ng nakakaluko.

"Miss mo na si Thorr no?" Natawa naman ako pero tumango pa rin saka umupo na.

"Oo naman po Tita."

"Ayiiiiiiee!!! Kinikilig ako, Iha." Natawa naman ako ulit. Parang teenager talaga si Tita Teimhs. Ang bibo rin kagaya ng iba pang Mommy's na kasama namin.

Nakapasok na lahat sa bus kaya nagsimula na itong umandar. Kahit mahaba-haba ang biyahe ay hindi ako natulog. Nakatingin lang ako sa labas mula sa bintana.

This is the right time.

Napangiti na lang ako saka nagpatuloy sa pagmamasid sa labas. Ang ganda ng mga tanawin. Halos puro dagat yung mga nadadaanan namin. 

Yung iba kung kasama ay natutulog na. Nagpuyat ba naman kagabi. Mabuti na lang at maaga akong natulog kagabi kaya ngayon ay gising na gising ako.

Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa nadadaanan namin. Kumuha ako ng Ice Cream sa freezer, kung paano sila nagkafreezer sa bus? Hindi ko alam. Bumalik ako sa gilid ng bintana at nagpatuloy sa pagtingin sa mga view habang kumakain.

Napapangiti na lang ako kapag may makitang mga bata na kumakaway. Tumayo ulit ako saka kumuha ng isang malaking plastic ng chocolates saka sinabihan yung Driver namin na bagalan ng kunti ang takbo.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now