39

228 6 3
                                    

Agad akong tumakbo papasok at Hospital ng makarating at agad na pumunta sa front desk. Nasaan ang room ni Thorr Matthew Sandoval?!" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"R-Room 143 po." Agad na akong tumakbo at hinanap iyon.

Habang nasa daan ay nabubunggo ko na yung iba pero wala na akong pakialam. Gusto ko na siyang makita, maayos at walang dinaramdam.

Shit naman eh!

"136.."

"137.."

"138.."

"139.."

"140.."

"141.."

"142.."

"1...43."

Agad akong pumasok at napatulala na lang ng makita ang nasa loob. Napatulo na lang ang luha ko saka tinakbo ang distansiya naming dalawa.

"Bakit naman ganon!" Sigaw ko sa kaniya habang lumuluha. Napahagulhol na lang ako habang mahigpit siyang niyakap.

"Hey baby, don't cry." Mas lalo naman akong naiyak saka hinampas siya sa dibdib.

"A-Akala ko nadisgrasya ka?! Tangina naman eh." Lumuluhang saad ko.

"Papakasalan pa kita, Poop. Hey, don't cry na. I love you." Pinahid niya naman ang mga luha ko.

"Sabi kasi ni Thrizorr 50/50 ka na. Nataranta naman ako kaya dali-dali akong pumunta dito." Napatingin naman ako sa palagid ng marealize ang nasa pader.

Napatanga ako ng makita ang mga kaibigan ko na nandito na rin at nakangiti saakin. Pero nakuha ang atensiyon ko ng nasa pader na nakasulat. "Will...you...be...my...bride?" Basa ko sa nakasulat. May mga balloons sa pader.  At napuno ng rose petals ang sahig. All red ang nakikita ko at ang romantic ng lugar.

Romantic...

Tumulo naman ulit ang mga luha ko ng makita sina Tita Teimhs, Tito Matherro, Daddy at si Helda na nasa pinto at nakangiti saakin.

Unti-unti akong umikot paharap kay Shit at doon na lalong bumuhos ang luha ko. Nakaluhod ito sa sahig habang may hawak na singsing. "I really want you to be mine forever. Gustong-gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda. Ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko. I planned this when we are in Cebu. Kinuha ko na ang basbas ng pamilya ko at pamilya mo. I love you Hero and I don't to waste time. So, we you marry me? Will you be my bride? Will you be my wife? Will you be my everything?" Sunod-sunod na tanong nito habang nakangiti.

Ang kaninang kaba na halos atakihin na ako sa puso ay napalitan samo't-saring emosiyon. Masaya na kinakabahan na parang iiyak na hindi ko maipaliwanag.

Napapalunok akong tumingin kay Helda at Daddy pero isang matamis na ngiti ang isinagot ng mga ito saakin. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at lahat sila ay nakangiti na rin. Lumapat ang tingin ko kay Heaven at Thrizorr at sinamaan ko pa sila ng tingin pero nag-peace lang ang mga baliw.

Kanina habang papapunta kami ay halos atakihin na ako sa kaba sa pinagsasasabi ni Heaven. Paano raw kung mawala na si Shit? Paano kung iwan niya na ako? Kung patay na. Iiyak pa raw ako. Ano ang gagawin ko kung makitang nasa morgue na ang katawan ni Shit. Grabi, sobrang advance ng utak niya kanina. At ako naman halos magwala na kung hindi lang kami nasa kalsada at nakasakay sa motor.

Napabaling ako sa harapan ko, sa lalaking nakaluhod habang matamis na nakangiti saakin. Papakasalan ko ba ang lalaking 'to?
Gusto ko bang makasama ang lalaking ito habang buhay? Mamahalin habang buhay?

Ngumiti ako ng napakalapad saka tumango habang tumutulo ang luha ko...dahil siguro sa sobrang kasiyahan. "Yes, yes, yes. I will marry you, Thorr Matthew Sandoval." Saad ko  habang tumutulo ang luha ko. Unti-unti na nitong nilalagay ang isang diamond na singsing sa daliri ko.

QUEENS OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now