23

181 13 0
                                    


"Tara na sa baba. Nagugutom na ako." Rinig kung saad ni Shit ng lumabas ako galing sa Cr.

"Hero, tara." Aya ni Totga kaya tumango lang ako saka sumunod sa kanila.

Nang makababa agad kung nakita na ang dami ng tao kahit 10am pa lang. May mga Pinoy at mga Dayuhan akong makikita.

Pumunta na kami sa Dining Hall na kinainan rin namin kahapon. Ang dami nanamang pagkain na nakahain.

Naupo na kami saka nagsimulang kumuha. Inuna ko yung kanin saka sunod yung hipon na malalaki na masarap yung sauce. Kumuha rin ako ng fried chiken saka nagsimula ng kumain.

"Mabubusog ka niyan? Oh, Ito para naman lumaki ka." Bigla nalang akong nilagyan ni Shit ng malaking alimango sa pinggan.

"Oo nga naman Hero. Ito, kumain ka." Nakatingin lang ako kay Shin na nilagyan ng letson yung pinggan ko.

"Tama sila Heroine. Dapat kumain ka ng madami." Nakatanga lang ako habang naglalagay ng afritada sa pinggan ko si Totga.

"Gagawin niyo ata akong baboy eh. Kagabi halos pumutok na yung tiyan ko sa kabusugan tapos ngayon....Oo na. Kakainin na nga eh." Alam kung gagamitin nanaman nila yung 'huwag tumanggi sa grasiya' at 'huwag magsasayang ng grasiya.'

"Ito Hero oh. Lumpia." napangiti naman ako ng lagyan ako ni Yui at Speaker ng lumpia na paborito ko.

"Yown. Salamat." Nagsimula na akong kumain at hindi na inabalang pansinin ang mga baliw na kasama ko. Sarap ng lumpia shyt!

"May hugasan ba dito ng kamay? Magkakamay ako....Kanina pa kayo nagkakamay?" Tanong ko ng makitang nagkakamay sila.

"Ito yung hugasan oh. Oo, kanina pa kami nagkakamay, ngayon mo lang napansin?" Napatango naman ako saka naghugas ng kamay. Ang hirap kumain ng maayos kapag nagkutsara lalo na sa alimango.

Pagkatapos maghugas ay kinuha ko yung alimango at hinimay saka nilagay sa kanin ko. Ang rami ng aligi ng alimango grabi. Kinuha ko yung sauce saka nilagay sa kanin at saka hinalo. Nagsimula na akong kumain at nagsunod-sunod na ang subo ko. Sarap shyt! Pinarisan ko pa nung hipon na malalaki kaya lalo akong ginanahan kumain kaya hindi ko namalayan na naubos ko na yung kanin ko. Kumuha ako ulit saka yung afritada at letson yung inulam ko.

Nang matapos ko ng ubusin yung kanin at ulam, uminom muna ako ng tubig saka naghugas ulit ng kamay saka sinimulang kainin yung lumpia na ang sarap talaga. Naubos ko na yung lumpia na binigay ni Yui at Shin kaya kumuha ako ng limang piraso ulit saka naupo. Napatingin naman ako sa kanila na nakatingin rin saakin. "Bakit?" Inosenteng tanong ko saka sinubo ang lumpia.

"Sampung lumpia na yung binigay namin kanina sayo Hero." Hindi makapaniwalang nakatingin si Speaker.

"Paborito ko yung lumpia." Simpleng sagot ko at kumuha ng isa at kinain. Sarap.

Nang matapos kaming kumain ay dumeritso kami sa labas para makapaglakadlakad. Kagaya kahapon hindi ako nilulubayan ng lima. Sinasama ako o sumama sila saakin.

"Si Hero nambubuso sa abs ko." Natawa naman ako kay Yui. Nakita ako nito na nakatingin sa tiyan niya.

"Saan abs diyan Yui? May ano yung tiyan mo kaya napatingin ako." Napatingin naman siya at agad napamura.

"What the---bakit may kanin pa yung abs ko?!"  Linakasan talga yung abs eh. Lakas ng tama ng singkit na 'to.

"Baka gutom pa Singkit. Gusto pa ata kumain." Natatawang saad ni Speaker.

"Hero!" Napatigil kami sa pagtatawanan ng biglang may tumawag saakin. Nang tingnan ko agad kung nakita si Lim kasama ang mga tuta niya.

"Sino sila Hero? Kaibigan mo ba sila?" Bulong na tanong ni Yui.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now