37

173 6 0
                                    

"Good Morning." Nagugulat naman akong napatingin sa kaniya ng magmulat ako. Andito siya sa kwarto namin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya pero ngiting-aso kang ang sinagot nito kaya kinabahan naman ako ng lumapit ito ng lumapit. Atras naman ako ng atras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil mahuhulog na ako kapag umatras pa ako. "H-Hoy! Sasakalin talaga kita. H-Huwag kang lumapit!" Babala ko sa kaniya pero mas lalo pa itong lumapit kaya napatras ako at agad napapikit dahil akala ko ay mahuhulog na ako pero bigla na lang ako nitong hinigit kaya napayakap naman ako sa kaniya.

"Hey, don't do that again. You making me worried."

"Ikaw kasi! Bakit ka ba nandito? Nasaan na yung iba?"

"Nauna na sila. Baby, its already 10 in the morning." Napatingin naman ako sa orasan at tama nga siya.

"Napuyat ako kagabi. Anong oras na tayo natulog." Saad ko saka bumangon na.

"Its around 12 pm, I guess."

"Hm." Pumunta na ako sa cabinet at naghanap ng damit na maisusuot at sa huli ay isang kulay blue na dress ang napili ko.

"Baby, don't wear that." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Bakit? Ayos naman 'to ah." Pakita ko sa blue na dress na medyo mahaba.

"Choose the floral one. The white in the right." Hinanap ko naman iyon at kinuha iyon sa kabinet. Hindi umabot sa tuhod iyon pero maganda ding tingnan. May butones ito sa likod na malalaki na nakakapagpadagdag sa ganda niyon. "Baby?"

"Hm?"

"Why are you so beautiful? Hindi ka pa naliligo pero your so maganda pa rin."

"Sige, mambola ka pa." Saad ko saka kumuha ng undergarments.

"No, its not a bola. You are so maganda and sexy and I love you."

"Oo na. Oo na. Hihintayin mo ba ako o mauuna ka na sa baba?" Tanong ko at kumuha ng tuwalya.

"Hihintayin kita. I want to be the first to see you in that dress." Pinaikotan ko lang siya ng mata saka pumasok sa loob ng bathroom.

Nagsimula na akong maligo. Kompleto ang mga gamit din dito sa bathroom. Mula sa sabon hanggang conditioner ay kompleto.

Dahil mabilis naman talaga akong maligo. Natapos kaagad ako. Nilagay ko ang tuwalya sa buhok ko saka hinawakan yung dress ko para hindi malaglag. Hindi ko maibutones iyon dahil nasa likod nga.

Lumabas na ako at nakita ko si Shit na nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa saka ngumiti. "Damn! Ang ganda mo."

"Hmm. Pakibutones naman oh. Hindi ko abot eh." Sabi ko pakita nung sa likod.

"Come here." Lumapit naman ako saka tumalikod sa kaniya. "Ang sexy mo talaga, Poop."

"Ilang beses mo na yang sinabi."

"Bacause its true."

"Hmm."

"Done."

"Baba na tayo?" Tanong ko sa habang sinusuklay yung buhok ko.

"Mamaya na. Dadami na naman ang titingin sayo kapag lumabas ka. Magpalit ka na lang kaya, Poop?"

"Eh? Ayaw ko na. Tamad na akong magbihis."

"But I don't to share you." Nakangusong saad nito.

"Woi! Tingin lng yun. Hindi nila ako makukuha sa tingin, Shit." Nanlaki naman ang mata ko ng higitin ako nito. Napayakap ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata.

QUEENS OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now