07

231 18 0
                                    

"Ms. Heroine Andrada. Ililipat kana sa Special Section ngayon, napagdesisyonan ito ng mga Teachers dahil nakita nilang matataas ka sa subs nila pero kailangan mong pataasin ang grades mo sa ESP, okay? Biglaan ito pero wala naman sigurong magiging problema diba?" Tanong ng Adviser ko.

"Bahala kayo." Simpleng sagot ko.

"Sumama ka saakin." Tumayo naman ako at nagligpit ng gamit.

'Sigurado namang babalik din siya dito.'
'Pagsisisihan niya na napunta siya dun.'
'Look at her. Hindi talaga siya tao.'
'Mabuti nga at mawawala ang sipsip dito.'

"Tara na Ms. Andrada." Tumango naman ako saka naglakad na.

Habang nasa hallway ay wala na akong maririnig na ingay maliban sa mga Teachers na nagtuturo.

Napakapayapa lang ng lugar na 'to kapag may klase.

"You are the first scholar na makakapasok sa Special Section, masaya kaba Hero?"

"Hindi."

"Why?"

"Wala namang magbabago, nasa eskwelahan padin ako kagaya noon at hindi naman ako masaya noon kaya hindi din ako masaya ngayon."

"Maraming advantages ang mga nasa Special Section Hero, kompleto sila sa kagamitan dun at mas matutulungan ka lalo para mahasa yang talino mo, alam ko, mas matalino ka pa kesa sa ibang nasa Special Section."

"Yea, naging Special Section lang naman sila dahil sa pera nila."

"You really are a straighforward." Natatawang sabi ni Sir Dimitrio.

"Hm."

"Pero Hero, maging mabait ka sa ESP mo. Sa kaniya ka lang may mababang grades." sabi ni Sir Dimitrio.

"Hindi ko na mababago ang ugali ko."

"Well....just try it."

Nakita ko na ang room ni Totga, magiging kaklase kona ang nakulit na yun.

"Papasok na tayo." Tumango naman ako.

Natahimik ang buong klase ng bumukas ang pinto. Nakatingin silang lahat saakin at halata ang pagtataka sa mukha.

"Oh, andito na pala ang bago niyong magiging kaklase. Ms. Andrada doon ka maupo sa tabi ni Mr. Sandoval." Turo ng Teacher sa tabi ni.....Shit? Kung mamalasin kanga naman.

"Sir, can I sit somewhere else?" Tanong ko.

"Ofcourse you can." Nakangiting sabi nito. Agad kung nakita si Totga na kumakaway kaso masyado siyang makulit na katabi. Naghanap ko ang iba at nakita ko ang upuan na nasa tabi ng bintana at malapit sa harap ito. Nice.

Pumunta na ako dun pero may piste pang mangpapatid pero naiwasan ko lang iyon ng tingnan ko kung sino, yung Shit nanaman. Nginisian ko lang siya saka pinakyuhan at naupo sa upuan ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin pero nagkibit balikat lang ako.

Bigla nalang may kumalabit saakin mula sa likod at ng tingnan agad kung nakita yung singkit. "Bakit ka andito?" Nag-uusap pa ang mga Teachers namin sa labas kaya nag-iingay sila at pararehong nakatingin saakin.

"Kasi wala ako dun?" Natawa naman ang singkit at hindi na makita ang mata niya kaya napangiwi ako.

"Siguro matalino ka 'no?"

"Yea." Totoong sagot ko.

"Masyadong bilib sa sarili amputa sarap sakalin." Dinig kung sabi ng Toma.

"Atleast hindi pikon at isip bata na sarap paglamayan." Bawi ko kaya sinamaan niya nanaman ako ng tingin pero nginisian ko lang siya.


Napapasipol ang ibang estudyante kaya sinamaan din sila ng tingin ni Shit at ayon nanahimik na sila. Pft.

Nakita kung bumalik na yung Teacher/Adviser namin. Nagsimula na siyang magturo. Kumuha naman ako ng notebooks ko para magtake notes.

Ramdam ko ang mga titig pero hinayaan ko nalang sila kagaya ng dati kung ginagawa, hindi pa ako nabobored kaya hahayaan ko muna sila.

Ramdam kung humilab ang tiyan ko, hindi pala ako nagtanghalian. Hinayaan ko nalang. Sanay na ako sa ganito. Mawawala lang din naman 'to mamaya.

"Okay class, may 100 item test tayo ngayon at tungkol ito sa topic mula ng Wednesday hanggang kanina. Ms. Andrada may plus 20 ka ngayon dahil baka hindi mopa alam ang tungkol sa topic namin. Just do your best." Sabi ni Sir.

"Just call me Hero." Sabi ko saka kinuha ang flexstick na ballpen ko.

"O-okay."

Nagsimula na ang pagpapasa ng test paper pero walang may nakarating saakin. Tiningnan ko ang iba at meron na sila pati sa likod ko ay napatingin din ako at meron na din siya ta's ako wala?

"Sir kinulang yung test paper may timawang nagtago kasi."sabi ko habang nakatingin kay Shit na kunwari inosente.

"Forty Three lang naman kayo bakit kinulang? Ito oh." Bigay niya at kinuha ko naman iyon saka pasimpleng pinakyuhan si Shit.

"You only have twenty minutes to answer that test. I will check that after you answer it. You can start now." Binuksan kona ang test paper saka magsimulang sumagot.

Naging tahimik na ang buong lugar. Tahimik ko lang ding sinagotan ang test. I already know their topic. Mabuti nalang palagi akong nag-aadvance reading.

Mas mabuti kapag nag-aadvance reading ka at palagi kang nagbabasa, maiiwan sa utak mo talaga yung binabasa mo. Pagbabasa at pakikinig ng mabuti ang susi para matuto ka. Kung hindi ka nagbabasa hindi mahahasa ang utak at dila mo. Kung hindi ka nakikinig hindi mahahasa ang memorya at tenga mo. Kaya kailangan mong magbasa at makinig.

Agad na akong tumayo kaya napatingin sila saakin pero hinayaan ko nalang, binigay ko kay Sir yung test paper at halaang nagulat rin. "Tapos kana?"

"Yea." Napataas naman ng tingin ko sa orasan na nasa taas ng pinto. Inabot ako ng 12 minuto sa pagsagot.

"Naunahan mo'ko ah." Napatingin naman ako sa gilid ko at si Totga pala na nagpasa rin.

"Madami kapa kasing daldal bago sumagot." sagot ko sakaniya.

"Kapag naperfect mo ililibre kita kapag ako yung naperfect ililibre mo'ko fishball."

"Ge." Yun lang sabi ko pero napangiti nalang akong bumalik. Sobrang yaman ni Totga pero siya pa palagi nag-aaya sakin kumain ng fishball.

Masama naman ang tingin ni Shit sakin para akong papatayin. Hinayaan ko nalang, nagkunwari nalang akong hindi siya nakikita.

Dahil wala pa naman nahiga nalang muna ako. Makaidlip nga sandali.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now