Unti-unti na akong nilamon ng antok. Nakayakap saakin si Shit na natutulog na rin. Hinayaan ko na lang siya dahil alam ko rin namang inaantok rin siya. Ilan pang minuto ay tuluyan na akong kinain ng antok at tuluyan ng nakatulog.

*

Nakarating na kaming lahat sa Cebu at andito na ngayon sa kwarto. Lahat ng babae ay magkasama at lahat ng lalaki ay magkasama rin sa kabilang kwarto. Dalawang malalaking kwarto ang kinuha namin para hindi na masyadong maraming kwarto ang maukupa lalo na at medyo marami talaga kami.

Kasama ko sa kwarto si Heaven, Helda, Heleen, Jhanine, Tita Teimhs, Tita Heather na Mommy ni Speaker, Tita Qhueiinn na Mommy ni Shin, Tita Zui na Mommy ni Yui at si Tita Trimisse na Mommy ni Totga. Sampu kami lahat dito sa kwarto. Ayos na rin naman dahil may limang kama dito. Kompleto na rin lahat.

Sa kabila naman ay sina Thorr, Shin, Totga, Yui, Speaker at Thrizorr. Kasama sina Tito Matherro, si Daddy Steven at Tito Breaker na Daddy ni Speaker. Tito Yurri na Daddy ni Yui. Tito Trikk na Daddy naman ni Totga. Eleven naman sila sa kabila. At pareho sa kwarto namin ay kompleto na rin ang gamit doon sa kanila.

"Ang ganda naman talaga dito." Manghang saad ni Heleen na nakabihis na. Naka-two-piece na at may isang robe lang na sobrang nipis na nakatapis.

"Oo nga. Ang yaman niyo naman Teimhs para magkaroon ng ganitong hotel dito." Saad naman ni Helda na nakadress na sobrang nipis din oero bumagay sa kaniya. Yung dalawang mani, buntis na pero uma-aura pa rin.

"Hahaha hindi naman." Nahihiyang sagot ni Tita Teimhs na nakadress din na medyo kahabaan. Kulay puti iyon, bumagay sa balat niya ang kulay nun.

"Tara na sa baba. Baka naghihintay na ang mga boys natin." Natawa naman kami kay Tita Zui. Ang bibo talaga niya, alam ko na kung saan nagmana si Yui.

"Mga boys po talaga." Natatawang saad ni Jhanine.

"Oo namans. Ang gaganda kaya natin." Magsitawanan naman kami saka lumabas na sa kwarto.

I'm just wearing a two-piece too. Kulay pula iyon na bumagay sa kulay ng balat at kurba ng katawan ko. Naglagay rin ako ng robe dahil nilalamig ako.

"Yung tipong kinabog pa ng mga Mommies yung mga Teenies HAHHAHAHA. Ang sesexy eh." Tumatawang saad ni Heaven kaya nagsitawanan naman kami ulit.

"Si Helda nga eh oh, juntis pero kita niyo naman, sexy pa rin." Tama si Tita Qhueiinn, ang sexy nga ni Mani kahit juntis. Pft.

"Ay nga pala, diba may pupuntahan pa tayo? Diba?" Biglang saad ni Heaven at hinigit yung iba.

"Ahh, Oo. May pupuntahan pa pala tayo." Tatango-tango namang saad ni Tita Teimhs.

"Ah Hero, mauna ka na pala sa baba, may pupuntahan pa pala kami." Saad ni Heleen.

"Bakit hindi ako kasama?" Tanong ko.

"Ah ano kasi, pupunta pa kami sa seventh floor. Kaya mauna ka na sa first floor hehe." Sagot naman ni Heaven saka tinulak na ako papasok sa elevator. Sumarado na ito kaya napakunot naman ang noo ko. "Ang weird bigla ng mga yun."

Iniwaksi ko na lang iyon saka hinintay na bumukas ang pinto ng elevator. Medyo mabilis lang rin naman iyon kaya nakalabas agad ako. At agad kung nakita si Shit na kakalabas lang rin sa isnag elevator.

"Ikaw lang?"
"Ikaw lang?"

Sabay na tanong namin sa isa't-isa.

"Oo eh." Sagot nito at lumapit saakin. "Hey, you look so hot and sexy."

"Hmm. Nasaan na yung mga kasama mo?" Tanong ko.

"I don't know. Paglabas ko sa Bathroom wala na sila sa kwarto kaya bumaba na lang ako baka kasi nauna na sila." Napatango-tango naman ako saka napatingin sa paligid. Walang katao-tao maliban sa aming dalawa.

"Ang tahimik. Saan nagpunta ang mga tao?" Tanong ko at nagsimulang maglakad ng bigla akong may nakitang isang card na nasa sahig. Out of curiousity ay kinuha ko na iyon pero agad akong napabaling sa likod ko ng yakapin ako ni Shit. "What is that?" Tanong niya.

"Difinitely a card?" Tinawanan lang ako ng baliw.

"Don't be sarcastic, Poop. Open it." Binuksan ko naman at nakita kung may nakasulat.

𝘙𝘪𝘨𝘩𝘵.

"Right?"

"Nakikita mo naman diba?"

"Huwag na mainit ulo."

"Hmm." Napatingin naman ako sa Right at kumunot ang noo ko ng isang daan palabas ang nakita ko. "We must go." Nagsimula na akong maglakad papunta sa right. Hindi ko alam pero parang may ng-uudyok saakin.

Si Shit naman ay nasa likod ko lang at sumasabay saaking maglakad. May nakita akong isang arrow na nasa sahig na nakaturo sa isang pinto na malaki. Tapos may nakasulat sa pinto na '𝘌𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘏𝘦𝘳𝘦.'

"Anong prank na naman 'to?" Tanong ko saka tumingin kay Shit. "May alam ka ba dito?"

"Wala ah. Wala nga akong kaalam-alam eh." Pinaningkitan ko naman siya mga mata pero hindi talaga siya umamin.

"Pasok tayo?" Tanong niya.

"Hmm."

"Gesge, tara." Naglakad na kami papunta doon saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Pero isang madilim at tahimik na silid lang ang bumungad saamin.

"Luh Poop, baka may lumabas na white lady diyan."

"Ang laki mo na naniniwala ka pa rin sa putanginang yan. Tara pasok na." Pumasok na ako at sumunod naman si Shit. Hinanap ko na ang switch ng ilaw pero bago ko pa mahanap ay bigla na lang lumiwanag. "Happy Birthday two you. Happy Birthday two you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday day Two You." Kanta nilang lahat.

Andito na silang lahat. Yung buong kwarto ay nade-decoration-nan ng mga baloons at iba pang bagay. Ang ganda ng lugar.

Bigla naman kaming napatingin sa likod at nakita ko si Daddy at Tito Matherro na may hawak ng cake. Naiyak naman agad ako saka ngumiti.

Parang tumatalon na naman ang puso ko sa tuwa. Kumakanta at nagsisitawanan ang mga tao sa paligid namin ni Shit. Habang kami naman ay nagkatingin ng ilang segundo bago sabay na hipan ang cake namin. "Happy Birthday to the both of you." Pagkalapag ni Daddy ng Cake ay agad ko siyang niyakap ng napakaghigpit.

"Salamat po." Saad ko.

"Yung mga kaibigan mo ang may ideya nito. Nakisabwat lang kami." Natawa naman ako saka napatingin sa mga kaibigan ko na ngayon ay nilalagyan na si Shit ng icing sa mukha.

Agad naman nila akong inatake at nilagyan din ng icing. Tawa lang kami ng tawa habang ginagawa iyon yung tipong parang limang taong gulang lang kami na nag-eenjoy sa paghahabulan. Ang saya-saya lang.

Matapos nun ay dumeritso kami sa dalampasigan at doon ko nakita ang isang napakahabang mesa na napupuno ng pagkain.

"Sino ang nagprepare ng lahat ng ito?" Tanong ni Shit na nasa tabi ko.

Napakaganda ng view mula sa gawi namin dahil medyo hapon na. Hindi na mainit at medyo malamig na ang simoy ng hangin.

"Kaming lahat pero si Tita Helda at Tita Teimhs ang nakaisip na dito ganapin ang pagkain." Sagot ni Jhanine.

Nagsimula na kaming kumaing lahat. Kompleto ang nasa hapag. Mula ulam hanggang desserts.

"I think this is my best birthday." Saad ni Shit saka tumabi saakin.

"Yeah. Ang saya-saya lang. Kahit na ang lagkit ko na dahil sa icing." Sabay naman kaming natawa.

Kumain lang kami ng kumain. Pero hindi nawala yung mga tawanan at kulitan. Pati yung ibang bisita sa resort ay pinakain na rin namin dahil ang dami-dami talagang pagkain. Lahat ng nasa resort ay inimbitahan naming kumain.

Sabi ni Daddy pa na 'Simple' lang raw itong ginanap na Birthday ko ngayon pero para lang sa kaniya iyon. Simple ba iyong, palabasin lahat ng tao sa hotel para lang maisakatuparan yung ginawa nila kanina. Ayaw ko naman sa masyadong magarbong Birthday, gusto ko lang yung kompleto kami. Pero ngayon sa effort na ginawa nila ay naiiyak na lang ako sa tuwa.

They made so much effort just to make us happy. Pati si Helda at Heleen ay tumulong rin, they have a good side too. Malaking bagay na ang ginawa nila.

A memorable day of my life.

I'm happy.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now