"Hey Hero. For you." Bigay niya ng isang box ng chocolates.

"Sumasakit na yung ngipin ko kakakain ng chocolates na dala mo araw-araw eh. Why not, ibigay mo na lang kay Totga yan, paborito niya yung chocolates." Napanguso naman ito.

"Pero dinala ko'to para sayo." Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Bakit?" Kita ko namang ngumiti ito saka lumapit at bumulong.

"Kasi gusto kita." Natawa naman ako.

"Talaga?"

"Yeah." Deritsong saad nito habang nakangiti pa rin.

"Then ibigay mo kay Totga 'tong chocolates."

"Oo na nga." Natawa naman ako saka ginulo ang buhok niya.

Nakita ko namang lumapit ito sa dalawa na agad namang tumigil ng supladahan ni Kim. Halatang nagulat si Totga ng ibigay ni Kim sa kaniya yung chocolates.

Lagot ka Havoc.

"Hero!" Kakarating lang ng dalawa na agad dumeritso sa upuan nila sa gilid ko. Tsismis dito tsismis doon ang ginawa ng dalawa. Dinaig pa nila ang reporter eh.

"Good morning." Bati ni Shin na kakarating lang.

"Morning." Bati ko pabalik.

Agad naman kaming napaayos ng dumating si Sir, yung adviser namin na magiging first sub namin ngayon. "Sir, you're late again." Napatigil naman si Sir ng marinig akong magsalita saka agad ding nailing saka natawa.

"Sorry about that. I just encounter some traffic hazard again." He joke and the whole class laugh.

Nagsimula na yung klase namin at science yung tinuturo ni Sir ngayon. Hindi naman ako tinatawag kaya nahiga na lang ako sa kamay ko.

"Let's go back to periodic table of elements that was already been discuss when you are in grade 10, Am I right? So can you please give some question or sentences that is related to our topic for today? Yes, Mr. Sandoval?"

"Ms. Andrada, can you help me about this one?" Kinunutan ko naman siya ng noo pero tumango pa rin.

"I just want to ask, can you be my Baruim, Boron and Yttrium?" Agad naman akong natawa ng marealize ang ibig sabihin niya.

Napasipol naman ang iba naming kaklase na nagets ang ibig sabihin ni Shit.

"Maybe, Nitrogen and Oxygen or Oxygen, Fluorine and Carbon?" Natawa naman si Sir pero hinayaan niya lang kami. Pati ako ay natatawa na rin.

May naiintindihan ka bhie?
Oo naman noh.
Eh ano raw sabi?
Hindi ka kasi nakikinig.
Nakikinig ako kaso wala akong maintindihan bhie.
Kaya hindi ka nakakatungtong sa SS eh.
So ano nga sabi?
Sabi ni Fafa Thorr ganito, 'I just want to ask, can you be my Baby.' Tapos sagot naman ni Heroine ay 'Maybe, No or Ofc/ Ofcourse.'
Hoy gagi! Kinilig ako bigla.
Pero kanina loading ka pa hahaaha.
Edi ako na walang utak.

Tsismis ng dalawang babae na nasa bintana.

"I more like the second one but I most prefer to choose you, my the one." Kumindat pa ampupu.

"Yieeeee si Hero kinikilig na." Tumatawang saad ni Speaker na sobrang ingay, bagay talaga yung pangalan niya sa kaniya.

Nag-excuse muna si Sir dahil kinausap niya yung dalawang babae sa labas kanina. Kami naman ay nakaupo na ngayon at nagtatawanan at banatan.

"Speaker. Speaker. Tae kaba?" Tanong ni Yui na namumula na kakatawa.

"Bakit? Bakit?" Tatawa-tawa namang tanong ni Speaker.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now