Easy money baby!

"Arat na ako." Nakangisi naman akong lumabas at nilagay sa bulsa yung 3k. Malaki-laki rin iyon mamen. Hindi naman mahahata ng Helda na yun, daming pinaggagamitan ng pera eh, hindi niya namamalayan kung saan napupunta yung pera.
.
Nagtaas ako ng tingin at agad kumabog ang dibdib ko ng makita si Shit na nakatayo at gwapong nakangiti. Doon ko lang narealize na gwapo siya, thick eyelashes and eyebrows. Brown eyes. Pointed nose. And beautiful pinkish lips---shyt! Malala na talaga ako.

Punyeta! Piste. Piste. Piste. Shyt! Relax. Relax. Relax.

"Hey, Good Morning."

"Y-Yeah, Good Morning." Shyt! Bakit ako nauutal?! Tangina? Nag-goodmorning...ako?! Puta first time.

Tangina ako pa ba 'to?!

"May pupuntahan ka ba? Ihahatid kita."

"Sige." Gusto kong tumanggi pero parang may kung ano saakin na sumagot agad.

Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko punyeta?!

Kalma. Kalma. Kalma. Kalma. Kalma.

Kailangan kung kumalma.

"Tara. Saan ka ba pupunta ngayon?" Napapatitig ako sa mga ngiti niya sa hindi ko malamang dahilan. Nang marealize ang ginawa ko agad akong umiwas at pumasok sa loob ng kotse.

"Sa ano....sa palengke." Sagot ko at hindi na tumingin sa gawi niya.

Kalma. Kalma. Kalma. Kalma.

Bakit ba nagkakaganito ako ngayon? May nakain ba akong mali? Nainom na expired? Nalunok na bagang? Piste. Bakit ang gwapo ata ni Shit sa paningin ko ngayon. May mali ba sa mata ko? Naduling? Kailangan ko na atang pumunta sa EO.

"Shit, may mali ba sa mata ko?" Tanong ko pero nasa paningin ang daan.

"Hm, No. They are pretty fine." Napatingin naman ako sa kaniya at agad nagsalubong ang mga mata naming dalawa pero agad din niyang binalik ang mga mata sa daan at ako naman ay napatingin na lang sa Snorlax na nasa gilid ko.

Puso kumalma ka! Anong nangyayari sayo?!

Mga kalahating oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa palengke. Dito ako bibili dahil mas mura ang mga binibenta dito. "Dito ka na lang, Shit. Baka hindi ka sanay sa ganitong lugar."

"Sasamahan kita. Don't worry about me." Nakangiting saad nito.

Shit! Ayan na naman.

"Ganon b-ba? Ilagay mo sa bulsa ng hoodie mo yung cellphone at wallet mo. Huwag mong ilalabas kung hindi kailangan. Baka kasi masnatch ka."

"Dito na lang ako sa tabi mo. Safe ako pagkasama ka." Parang may kung anong tumama sa puso ko ng sabihin niya iyon. Uminit bigla ang pisngi ko at kumakabog na naman yung didbib ko.

"O-okay. Tara." Nagsimula na akong maglakad. Habang naglalakad ay pinapakalma ko yung puso ko na nagwawala. Nababaliw na ata ako.

Kalma. Kalma. Kalma. Kalma. Kalma.

"It's kinda noisy here pala." Natawa naman ako ng marinig ang sinabi niya.

"Yea, have you ever punta here before?" Nagkatinginan naman kami sandali bago sabay na matawa.

"That's epic. But to answer your question, Nope, I never tried to buy some stuffs here. Probably this will be my first time." Napatango naman ako saka naglakad. Binabantayan ko ang paligid namin ni Shit dahil baka may snatcher na sumulpot.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa kaniya.

"Yea. Nagugutom na ako." Natawa naman ako saka inaya siya papunta sa isnag karenderya.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now