VENTIQUATTRO

11 4 0
                                    

CHAPTER 24✓

▼▼•

▼▼•

▼▼•

"Dilag, bakit ka ba nag mamadali? May problema ba? Nasaan 'yung bata?" Sunud-sunod na tanong ng lalaking kasama ko dahil siya ay hila-hila ko ngayon pauwi.

Bigla ko nalang tinalukuran ang batang iyon kanina at walang sabi-sabing hinila ang lalaking ito. Kailangan na naming umuwi. May kailangan akong malaman, at malalaman ko lamang iyon sa pamamagitan ng librong iyon.

"Dilag, may nagustuhan akong pabango roon, balikan natin---"

"Hindi pwede!" Sigaw ko sa kanya dahilan upang siya'y mabigla at mapatigil.

"Ok, fine." Giit niya at tumahimik na lamang.

Nagpatuloy kami sa mabilis na paglakad hanggang sa kami'y makarating na sa Mansion. Mabilis akong pumasok at pumunta sa aking silid upang hanapin ang hinahanap ko libro. The History of Italy. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay doon ko malalaman ang iba pang detalye tungkol sa pag katao nitong lalaking ito. O kung hindi man, baka may makalap akong kahit kaunting impormasyon tungkol sa kanyang lahi.

Patuloy lamang ako sa pag hahanap. Bawat sulok ng silid maging ang mga ilalim ay nagawa ko nang kumpirmahin kung naroon ba ang libro,ngunit wala.

"Dilag,what are you looking at?" Ash Haired Guy asked but I choose to ignored him. May importante akong bagay na kailangang hanapin at mamaya ko na lamang siya kakausapin.

"Dilag, baka makatulong ako, ano ba iyon?" Lumapit siya, at gaya ko ay sumilip rin siya sa ilalim ng kama.

"Libro." Tanging sagot ko lang tumayo para sa aparador naman hanapin iyon.

"Libro? Nang ano?"

"Kasaysayan ng bansang ito."

"May silid aklatan ba rito sa Mansion, dilag? Baka naroon?" I stopped when I heard that. Nawala sa isip ko na may silid aklatan nga pala itong Mansion.

"Halika, sasamahan kita." Nauna siyang lumabas at ako ay sumunod naman.

Nang makarating ay mabilis akong kumilos upang hanapin ang librong iyon.

Pero pagkadismaya lang ang aking nakuha dahil sa dinami-rami ng librong naririto, wala ni isa sa mga ito ang hinahanap ko.

"Baka narito?" Ash Haired Guy asked that makes me look at him. I found him handling a trunk where the inconceivable pen and book are there. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha iyon.

"Huwag mong hahawakan ito." Pag babanta ko at ibinalik sa dating lalagyan iyong baul.

"Nag babakasakali lamang ako dilag, baka nariyan ang iyong hinahanap."

"Wala iyon rito." I looked at him and his looking at me too with his asking look. Maybe he's confious why I am acting like this.

Pabagsak akong umupo sa upuang narito at huminga ng malalim. Para akong nabigo at nawalan ng pag-asa. Dapat ay malalaman ko na at mag kakaroon na ako ng impormasyon tungkol sa kanya ngunit wala. Nasa librong iyon ang kasagutan sa aking mga katanungan ngunit hindi ko makita iyon.

"May alam akong aklatan,dilag. Baka naroon ang iyong hinahanap."

"Where?"

"Let's go." I follow him when he gets outside. Sana lang ay makita na namin roon ang librong iyon.

Ultima Pagina [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now