Chapter 52: FilleChen

Start from the beginning
                                    

Nice game, Gretch. Love my daughter, okay? And promise me you'll never make her cry.

Di pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Does this mean pinapayagan niya na ako? Sa sobrang saya ko, hindi ko alam na naiyak na pala ako. Kung di niya pa ako biniro, hindi pa ako tumigil.

Hey, stop crying. Baka isipin ng anak ko pinaiyak kita. Hahaha! Thank you for loving my daughter. Alam kong hindi ako nagkamali sa pagpayag ko dito sa relasyon niyo.

Umalis na din siya agad beacause of an urgent meeting. Sobrang saya ko nung araw na yun. Kaya di ko na pinatagal to. I've waited too long for this kaya kinausap ko na agad si A about it and she helped me plan all this.

Mahal na mahal ko si Fille at handa akong gawin lahat para sa kanya.

"Earth to Gretchen, Gretchen to Earth. Do you copy? Over." sabi ni Fille sabay tusok sa ilong ko.

"Ha?"

"You're spacing out. You should've let me go there with them instead of this. Kasama nga kita pero yung isip mo lumipad na. O baka naiwan sa babae mo?!" mataray niyang sabi.

"Para kang pulis! Mapanghinala." sabay kurot sa ilong niya

"Ouch! Para ka kasing kriminal!"

"Bakit?! Kasi nahuli na, tatanggi pa? Haha. Di po ako nangbababae no!" sagot ko sa kanya.

"May sinabi ba ako? Para kang kriminal, ninakaw mo yung puso ko." seryoso niyang sabi, namula tuloy ako. "Hahaha. Yieee! Kilig siya! Patay na patay ka talaga sakin. Tsk! Ganda ko kasi e. Hahaha"

"Fille, masaya ka ba sakin?"

"Ano bang tanong yan? Oo naman!"

"Mahal kita Fille"

"You know I feel the same. Bakit ba ang seryoso mo? Malayo pa ba tayo?"

"Nothing. I just wanted to tell you. Medyo malapit na. Naiinip ka na ba?" tanong ko sa kanya. I guided her head to lean on me.

"Nope. Never akong nainip pag kasama kita." sagot niya sakin tsaka ako niyakap. After that, we remain silent until we reached our destination.

Tinulungan ko siyang makababa ng bangka at dahan dahan ko siyang iniwan. Nakaharap kasi siya sa dagat.

"Gretch, ang ganda dito." I heard her say habang naglalakad ako palayo sa kanya

Den's POV

Nauna na kaming umalis kila Fille para daw makapagtago kami before they arrive. Pagdating naman namin sa kabilang island which is also Nacachi's, sobra kaming na-amaze sa place. May rose petals na nakaform ng malaking I LOVE YOU. Tapos may malaking mascot ng chibi na ninja. Si Mang Ferdie daw yung may suot nun since siya yung pinakamalaki sa kanila. Naglagay din sila ng battery-operated na candles sa sand to add some light, para na din mas gumanda yung place. Meron ding wide screen na nakaset sa gilid tapos may grand piano pa. Magic daw sabi ni Kim nung tinanong namin sila kung paano nila nadala yun dito.

Right after the sun set, when they arrived. Nakatalikod samin si Fille nang iwan siya ni Gretch. Di naman madilim kasi puno ng LED lights yung paligid. Nakapwesto na din yung barkada niya sa designated places nila. Si Aly yung lead singer, Vic sa percussion, back up singer din sila ni Kim, tapos si A, nasa tabi ng projector, technical support daw. Haha

By the time na humarap si Fille, that's the cue para magstart sila.

And that's it. Nagstart nang tumugtog si Gretta ng piano, kasabay ng pagplay ng slideshow ng pictures nila ni Fille. Simula nung freshmen years nila. Iyak naman ng iyak si Fille habang pinapanuod niya yun.

Just A DreamWhere stories live. Discover now