Chapter 24: Vic's Proposal Part III

1.6K 45 0
                                    

Mika's POV

Buong araw na to, sila ate Aby lang kasama ko. Ayaw nila akong palabasin ng dorm, ewan ko kung bakit. Since wala naman akong gagawin, natulog nalang ako maghapon.

Nagising nalang ako dahil sa alarm ng phone ko. Di ko naman sinet to ah?

Sa sarap ng tulog ko, 9pm na ko nagising, ay mali, 9pm ako ginising. Grabe sobrang haba ng tulog ko. Baka mahirapan ako nito mamaya. Nagugutom na din ako. After lunch kasi kanina, natulog na agad ako. So technically 8hrs na ang nakakalipas nung huli akong kumain. Makababa na nga.

Teka? Bakit walang tao dito? Iniwan nila ako magisa dito? Grabe naman!

Lumapit nalang ako sa ref para kumuha ng kahit anong pwede kong kainin, at dahil di ako marunong magluto. Nga-nga muna. Haaaay! Pagsara ko naman ng ref, may nakita akong note.

Sulat ni Tomsy to ah?

"Alam kong gutom ka paggising mo, kaya I prepared something for you. Nasa table, sandwich lang yan. After mong kainin, punta ka sa field. Wear the dress na nakapatong sa study table mo. Magingat ka ha? Mamahalin pa kita.. Ay mali, minamahal kasi kita.;)"

-Tomsy mong pogi

Nakakatuwa talaga siya. Ang totoo niyan, bata pa lang kami, crush ko na si Tomsy. Kaso lakas niyang mang asar. Kaya everytime na magsasabi siyang liligawan niya ko, di ako naniniwala.

These past few days, napapansin kong nagiging sweet na siya sakin. Lagi siyang nagpe-prepare ng food ko. Hatid sundo sa classes ko. Todo asikaso din siya sakin sa training. Ewan ko ba, mukha naman na siyang seryoso pero natatakot ako. Baka kasi pinagtitripan niya lang ako. Pero aaminin ko, kinikilig talaga ako sa kanya.

Sa lalim ng iniisip ko, di ko napansin na ubos na pala yung food ko. Kaya naman nagprepare na ko para makapunta kay Tomsy. Baka nandun yung LS, ano kayang trip ng mga yun? Kaylangan talaga nakadress ako? Pasalamat sila gutom ako kaya sinunod ko nalang yung nasa note.

FF..

Papunta na ko ngayon sa field nang makasalubong ko si ate Gretch.

"Hi Miks! Tara?" ha? San naman?

"Ha? Saan?" tanong ko sa kanya

"Edi sa field. Tagal mo kasi e. Pinasundo ka na ni Vic. Baka lumamig daw yung food niyo." dun talaga kami magdi-dinner?

"Bakit ba kasi dun pa kami magdi-dinner? Nandun din ba yung ibang LS?"

"Daming tanong! Bilisan mo nalang! Baka maubusan ka. Ikaw rin!" nangonsensya pa. Alam niya talagang pagkain katapat ko e

"Oo na"

So ayun na nga. Naglakad na kami, di naman siya nagsasalita kaya tahimik lang din ako.

Nandito na kami sa tapat ng field pero madilim naman. Paglingon ko kay ate Gretch, wala na siya. Yung totoo? Ano bang trip nila?

Paalis na sana ako nung may biglang tumugtog.

You deserve someone, who listens to you..
Hears every word, and knows what to do..
When you're feeling hopeless, lost and confused,
There's somebody out there, who will..

Teka?! Boses ni Tomsy yun ah? Paglingon ko ulit sa field, biglang umilaw yung puno sa gilid. Sobrang ganda. Puno ng christmas lights yung puno kaya parang may fireflies sa paligid. Lumapit naman ako dun, and with every step I take, umiilaw yung tinatapakan ko. Maraming LED lights yung nakalagay sa grass.

There's somebody out there who's looking for you..

When I reached the tree, dun ko napansin na may mga nakasabit palang pictures. Puro pictures ko. Simula bata hanggang ngayong college. Sobrang ganda ko talaga. Hahahaha

Just A DreamWhere stories live. Discover now