Chapter 35: Baguio Madness Part III

1.3K 30 0
                                    

Den's POV

Nandito na ko ngayon sa dating tmbayan namin ni Mycs. Nung mga bata kasi kami, laging nagbabakasyon yung families namin dito. Medyo malayo to sa place nila Ly, sakto lang din yung dating ko kasi ang sabi ni Mycs sakin, naghahanap na sila ng parking space.

Di naman nagtagal nakita ko nasilang paparating. Girlfriend niya siguro yung kasama niya. Infairness ha, maganda yung gf niya.

"Best!" sigaw niya sakin, nakakahiya talaga to. Parang tumaba ata siya

"Ang taba mo! Haha" sabi ko then nagbeso ako sa kanya "You must be his girlfriend, I'm Dennise Lazaro by the way. You can call me Den." I offered my hand

"Yes! I'm Sheena, Shenna Yui. Totoo nga yung kwento niya about you, you're pretty and nice." nagblush naman ako sa sinabi niya

Myco: Natuwa ka naman! Joke lang yun no.

Ako: Ang epal mo! Sheena, bakit mo ba nagustuhan tong lalaking to? Loko-loko pa naman yan! Hahaha

Myco: Hoy Dennise! Wag ka nga! Baka maniwala sayo yan. Hon, naku! Wag mong pakinggan yan! Tara dun muna tayo!

So ayun na nga. Nagkwentuhan lang kami to catch things up. Binigay na din nila yung gifts nila for me. Puro chocolates and clothes yung galing kay Mycs, sila Tita daw yung pumili ng damit tapos si Sheena, binigyan ako ng books. Nakwento daw kasi sa kanya ni Myco na mahilig akong magbasa. I really enjoyed their company. Di naman awkward kasi kahit si Sheena inaasar yung bf niya. Di ko na nga napansin yung oras e.

Aly's POV

Nagising ako around 3pm, sobrang haba ng tulog ko. Pagtingin ko sa tabi ko, wala naman si Missy. Kakasabi niya lang na di niya ko iiwan tapos wala na naman siya. Kaya bumaba na ko agad, baka kasi nandun siya.

"Tay, nakita niyo po ba si Missy?" medyo inaantok pa ko

"Mabuti naman at naisipan mong magtanong muna bago ka magdrama! Hahahaha" si Tatay naman e, inasar pa ko "Haha. Nagpaalam siyang maglakad-lakad muna tulog mantika ka kasi e" iniwan niya talaga ako?

"Di ka iniwan nun, nagpaalam lang siya na pupunta sa ----, babalik din naman daw agad." singit ni Manang Cupcake

"Bakit niyo po pinayagan? Baka maligaw yun! Dapat ginising niyo po ako agad pagalis niya!" napakamot nalang ako sa ulo sa naisip ko

"Maupo ka nga muna. Ipaghahanda kita ng meryenda, subukan mo kayang tawagan?" oo nga no? Di ko naisip yun ah? Hahaha

Agad ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Nakasampung tawag na ko pero wala pa din, kaya nagtext nalang ako na umuwi na siya agad dahil delikado na kung maabutan siya ng ulan sa daan. Wala na din kasing masasakyan pabalik dito pagdating ng 5pm.

"Oh Aly, ano daw sabi ni Dennise? Nakausap mo na ba?" sabay abot sakin ng custard roll and strawberry milkshake. The best talaga magluto si Manang Cupcake!

"Di nga po sumasagot e."

FF..

5pm na pero wala pa din si Missy. Sobra na akong nagaalala, hindi pa rin kasi siya sumasagot sa tawag o text man lang. Madilim na din yung langit and anytime soon, alam kong babagsak na yung ulan. Di na ko mapalagay kaya umakayat na ko para kunin yung wallet ko. Nagsuot na rin ako ng hoodie kasi naka tanktop lang ako at shorts. Nagsuot na rin ako ng rubbershoes just incase na abutan ako ng ulan, di ako mahihirapan. After kong magayos, bumaba na agad ako para hanapin si Tatay Jerry.

"Oh, san ka pupunta? Malapit nang bumuhos ang ulan." tanong sakin ni Manang Cupcake

"Nakita niyo ho ba si Tatay?" natataranta kong tanong kay Manang.

"Bakit Aly?" ayun! Buti nalang

"Tay, pwede ko ho bang makuha yung susi ng motor ko?" alam kong nagulat siya sa tanong ko. Kahit ako nagulat nung maisipan kong gamitin yun ngayon. After the accident kasi, di ko na yun ginamit. Masyado akong natrauma. "Tay! Yung susi po" umalis naman siya agad at pumasok sa kwarto nila. Para siguro kunin ying susi.

"Sigurado ka ba?" di ako makasagot sa tanong ni Tatay. Pero wala na akong choice, that's the fastest way I know para makapunta agad ako kung nasaan si Missy. Kinuha ko nalang yung susi kay Tatay Jerry.

"Magiingat ka Aly" napatingin naman ako kay Manang Cupcake at nagsmile

"Opo, Manang! Tay salamat po. Alis na po ako, pakitawagan nalang po ako pag nakauwi na si Missy." tumakbo na agad ako sa garahe. Nanginginig pa ko habang pasakay sa motor ko.

"Kaya mo to Ly! Basic lang to, parang ordinary bike. Para kay Missy!" wooh! Para kay Missy!

"Wag kang magalala Aly, araw-araw kong sinisindi yan para kung maisipan mong gamitin ulit, nasa magandang kondisyon yan" nagulat naman ako, si Tatay pala sumunod dito. Alam niya sigurong kinakabahan ako sa gagawin ko.

"Umalis ka na nang makabalik ka agad. Magiingat ha?" tumango nalang ako at ini-start yung makina. Namiss ko yung feeling na'to.

"Alis na po ako. Salamat Tay!" nangangatog pa ko habang nilalabas sa garahe yung motor pero nung nawala yung nerbyos ko, pinaharurot ko na agad.

Missy naman kasi, anong oras na oh? Pinaga-alala mo naman ako e.

Just A DreamWhere stories live. Discover now