Chapter 11: 'Normal Life'

2K 51 0
                                    

Den's POV

Since last night wala pa din akong balita sa kanya. Di talaga nagtext. Nakakainis!

Di naman sa napipilitan lang ako. Natatakot lang, at magkaiba yun. Hay! Makapag prepare na nga. Lilipat na din ako sa dorm ngayon kaya marami akong bitbit. Hassle naman!

FF..

All set na. Ready to go! Nakagpaalam na ko kila Mommy, good thing malapit lang dito ang dorm kaya pwede akong umuwi anytime.

Palabas na ko ng bahay when I saw a car outside our house. It seems familiar e. Parang katulad ng kay.. Ly? Teka! Sa kanya nga! So I quickly ran outside to confirm at sa kanya nga. I saw her too. Nakasandal pa sa car niya. She looks so cool. Hihi

"Ly?" tawag ko sa kanya

She faced me wearing her killer smile. Yieee! Para akong kinikilig na ewan. Pero ba't ganun? Ang bipolar niya naman! Kagabi para siyang patay na walang emosyon tapos ngayon ganda ng ngiti niya!? Eish!

"Good morning, Missy! Good to go?" masiglang bati niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Siya naman tong parang natakot, nanlaki pa yung mata e

"U-uhm, sorry pala about how I acted last night."

"And?" mataray kong tanong

She took a deep breath bago siya sumagot

"Okay, I'm sorry. I admit, nadisappoint--no, nasaktan ako nung sinabi mong you wanted to keep this private, you and I, what we have. Aaminin ko, it's too early for this pero ngayon pa lang I wanted you to accept the truth. Accept our situation. Di kita masisisi kung natatakot ka, kahit ako natatakot pero I'm willing to protect you from those people. Gusto ko lang sana na ngayon palang, ready ka na with what might happen next. I mean, you'll be willing to face them with me. Will do this thing together. I'll always be by your side." ang haba ng sinabi niya and sobra akong natouch dun. Naiiyak ako at nahihiya. Sobra yung takot na nararamdaman ko kagabi pero parang nawala lahat ng yun dahil sa sinabi niya.

"Ly" tawag ko sa kanya and I hugged her. Wala akong masabi. She hugged me back pero saglit lang. Humiwalay agad siya to face me. She wiped my tears, di ko alam na naiyak na pala ako. Nakakahiya na dito pa kami sa tapat ng bahay nagdrama. Buti nalang wala akong klase ngayon at di ako male-late. Lilipat lang talaga ako sa dorm

"Missy, I totally understand what you feel. And the least thing I can do for you is to accept your decision. We'll keep this to ourselves and between our families. Nakausap ko na din sila about it and okay lang naman sa kanila. I said that its a mutual decision kaya wala na silang nagawa" sobra na talaga to. Naiinlove na ko sa kanya. Teka! Ang bilis ko naman. Masyado ko lang siguro naa-appreciate yung efforts niya for me. Hihi

"Thank you, Ly! Super!" I said with a big smile

"Anything for you Missy" ayan na naman yung killer smile niya! Pinapatay na naman ako. "And one more thing, since wala namang may alam about this, I'm giving you the freedom to live your life the way you wanted. I mean, to experience having you know? A boyfriend, maybe?" Sabi niya while scratching her nape

Did I heard it right? Gusto niya akong magka-boyfriend?

Magkaiba yung sa okay lang, okay? You'll have your freedom lang. It doesn't necessarily mean na gusto niya! Shunga nito!

Ewan ko sayo! Epal mo po!

Hiya naman kasi ako sayo!

Shataaaaap!!

"Why?" tanong ko

"I just wanted you to experience it, maybe. If you wanted to. Baka kasi iniisip mo na because of our situation, you'll never have the chance to have one." grabe! I can't believe her. Siguro kung ibang tao 'to, magiging possessive sakin yun. Sa ganda ko ba namang 'to!

Ehem! Hangin! Tsaka medyo makapal te ha?!

Sabi nang shataaaap eh!

Okay! Chill!

"Eh, sayo okay. Paano naman ki---"

"If you're thinking about what our family might say, no worries Missy. I already talked to them, diba nga? And okay lang daw as long as it's okay with me. And what did I told you?"

"You're fine with it and you'll do anything for me." nagsmile naman siya. "Pero bakit?"

"No more why's, okay? Basta para sayo." kung naging lalaki ka lang Ly, baka ako pa nagmakaawa sa Lolo ko na ikasal tayo. Kahit ngayon na agad. Ngayon, di na akomagsisisi na ikaw ang papakasalan ko. Sobrang swerte ko na e.

"Thank you Ly. I don't know kung pang ilang thank you ko na 'to. But still, thank you! Di ko alam kung paano ko makakabawi sayo"

"Just promise me that you'll be happy. And that's more than enough." sobrang genuine ng smile niya. I can say that I'm the luckiest to have her. Di ko man siya girlfriend, but still, future wife ko siya! Hahaha

Aly's POV

I can say that I came up with the right decision. About last night, sobra lang talaga akong nasaktan. At sobra din akong naguluhan kaya I've decided to talk to my family. At yun na nga. Sa una nagalit sila sakin, pero nung nagpromise ako na matutuloy ang kasal, well wala na silang nagawa. Ayun yung hiningi kong kapalit sa favor nila sakin, samin. To give My Missy her freedom. Tama naman diba? She deserves it naman e, it's her life so we have to let her be. Atleast for now kasi nga diba? Arranged marriage kami.

"Wait! Bakit di ka man lang nagtext sakin kagabi? Nagalala kaya ako!" yiee concerned pala sakin si Missy

Yun din pala yung reason why I forgot to text her. Kasi nga kinausap ko pa pati family niya. Actually yung Lolo niya lang, siya nalang daw mage-explain sa family nila. Pagdating ko naman sa unit ko, nakatulog na agad ako sa pagod. Layo kaya ng byahe ko! I forgot to change clothes na nga e. Pati shoes ko di ko na natanggal.

"Yiee! Concern, kikiligin na ba ko? Haha" tignan mo to, tinaasan lang ako ng kilay.

"Joke lang po. About that, e napagod po kasi ako e." *insert puppy eyes*

"Pasalamat ka masaya ako ngayon! Hmm!"

"Well then, thank you Missy!" nagbow pa ko hahahaha. Pikon talaga! Sama ng tingin e

"Ly, thank you talaga! For being honest about your feelings and for being sensitive enough to understand my decision and for respecting it. Thank you talaga" seryoso niyang sabi. Good to know na napasaya ko siya. Though alam kong masasaktan ako sa idea na may possibility na magkaboyfriend siya, still kung masaya naman siya, then I'll be happy for her nalang.

"Uulitin ko pa ba ulit? Anything for you Missy, anything. I'll do everything for you. And I'll never, ever, leave your side." and I kissed her forehead. I told you, I respect her

Respect pero may nangyari na sa inyo? Hustisya pre!

Manahimik! Lasing kami nun!

Palusot! Pwe!

"I just wanted you to experience a 'normal life' Missy." I added habang magkadikit yung mga noo namin. Nakita ko naman siyang nagsmile.

Then she kissed me, sa cheeks lang syempre. Swerte ko naman kung sa lips. Haha

"Uhm, Den, Aly? Kanina pa kayo dito. Wala ba kayong balak umalis?" putol ni Tita sa moment namin ni Den. Panira naman e. Joke hahaha

Just A DreamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang