Chapter 21: Dude's Night Out

2.1K 47 0
                                    

Aly's POV

I really can't believe na we're now exclusively dating ni Missy. Yung wala na akong kaagaw sa kanya. Sa sobrang saya ko, niyaya ko kaagad yung barkada na magcelebrate. Nandito kami ngayon sa dorm na LS. Wala daw kasi silang training bukas pero di sila pinayagan ni ate Aby na umalis. Baka daw mapagalitan sila ng coach nila.

"Guys! Kilala niyo na naman tong sila Gretch diba?" sigaw ni Kimmy sa teammates niya. Tumango naman sila.

"So etong si Dude Aly nalang ang ipapakilala namin. This is Alyssa Valdez by the way." sabi ni Vic sabay akbay sakin.

Nagsmile naman sila sakin.

"I'm Aby Maraño, team captain ng LS."

"Kilala mo naman ako diba? Michelle Gumabao, may crush sakin yang si Gretty dati. Hahahaha" bigla ba naman siyang binatukan ni ate.

"Kapal mo Gumabao! Ikaw nga tong patay na patay sakin e" bawi naman sa kanya ni ate. Dati ko pa kilala si ate Mich, bata palang ako magkakilala na sila ni ate Gretch kaya sanay na ko sa kanilang ganyan. Laging nagaasaran!

"Hi! I'm Cyd Demecillo."

"Hi, ako nga pala si Carol Cerveza" kapangalan niya si ate A.

"Hi I'm Camille Mary Arielle Cruz. You can call me Camille or Cams!" ang jolly naman nito and cute at the same time.

"Ako naman si Cienne" paglingon ko, nagulat talaga ako. Si Camille pala, pinagtripan pa ko. Nagpalit pa talaga ng damit. Hahaha "Kambal kami ni Cams!" HA?! Kambal daw? Pagtingin ko naman sa left ko, nandun nga si Camille.

"ANG COOOOOL!" sigaw ko, nagtawanan tuloy sila, nakakahiya tuloy. Ang cute kasi nila e. Napasigaw tuloy ako. Hahahaha

Aby: Tama na yan, kain na muna tayo.

Kim: Oo nga! Gutom na ko. Uy Vic! Tawagin mo na si Yeye para makakain na!

Vic: Bakit ako?

Kim: E sinong gusto mong tumawag? Si ate Aby?! Ate oh! Ayaw sumunod!

Mich: Tawagin mo na Ara, para sabay-sabay na tayo.

Vic: Eeeh!

Ako: Ako na po tatawag, nakakahiya naman kasi kay Vic e. Saan ba room niya?

Cienne: Ako nalang. Tamad talaga yan si Arabella e!

Cams: Sabihin mo, nagseselos kay Teng! Hahahaha

Tinignan naman siya ng masama ni Vic kaya tumigil na sa pangaasar. Binulungan ko nalang si Vic.

"Usap tayo mamaya"

Vic's POV

Tama si Camille! Nagseselos nga ako dun sa Teng na yun! Paano ba naman kasi, ang tagal ko nang gustong ligawan si Miks pero ayaw niya pumayag. Tapos malalaman ko nalang na si Jeron pinayagan niya?! Nasan ang hustisya dun? Nakakainis talaga. Tapos kanina nakita ko pang kinikilig tong si Mika nung hinatid siya dito ni Jeron after ng klase nila. Bwisit

A: Hoy Vic, konti nalang pati plato mo mahihiwa mo na!

Pagtingin ko naman sa pagkain ko, durog na durog na pala. Di ko napansin na napanggigilan ko na yung ulam ko. Kainis naman kasi e.

Aly: Vic, mamaya ha?

Yeye: Tomsy, kumain ka nga ng maayos.

Gretch: Ayun naman! May tawagan! Hahaha

Vic: Hindi nakakatuwa!

Yeye: Vic!

Vic: Sorry

Sabay yuko ko. Kainis! Naririnig ko naman sila Aly na nagpipigil ng tawa. Pagdating kasi kay Yeye, alam nilang tiklop ako. Peste!

"Sige pigilan niyo pa yan tawa niyo. Pag yan sa pwet niyo lumabas ewan ko nalang!" seryoso kong sabi. Tumawa naman sila ng sobrang lakas! Pero nangibabaw pa rin yung boses ni Miks

Yeye: Tomsy! Yung bibig mo, kumakain e.

Tumahimik naman kaming lahat. At bumalik sa pagkain.

After dinner, kinuha na nila Kim yung biniling alak nila Aly kanina at dumiretso na kami sa rooftop. Dun kami iinom para kaming dudes lang.

Aly: Spill it out, Vic.

Ako: Di naman yun yung reason bakit tayo iinom diba? Sakin nalang muna yun.

Gretch: Baka sumabog ka jan? Sabihin mo na

Kim: Tama sila dude. Pano ka namin matutulungan kung di ka magsasabi?

A: We're waiting Vic.

Ako: Si Yeye kasi e. Pinayagan niyang manligaw si Jeron, tapos ako ayaw niya. Kelan niya nga lang nakilala yun! Bwisit

Aly: Pano ka kasi papayagan kung di mo naman sineseryoso?!

Vic: Alam nating lahat dito na seryoso ako sa kanya!

Gretch: Pero di niya alam. Vic, ang alam ni Mika is pinagti-tripan mo lang siya. Bata palang tayo ganyan ka na. Babaero! Loko-loko! Sa tingin mo maniniwala sayo yun?

Kim: Nagsalita ang matino! Hahaha

Aly: Tama naman kasi si ate Gretch Vic, patunayan mo muna kay Miks na seryoso ka. E di mo nga ata kayang tumagal ng isang araw ng walang ka-date e

Kim: Boom! Jan kayo nagkakamali! Alam niyo bang 2 weeks nang di lumalapit at tumitingin sa ibang babae yang si Ara. Trying hard nga yan umiwas e. Hahahaha

Kim's POV

You read it right! Nagbago na nga yan si Victonara. Kung dati, iba't-ibang babae yung kasama niyan araw-araw, ngayon hindi na. Sweet na nga siya kay Miks e. Di nga lang halata kasi sinasamahan niya ng pangaasar.

A: Di ako naniniwala!

Ako: Totoo yun Dude!

Vic: Tama si Kim. Umiiwas na nga ako e. Sila lang lapit ng lapit. Seryoso na talaga ako. Bata palang kami ni Mika mahal ko na siya. Di ko lang kaya irisk yung friendship namin kaya ganun.

Aly: Edi patunayan mong deserving ka para sa kanya. Ligawan mo!

Vic: Ayaw nga pumayag!

Gretch: Paspasin mo!

Vic: Gago ka ate! Gusto mong paspasin din ako ni tito?

Gretch: In-'ate' mo pa ko, minura mo naman.

Vic: Seryoso kasi.

A: Edi simulan mo sa magulang.

Ako: Old school naman niyan A!

Aly: Tama si ate A. Ligawan mo muna sila Tito, that way, makukuha mo yung boto nila. Atleast for now, habang di ka pa pinapayagan ni Yeye.

Gretch: Oo nga. That way, makukuha mo muna yung loob nila then si Yeye nalang problema mo.

Vic: Yun na nga e, matagal ko nang ginagawa yun. Actually pumayag na nga sila. Si Daks nalang talaga yung kulang.

Aly/Gretch/A: Sino naman yun?

Ako: Choir kayo? Si Mika yun!

Vic: Daks kasi tawag ko sa kanya. Tomsy naman siya sakin.

Tumango naman yung tatlo.

Ako: So what now?

A: "The Grand Proposal"

Vic: Ano nga gagawin ko?

Aly: Akala ko pa naman yung samin ni Missy yung topic natin ngayon. Lovelife pala ni Vic at Yeye e.

Gretch: Wag ka magdrama jan. Nanliligaw ka na naman e. Let's help her out muna. Magtatanong na siya e.

So our "Dude's night out" became a night to plan Vic's proposal. Actually magtatanong palang siya kung pwedeng manligaw. Wag lang sana siyang maunahan nung Teng at baka di pa man siya nakakapag tanong e mag-on na yung dalawa.

Just A DreamWhere stories live. Discover now