Chapter 33: Baguio Madness

1.8K 40 0
                                    

Aly's POV

We're on our way to Baguio. Ang saya lang talaga na tuloy yung date namin ni Missy. Ang pinagtataka ko lang e bakit text ng text tong isang to. Di niya talaga mabitawan yung phone niya. Di ko naman makita kasi nakahiga ako sa lap niya. Nagpahatid lang kami sa family driver nila, para daw di hassle sabi ni Tito.

"Missy, sino bang katext mo?" naiirita na talaga ako

"Wala to. Sila Besh lang nanghihingi na pasalubong."

"Ah. Pakisabi naman pag nagtext pa sila, wala silang makukuha pagbalik natin" seryoso kong sabi. Di niya kasi ako pinapansin e

"Pati ba naman kila Besh nagseselos ka? Haha"

"Di ako nagseselos sa kanila. Jan sa phone mo ako nagseselos! Di mo mabitawan e" sabay upo ko ng maayos.

"Tampo agad yung baby damulag oh? Haha! Sorry na po. Sige na, itatago ko na po" buti naman! "Higa ka na ulit. Inaantok ka ba?" tumango naman ako

"Ikaw po?"

"Medyo. Pero okay na ko dito."

I guided her head para sumandal sa balikat ko tapos pinatong ko yung ulo ko sa kanya. Then I held her hand.

"Much better" bulong niya

"Let's sleep muna. Medyo malayo pa tayo"

FF..

Den's POV

Di naman talaga sila Ella yung katext ko, si Mycs yun. Nagtatanong kasi siya kung kelan kami pwedeng magkita. Para tuloy akong nagbabalak na tumakas sa asawa ko para makipagkita sa kabit ko. Eish!

Alam kong kanina pa naiirita tong si Ly sakin. Kaya nga tinigil ko na kasi baka mas lalong magtampo. Kakarating lang namin dito sa rest house nila. Infairness ha, kahit makaluma yung design ng bahay, maganda pa din. Nakaalis na din yung driver namin.

"Hi manang!" bati niya sa isang matanda dito sa bahay, care taker siguro. "Si Missy nga pala, nililigawan ko po and soon to be.... Mrs. Valdez! Tanaaaa" pagpapakilala niya sakin. Para siyang sira. Hahaha

"Hello po, ako po pala si Dennise, Den nalang po."

"Ay, akala ko Missy ang pangalan mo e. Kay gandang dalaga naman nito Aly! Hehe"

"Ah Missy, siya nga pala yung care taker nitong bahay, silang dalawang magasawa. This is Manang Cupcake!" ha? Cupcake? "Tapos yung tumulong satin magbaba ng gamit, si Tatay Jerry, asawa ni Manang Cupcake."

"Manang Cupcake? As in Cupcake?" takang tanong ko. Baka niloloko na naman ako nitong si Ly

"Ah ineng, Den, Ising kasi ang pangalan ko. Pasaway lang talaga yang si Aly, bata palang siya e Manang Cupcake na ang tawag niya sa akin" ah, kaya naman pala. Ising, parang icing! Brainy nitong si Ly ah? Hahaha

"Pagpasensyahan niyo nalang ho, maluwag lang talaga yung turnilyo niyan. Hahaha"

"Sinabi mo pa, sanay na kami jan! Hahaha"

"Naririnig ko po kayo! Tay Jerry oh? Sila Manang inaaway ako!" sigaw ni Ly habang nakasabit sa sanga ng puno. Para talagang bata

"Hoy Ly! Bumaba ka nga jan! Para kang bata, pag ikaw nahulog ah!"

"Nye nye! Aalagaan mo naman ako diba?" nagpacute pa habang nags-swing yung katawan niya

"Aly!" bigla naman siyang bumitaw, ayan tuloy muntik pang sumubsob "Tignan mo na?!"

"Ginulat mo ko e! Sorry na!"

"Wag mo nalang ulitin. Tara na, pasok na muna tayo. Lamig dito sa labas e."

Just A DreamWhere stories live. Discover now