Chapter 37: Broken

1.7K 44 6
                                    

Aly's POV

Sobra talaga akong nasaktan sa nakita ko kanina. Nagmadali pa naman ako tapos yun lang maaabutan ko.

Flashback..

"Basta pag may problema, may viber, fb or twitter naman e. I love you Den" tapos niyakap niya si Missy. Ano daw?! I love you?! Sila ba? Akala ko ba bestfriends lang?

Tsaka ang paalam niya kila Manang Cupcake maglalakad-lakad lang, bakit magkasama sila nung lalaking yun? Kaya ba siya pumayag na sumama sakin kasi magkikita sila dito? Bwisit naman!

"Thank you Mycs. And I love you too!"  tapos niyakap niya si Myco pabalik. WOW! SWEET NILA AH!? Nainis na ko kaya tinapos ko na yung landian nila.

Pagkarating namin sa bahay, masyado nang masama yung pakiramdam ko kaya natulog nalang ako pagkatapos kong maligo. Sinabi ko na din kay Tatay na wala akong ganang kumain. Alam na nilang di nila ako mapipilit kaya umalis nalang siya. Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari. Mukhang nagkatotoo yung panaginip ko kagabi, masaya na si Missy. Iiwan niya na ba ko para sa Myco na yun? Tss.

FF..

Mainit na yung pakiramdam ko, sinubukan kong tumayo para sana bumaba. Nagugutom na kasi ako, pero di ko kaya. Nahilo ako bigla. I tried to check my temperature, 39°?! Shit naman! Buti nalang nandito sila Manang. 9pm na din at ayoko talagang lumapit kay Missy. Nakakainis naman kasi e! Sana sinabi niya nalang na gusto niya dun.

Since di ko naman kayang bumaba, tinawagan ko nalang si Manang para manghingi ng pagkain at gamot. Sinabi ko rin na wag ipaalam kay Den. Oo, Den! Kaylangan ko nang masanay na ganun ang tawag sa kanya. Nakakahiya naman kasi sa boypren niya! Lakas pa makatawag ng baby sakin, tsk!

Tok tok tok..

Si Manang na siguro yun, kaya pinilit kong tumayo para buksan yung pinto. Di ko lang inaasahan na si Den yung pupunta para magdala ng pagkain ko. Isasara ko na sana yung pinto pero napigilan niya tapos pumasok agad.

"What are you doing here?" I asked coldly

"Mas cold ka pa sa panahon. I heard kay Manang na may sakit ka daw so I told them na ako nalang magaalaga sayo!" nagsmile pa siya

"Come here, humiga ka na dito. Susubuan nalang kita." lalabas na sana ako ng kwarto nung hinila niya ko pabalik "Wag ka na magdrama, baka lumala pa yang sakit mo" wow ah? Ikaw kaya may kasalanan kung bakit ako may sakit

"Sana nga mamatay na ko e" bulong ko

"Narinig ko yun! Wag ka nga magsalita ng ganyan! Magpahinga ka na dun" inalalayan niya naman ako pahiga "Ang init mo! Here oh, kumain ka muna. And let's check your temp." pinigilan ko naman siya

"No need"

"Kulit, wag ka nga magulo. Nagaalala na nga ako e!" talaga lang ah?

"Di ko naman sinabing magalala ka ah? Tsaka para san pa? Dun ka na sa boyfriend mo!" sabay tayo ko pero lalo akong nahilo kaya natumba ako

"Ano bang problema mo? Umayos ka nga? Stop acting like a kid, Aly!"

"Well, stop acting like nothing happened! Like you had nothing to do with this!" sigaw ko sa kanya. Wala na, napuno na ko!

"Ano ba?! You're mad at me dahil umalis ako kanina? I already said sorry diba? Can't you just let it pass?!"

"Let it pass?! Huh! I can't this time! I've told you before, I'll understand. You haven't seen that man in a while now, so I told you to go with him. I WILL UNDERSTAND, BUT YOU DIDN'T! YOU CAME HERE WITH ME. YOU EVEN TOLD ME THAT WE'LL BE SPENDING THIS VACATION TOGETHER. JUST THE TWO OF US! BUT WHAT WAS THAT? THE HELL, DEN!" umiiyak na ko habang sinisigaw ko yun. I want her to understand why I'm acting this way. Masakit sa part ko. "Den y--you should've said no to me. I love you, Den. So much, sobrang mahal kita na maiintindihan ko kung humindi ka. Kahit masakit, tatanggapin ko." napaupo na ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sumasabay pa yung sakit ng ulo ko

"Ly, I'm sorry." tapos niyakap niya ko

"No, stop it Den. Mahal mo pala siya. You should've told me ahead of time. Para naman di ako nagmukhang tanga!" bigla akong tumayo pero na out of balance ako, buti nalang nasalo niya ako.

"Ly, magpahinga ka muna. Bukas na tayo magusap pag okay ka na. Inumin mo muna tong gamot mo, then take a rest" inalalayan niya na ko pabalik sa higaan pero pinigilan ko siya.

"I can't Den. I just can't! How can you say that? As if I am not hurting!" hinihila ko na yung buhok ko ngayon baka sakaling mabawasan yung sakit na nararamdaman ko "Do you really think that I can rest despite what happened? Den naman! I can't let this day pass na para akong tanga, thinking kung ano pa ko sa buhay mo!" di siya kumikibo sa mga sinasabi ko sa kanya "Now that he's back" mahina kong sabi

"Tell me Ly, ano ba talagang kinakagalit mo? Yung umalis ako ng walang paalam para makipagkita kay Myco o yung sumama ako sayo dito?" walang emosyon niyang sabi

"Just tell me your reason, why?" seryoso kong sabi sa kanya. This time, huminahon na ko.

"Alin ba? Na pinili kong sumama sayo because I can't say no to you? That I can't let you down because I just can't. I don't know why Aly, siguro dahil mahal kita. Mahal kita na ayaw kong gumawa ng reason para masaktan ka. Pero kahit anong gawin ko, nasasaktan pa rin kita." umiiyak na siya, gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa. Siguro dahil nasasaktan pa rin ako "Im trying my best here para mapantayan lahat ng efforts mo, your every sacrifices pero di ko magawa." then nagbreak down na siya

"Den, I'm doing those things dahil gusto ko. Not because I want you na pantayan yun. Mas nasasaktan ako na ganito. Mas masakit pala yung malaman kong you can't tell me the truth dahil ayaw mo akong masaktan. Mahirap bang intindihin na kaya kong tiisin yung sakit Den. Kakayanin ko kesa mahirapan ka. Now tell me, kayo na ba?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Kayo na diba? Nung Myco na yun? O katulad ko, pinapaasa mo rin siya sa 'I love you's mo?! Shit naman Den! Ganyan ka ba talaga?!"

Den's POV

Kaya ba siya nagkakaganyan dahil sa nakita niya kanina?! Pucha! Anong sinasabi niyang kami ni Myco!? Tsaka paasa?! PAASA AKO?!

"You know what? This is nonsense, YOU'RE NONSENSE! Masyado ka nang kinakain ng insecurities mo. Hindi kami ni Myco! And that will never happen dahil bestfriend ko siya at may girlfriend na yung tao! Saan mo naman nakuha yan balita mo?!" umiiyak na ko, di ko na kinakaya yung mga sinasabi niya sakin "Ganyan ba talaga tingin mo sakin? Ha?! PAASA?! BULLSHIT! Ayan na yung gamot mo! Magpahinga ka na, baka sakaling maliwanagan ka!" then nagwalk out na ko

Nagkulong nalang ako sa kwarto ni Ly after ng sagutan namin. Parang di ko na siya kayang makita dahil sa mga sinabi niya sakin. Umiyak lang ako umiyak hanggang makatulog ako.

Aly's POV

BOOM TANGA! That's all I could say to myself. Bakit ba hindi ko muna sila tinanong? Nagconclude agad ako sa nakita ko. She's right, kinakain na nga ako ng insecurities ko. Gusto kong magsorry sa kanya, pero di ko alam kung paano. Masyado ko siyang nasaktan sa mga sinabi ko.

Ininom ko na yung gamot na dala ni Missy kanina, di ko pa nauubos yung pagkain ko pero nawalan na ko ng gana. Masyado na rin akong nahihilo. Itutulog ko nalang muna to, bukas ko na iisipin kung paano ako magaapologize sa kanya.

-----

Hi readers! Musta? Hihi

Thank you pala sa 4k+ reads and for voting. Sobrang overwhelming lang to know na may nagbabasa talaga.

Thank you din sa makulit na author jan! Hahaha

Want me to mention your 'oh-so-cute-and-girly-name'? Joke! Hi artstring!

Just A DreamWhere stories live. Discover now