Chapter 22: Vic's Proposal / It's Not What You Think

1.7K 47 0
                                    

Aly's POV

Saturday na, bukas may Sundate na naman kami ni Missy. That would be the second. Pero ngayon, instead of spending my day with her, nandito ako sa unit ko with the Dudes and some of the LS. Specifically the 'bullies', si Mika lang wala. We're here kasi to prepare para sa 'proposal' nga daw ni Vic. Ako nga sa garden lang e. Wala man lang kahit konting preparation. Tapos siya, ganito?! Psh!

Cienne: So, what's the plan?

Carol: Since isip bata si Mika, why don't we try to make something na maraming balloons, something magical. Parang ganun!

Kim: Oo nga.

Vic: I already have a plan. Ganito kasi yun, blah, blah, blah.

Ako: So, ako nalang siguro bibili ng balloons, lights, candles, flowers and yung bear! Who can come with me? Para may katulong ako mamili. Then yung iba pwedeng kayo nalang bumili ng gagamiting decorations.

Cienne: Ako nalang! Basta libre mo ko ng ice cream! Hahahaha

Cams: Kapal talaga ng mukha! Kami nalang ni Carol bibili ng pang decor. Kayo nalang Kim bahala sa place ha?

Ako: Sige na. Okay lang!

Kulit talaga nitong si Cienne. Parehas sila ni Camille, kambal nga talaga.

Vic: Anong gagawin ko?

Gretch: Magpahinga ka nalang. Dahil ikaw ang may pinaka mahirap na gagawin mamaya!

That's right. Mamaya na agad siya magtatanong, para daw sabay nalang sila ni Teng manligaw. May the best man/woman win. That is, kung papayagan siya ni Yeye.

Ako: So all set na? Let's go! Marami pa tayong gagawin.

FF..

Nandito kami ngayon ni Cienne sa mall. Etong babaeng to napaka clingy. Pero di naman nakakainis kasi sobrang kulit niya, instead na mainis ka, matatawa ka pa.

Nakahawak siya ngayon sa braso ko, for sure yung mga nakakakita samin ngayon iisipin nilang mag-on kami. Lakas kasi makakapit e. Hahaha

"Yun oh! Dun kami bumili before ng balloons!" sabi niya habang nakaturo sa isang shop dito.

Di na ko sumagot. Nagpahila nalang ako sa kanya. Parang bata!

After namin bumili ng 15 bags ng lobo, naghanap naman kami ng LED lights. Green daw kasi La Salle sabi nitong makulit na kasama ko. Blue sana bibilhin ko kasi Ateneo e. Hahaha

Nakabili na din kami ng maraming flowers. As in sobrang dami. May sunflower, roses and tulips. Kala mo may balak na kaming magtayo ng sariling shop e. For sure after nito, mamumulubi na si Vic. Haha

Yung bear nalang kulang namin. Sobrang dami kong bitbit, habang itong kasama ko, nageenjoy sa gummy worms niya. Sinusubuan niya lang ako kasi nga ako may bitbit ng lahat ng binili namin.

Cienne: Pagod na ko, pahinga muna tayo bago maghanap ng bear. Yung ice cream ko ha!

Wala na ngang buhat siya pa unang magreklamo. Kung di lang siya cute, iniwan ko na to.

Ako: Wait lang po madam. Dun oh, upo muna tayo para mabilhan kita ng ice cream.

Cienne: Yey! Hahahaha

"Para kang bata" sabi ko sa kanya sabay kurot ko sa ilong niya. Hahahaha

Ang cute niya talaga! Nagpout pa siya!

"Eto na po, bibili na. Wag ka na magpout jan! Mukha kang instik na nalugi sa negosyo! Hahaha"

"Che! Alis na nga! Bilisan mo ah?"

"Eto na!" umalis na din ako para makablik agad. We only have 30mins left para makabili ng bear at makapunta sa venue. Magpe-prepare pa kami dun.

Pagkabili ko ng ice cream, bumalik na agad ako kay Cienne. On my way sa pinagiwanan ko sa kanya kanina, nakakita ako ng cute na Finn and Jake na stuffed toys. Alam kong magugustuhan niya yun kaya binili ko na. Friends naman na kami kaya okay lang siguro na bilhan ko siya.

Malapit na ko sa kanya nung nakita kong nakapikit siya, medyo nakasimangot na rin. Pagod na to siguro. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit and pumunta sa likod niya. Nilagay ko naman yung binili kong ice cream sa tabi niya and hinawakan ko si Finn and Jake paharap sa kanya. Bali para akong nakahug sa kanya since nadito ako sa likod niya. She can keep them both or kay Camille yung isa.

"Hi Ciennang!" bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman na parang nagulat siya. Napaharap pa nga siya sakin e, kaya muntik na kaming magkiss. Di naman awkward kasi bigla siyang tumawa.

"Wow! Ang cute! Para sakin ba to? Thank you!" sabay hug sakin. Ang cute niya talaga. Parang ang saya niya maging kapatid.

"Welcome! Sabi ko na nga ba magugustuhan mo e. You can give the other one kay Cams. Either of the two" sabi ko sa kanya

"Sakin nalang si Finn, mas cute e. Haha" puro talaga kalokohan

"Kainin mo na yung ice cream mo para makabili na tayo ng bear ni Arabella. Baka matunaw pa yan."

"Okay. Gusto mo?" umiling na lang ako. "Say ahh!" nagulat naman ako. Talagang susubuan niya ko?

"Di na. Sayo na yan"

"Eeh! Dali na, arte mo! Say ahh!" kulit talaga, kaya sinubo ko nalang. "Yiee arte pa e. Gusto rin naman. Hahahaha" baliw talaga

"Bilisan mo na jan, malayo pa yung pupuntahan natin after nito."

"Tara na nga, sa daan ko na to kakainin" tumayo lang siya at binuhat yung bigay kong stuffed toys. Wala talaga siyang balak tulungan ako dito.

"Huy! Bilis!" sigaw niya sakin

Tumayo nalang ako at binitbit yung mga pinamili namin kanina. Buti nalang malapit na lang yung store na pupuntahan namin kaya di na ko nahirapan.

Pabalik na kami ngayon sa parking lot nung--

"Wow! Sweet niyo naman! Kaya pala di mo magawang makapag text man lang. Enjoy ha!" sabay walk out

"Si Lazaro yun diba?" sabi ni Cienne

Yes, si Missy nga yung nakasalubong namin. Mukang na-misinterpret niya yung ginagawa namin ni Cienne. Nakakapit kasi sakin si Cienne habang hawak niya sa left hand niya si Finn, tapos nakasabit sa leeg ko si Jake. Then yakap ng right hand niya yung malaking bear. Para kaming nagde-date ngayon. Psh! Di ko naman siya pwedeng habulin ngayon dahil sa mga bitbit ko. Bukod sa mabigat, kaylangan ko na talagang madala to sa venue. 2pm na at magse-set up pa kami. Hay! After na nga lang nito ko kakausapin si Missy!

-----

Happy Valentine's Day everyone! Sino walang date?! Hahahaha!

Comment. Share. Vote.

Thankie! ;)

Just A DreamWhere stories live. Discover now