Chapter 20: It's you Ly, You ALONE!

2.1K 64 0
                                    

Aly's POV

Tama kayo. Nandun nga ako nung sinagot ni Missy yung pugo na yun. Sobra talaga akong nasaktan. Kaya naman ako nagpunta sa dorm nila kanina kasi gusto ko siyang makita para naman gumaan kahit papano yung pakiramdam ko. Kaso naunahan na naman ako ni pugo. Kainis naman! Tama nga sila ate Gretch, I risked too much. Ayan tuloy! Sigh!

Since sira na agad yung araw ko, di na ko pumasok sa klase ko. Nandito ako ngayon sa gym. Naglalaro ng basketball. Kahit masakit yung kaliwang kamay ko, naglaro pa rin ako. Atleast kahit konti, gumaan man lang yung pakiramdam ko.

"Nice one, dude! Injured ka na, magaling ka pa din." sabi ni ate A? Anong ginagawa niya dito? Sila ni ate Gretch.

"Ate" bigla nalang akong tumakbo palapit sa kanila to hug them. Sila lang makakapag pagaan ng pakiramdam ko ngayon.

"Sabi ko sayo e. Dapat pinatigil mo na siya na makipag date kay Revilla. Ayan tuloy, may pag walk-out ka pang nalalaman jan!" sermon sakin ni ate Gretch

"Ate!" naiiyak na ko

"Iyakin ka talaga. Tama na yan. Maglaro nalang tayo. Haha" si ate A naman yun. Di na siya galit sakin? Napatingin naman ako sa kanya

"Don't worry. Di ako galit sayo. I just can't, di ko pwede pabayaan yung little sister namin nitong si Gretta." sweet talaga nila sakin

"Thank you po. And sorry"

"No need. Tara na, talunin mo ulit kami. 2v1, forte mo to e. Hahaha" duga talaga. Nagkampi pa silang dalawa ni ate

So ayun nga. After almost 2 hours, pagod na pagod na kaming tatlo dito. And panalo ako. Hahaha

Not because magaling ako, but because they wanted me to feel better. Ito yung lagi naming ginagawa kapag malungkot ako. Basketball lang yung katapat ko.

Pagkatapos namin maglaro, nakaramdam na ko ng gutom. Niyaya ko silang maglunch pero tumanggi sila. May date daw sila parehas. Talaga naman! Kaya magisa ulit ako ngayon na naglalakad papunta sa cafeteria. I'll have my lunch alone. Naiiyak na naman ako.

Ang bading dude, sa totoo lang.

Ewan ko sayo!

Bahala ka!

Papasok na ko ng cafe nung nakasalubong ko si Missy. She was smiling at me, masaya talaga siya ah? Sabagay, may boyfriend na e. Di ko nalang siya pinansin at pumasok nalang agad ako.

Paupo na sana ako nung hilahin niya ako palabas. Ano ba yan! Gutom na ko e.

"Don't worry, nag take out na ko for us." sabi niya habang hila-hila pa rin ako palabas. Malapit na kami makarating sa garden. Dun niya siguro balak kumain.

Den's POV

After umalis ni LA, dumiretso na ko sa class ko. Sobrang boring talaga, classmate ko dapat dito si Ly ah? Bakit wala pa siya? Eto na nga lang yung nagiisang subject magkaklase kami e. Nagdrama siguro. Haha

Pagkatapos ng klase ko, pumunta na agad ako sa canteen to eat my lunch, nakakagutom e. Dun ko nakita si Gretta at A na mukhang pagod na pagod. Parang galing sa training, e wala namang practice ah?

"Ho! Nacachi!" ganyan ko talaga sila tawagin. Kung hindi surname, sa first name lang. Walang ate. Haha

"Uy! Lazaro! Nasan na yung jowa mo? Bakit magisa ka?" tanong ni Gretta

"Jowa ka jan?! Wala ako nun no!" mukha naman silang dalawg gulat na gulat

"Wala?! Akala ko ba sinagot mo na daw si Revilla?" sigaw naman ni A. Nakakahiya ah? Pinagtitinginan na kami dito

Just A DreamWhere stories live. Discover now