Chapter 10: Private 'thing'

2K 52 0
                                    

Aly's POV

I just can't believe na ikakasal na kami ni Missy. Di man ngayon pero SOON. Sobrang saya lang ng naiisip ko. Hihi

Pero kanina, napansin kong nakatingin siya sakin nung pumayag ako sa gusto nila Chief and yung half smile ko. Kung iniisip niyang napilitan lang ako, nagkakamali siya. Ako pa ba aayaw? Si Missy na yun e. Kaya lang naman ganun kasi iniisip ko siya. Siya kaya yung mukhang napilitan. Sumigaw pa siya sa sobrang gulat. Kahit papano affected pa din ako sa reaction niya. But since pumayag na siya, ayos na ko. Haha

We're on our way home na and ako na ulit ang maghahatid kay Missy. Tahimik na naman kaya..

"Missy, are you okay? Ang tahimik mo po." concern lang ako

"..."

"Hey" mahina kong sabi while touching her arm. Mukang nagspace out na e

"Ay. Wa--what? A--ano yun? May sinasabi ka ba?"

"Sabi ko kamusta naman sila?"

"Sila? Sinong sila?" medyo naguguluhang tanong niya

"Yung mga alien na binisita mo from outer space" poker face kong sabi

"Ha?"

"Wala. E kasi naman tulala ka po. Nakaka-bother e"

"Sorry ah. May iniisip lang" hayy, ano naman kayang iniisip niya? About kaya sa kasal?

"Is it about our wedding?"

"Kinda. Actually oo"

"What about it? Alam kong ayaw mo and you seemed shocked kanina nung sinabi ng lolo mo yun. Kahit naman ako but I can't say no to Chief. I respect him and okay naman sakin yun e. Pero kung ayaw mo you should've said no." mahabang paliwanag ko. Masasaktan talaga ako pag sinabi niyang ayaw niya pero di ko naman siya mapipilit diba?

"No. It's not that I don't wanna marry you. It's just that, this is new to me. Yung tayo."

"Wha--wait, anong meron satin?" ako naman yung naguguluhan pero okay lang ata sa kanya yung wedding. ATA!

"Duh! We're both girls nga diba? This kind of relationship, its not socially accepted pa. A lot of people may not understand our situation. Huhusgahan agad tayo! Ano nalang sasabihin nila satin pag nalaman nila to?" maluha luha niyang sabi

Naaawa ako sa kanya and at the same time nasaktan din. Kasi kahit siya, she already judged what we're gonna have in the future. Like ngayon palang takot na siya. Ngayon palang di niya na kayang harapin yung mga tao. Sigh!

"Then what do you want me to do? Just tell me, I'll try to do the best I can"

"I don't know. Can we just keep this 'thing' private?" she said while quoting the word 'thing'.

"If that's what you wanted then we'll keep this 'thing' private" panggagaya ko sa kanya. Walang gana kong sinabi yan. Ayoko na! Napipilitan lang ata talaga siya

"Napipilitan ka lang ano? 'sigh'" wala na talaga akong gana

"No. Don't take it that way. It's just that---"

"No, it's okay. I understand naman e." I cut her off. Baka ano pa marinig ko, maaksidente pa kami

SILENCE

FF..

Den's POV

Di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kahit ako naguguluhan. Di talaga ako ready sa sasabihin ng ibang tao about this. Pero nasasaktan naman ako about how Aly treated me kanina when we arrived here sa bahay.

Flashback ..

Nandito na pala kami sa bahay. After she cut me off kanina, wala nang nagsalita sa amin. Di na rin ako kumibo kasi mukhang nabadtrip ata siya nung sinabi kong isikreto namin kung ano man 'tong meron kami.

Hanggang ngayon di pa din siya nagsasalita. I'm not sure kung gaano na kami katagal dito sa labas pero wala pa ring nagsasalita sa amin kaya I decided to talk to her.

"Uhm, Aly. Thank you nga pala sa paghatid and for respecting my decision to keep this private. You know, what we have. Uhm--" pinutol niya yung sinasabi ko

"Okay. Di mo na kaylangang ulit-ulitin sakin yun. Naiintindihan ko" poker face na naman siya. Ayaw niya ba sa idea ko? Ano ba yan!

"Sorry. Sige I better go." wala ata siyang balak pag buksan ako ng pinto kaya naman ako nalang nagbukas. Lumingon pa ko sa kanya bago bumaba

"Uhm Ly. Ingat sa pagda-drive, okay? Thank you ulit" I smiled at her pero wa epek! Di man lang siya tumingin sakin. Naka focus lang siya sa harap. Kaya bumaba na ko, and waved her goodbye.

Eeh! Nakakainis naman e. Kanina pa siya umalis pero kahit isang text man lang na nakauwi na siya, di man lang magawa. Ang cold niya pa kanina. Nagaalala na ko. Kainis na talaga! Ugh!

Di ko alam kung gaano ko katagal nagpagulong-gulong dito sa kama ko bago ako dinalaw ng antok and yet, no message from her. Kinuha niya pa contact number ko, di naman marunong magtext o tumawag man lang. Hmp!

Just A DreamWhere stories live. Discover now