Chapter 40: Mosh's Prank

Start from the beginning
                                    

Dzi: Ganun ba? Lumayas ka dito sa dorm namin! Wag ka nang babalik! Hahaha sira ka talaga

Fille: So ano nga? How's your date?

Ako: Okay naman. Nakakapagod but still we enjoyed our stay there

Gretch: Kamusta sila Manang Cupcake at Tatay Jerry?

A: Oo nga pala. Grabe! Nakakamiss sila no?

Aly: Okay lang po sila. Pinapakamusta nga po kayo e. Bumisita naman daw kayo dun!

Gretch: Sa susunod na siguro. Malapit na magstart yung season e.

Mae/Marge/Ella: SAMA KAMII!!!

Dzi: Mahiya nga kayo!

Aly: Haha! Okay lang po. Pwede kayong pumunta dun anytime. Basta pag free kayo, sabihin niyo lang kila ate Gretch or kay Missy

Ella: Yun naman pala e!

Aly: Sige na po. I should go na baka maabutan pa ko nila Coach, balik nalang po ako bukas. Ate Gretch, ate A! Alis na po ako. Yung mga pasalubong niyo po kasama na dun sa bags. Ate Dzi, girls, I'll go ahead na po. Bye Missy!"

ALE except me: Bye Alyssa! Thank you ha? Ingat

Ako: Hatid na kita sa labas.

"Missy, alis na po ako. I'll see you tomorrow, okay? Take a rest na po right after your meeting with your Coach. I love you po." then she kissed my forehead, nandito na kami sa gate ngayon

"Okay. Take care okay? And drive safely! Aly ha?! Please text me when you got home."

"Will do, Missy" umalis na din siya agad kaya pumasok na ko.

Ilang minutes right after Aly left, dumating naman sila Coach. Niremind lang nila kami about our schedule and kung kelan yung start ng games tapos pinagpahinga na nila kami. Nilimit na rin yung paggamit namin ng gadgets para makapag focus kami sa training and studies. Dito na rin daw magsstay si Coach Cha sa dorm para mabantayan kami.

Around 10pm na rin nung umalis sila Coach. Kulang na naman kami sa tulog nito. Hay! I was about to sleep nung maalala ko si Ly kaya I checked my phone kung nagtext na siya.

"Missy, I just got home. I had an emergency meeting for tomorrow so I can't go there. I already called Tito Mike about it and he understands naman daw. He'll explain it to Mosh daw po tomorrow and I'm hoping na hindi siya magtampo. I'm sorry Missy. Goodnight po and I love you"

That's what she texted me. She can't come tomorrow? Pano na si Mosh? Magtatampo talaga yun, he really hates broken promises e. Eish! Di ko nalang nireplyan si Aly kasi baka mainis lang ako. Bukas nalang siguro. So I decided to sleep instead of stressing myself.

Aly's POV

Wala talaga akong meeting bukas. Syempre joke lang yun. I can't let my future brother in law down just like that. I already talked to Tito Mike na kunwari di nila masasamahan si Mosh bukas para masurprise si Missy. Even her teammates nakausap ko na din. After kasi ng meeting nila, umakyat na agad si Missy para maligo. Kaya bumalik ako sa dorm para masabi ko sa kanila yung prank. Hahaha

Nandito na ko ngayon sa unit ko, I'm baking some cookies. Props to for tomorrow. Hahaha

FF..

Now's the day! Hahaha Excited na ko for her reaction sa gagawin namin. Nandito na ko sa bahay nila Missy para sunduin si Mosh. Naturuan ko na rin siya sa mga sasabihin niya mamaya.

When we reached the ALE's dorm, pinababa ko na agad si Mosh and instructed him what to do. Sa malayo na din ako nagpark ng car ko tapos sumakay na ko sa taxi na nirent ko. All set na!

Nakatayo na si Mosh sa front door ng dorm nila. Pinabuksan ko talaga kila Mae yung gate para makapasok si Mosh. Tinawagan ko na din siya to inform them na nandito na kami! This is gonna be great! Hahaha

Den's POV

After our morning training namin, bumalik na agad kami sa dorm to rest. Yung iba kong teammates natulog ulit. Habang sila Mae nasa dining table, kinakain yung mga dala namin kagabi. Tapos sila Capt at A naman yung nagluluto ng lunch namin.

Nandito ako ngayon sa sala. Nanunuod ng Spongebob, bigla ko tuloy naalala si Mosh at Aly. Pareho kasi nilang paborito to, well, bukod sa Sofia the First ni Aly syempre. I was in the middle of watching the show nung may kumatok.

"Den, pakibukas naman ng pinto!" sigaw ni Besh, lakas talaga ng boses

Tinatamad pa ko kaya di muna ako agad tumayo. Nagulat nalang ako nung sumigaw yung nasa labas ng pinto.

"Ate Den! It's me, Mosh. Can you open the door for me please?" si Mosh? Bakit siya nandito? Tsaka sinong kasama niya?! Sabi ni Daddy walang pwedeng sumama sa kanya ngayon e. Tumakbo na agad ako papunta sa pinto para buksan yun. Nakita ko naman na sumunod yung teammates ko.

"Mosh!? What are you doing here? Who came here with you?" tanong ko sa kanya

"Well, I came here alone to give this jar of cookies to you. Dad told me that ate Aly can't come so I decided to visit you here by myself" I was like O.O

"What!? You did what?" tapos sumilip pa ko sa labas kasi baka niloloko lang nila ako pero wala naman akong nakita.

"I said I came here alone." sabi ni Mosh

"But how? Did you ask our driver to come with you?"

"Nope. I took a cab up to here. I just told the driver that I have a very beautiful sister and that you'll pay with a kiss." mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. For real?!

"Ha?! Where is he?" napakunot naman yung noo ni Mosh "The taxi driver, where is he?"

"He? You mean she? There she is!" babae yung driver?! Tapos tinuro niya yung taxi sa tapat ng dorm. "Pay her ate, she's been waiting there for too long now."

"Mae, may cash ka ba jan? Nasa taas kasi yung wallet ko e" umiling naman siya, busy kasi sa phone niya, actually lahat ng teammates ko

"Pay her with a kiss ate. That's our deal" sabi naman ni Mosh! Ano ba tong batang to?!

Lumabas na agad ako ng gate tapos nilapitan ko yung driver's side tsaka ko kinatok yung bintana. Naka ball cap pa yung driver kaya di ko makita ng maayos yung mukha. Nagsign naman siya ng wait tapos pinatay niya yung makina ng taxi niya tsaka sa bumaba. Nagulat nalang ako nung makita kong si Aly pala yung driver!

"SURPRIIIIIIIIISSSSE!!!" sigaw nilang dalawa ni Mosh sabay tawa ng malakas. Pati yung mga teammates ko tumatawa na din

"Epic face, Lazaro! Hahahaha!!!" pangaasar sakin ni Gretta

" Hahaha. Besh, sara mo na yung bibig mo! Baka pasukan ng insekto. Hahaha" dagdag pa ni Ella

Pinagtitripan ba nila ako?

"I thought, you--"

"That I can't come? It was just a joke. We wanted to surprise you, that's why. Ayos ba yung drama ni Mosh? Hehe" sabi ni Aly

"I was shocked! I really thought that Mosh came here alone." sabi ko

"Haha, we all saw it Den! Epic! Wooh! Hahahaha" sabi sakin ni Bea habang tawa ng tawa.

"Let's post it on IG, girls! Haha" sigaw ni Aeriel habang nagta-type sa phone niya. Dun ko napansin na lahat sila, kanina pa nakahawak sa mga phones nila. Shiiiiit! Kaya pala!

"Huy! Wag naman! Nakakahiya yung mukha ko.jan e!" pagmamakaawa ko sa kanila

Pero nagtakbuhan lang sila papasok ng dorm kasama si Mosh kaya naiwan kaming dalawa ni Aly dito sa labas.

"You'll get viral Missy! Lalo na pag isa sa fab5 yung nagpost nun! Hahahaha" inirapan ko lang siya tapos tumalikod na ko.

----------

Okay na siguro 'tong three chapters? Next time ulit. Hahaha

Thank you! Comment po for suggestions! :))

R. C. V. S. And don't forget to smile!

Just A DreamWhere stories live. Discover now