Chapter 38: A Promise of Forever

Start from the beginning
                                    

Aly's POV

Kahit masama yung pakiramdam ko, ang ganda pa rin ng gising ko. Yung panaginip ko kasi, inaalagaan daw ako ni Missy. Tapos tinabihan niya pa ko kaya nayakap ko siya. Parang totoo nga e, kasi feeling ko naamoy ko pa yung pabango niya. How I wish it was true, but because of what happened between the two of us, mukhang malayo sa katotohanan. Masyado ko siyang nasaktan sa mga sinabi ko.

Kasama ko si Manang ngayon dito sa kwarto, hinatiran niya ako ng lugaw tsaka gamot. Siya rin siguro yung nagpalit ng damit ko. Grabe, nakakahiya. Ang tanda ko na para alagaan ng ganito ni Manang Cupcake.

"Manang Cupcake, thank you po pala sa pagaalaga sakin. Napuyat pa ho ata kayo."

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Aly?" tanong sakin ni Manang sabay hawak sa noo ko

"Okay na po ako. Konting pahinga nalang po, mawawala na din to. Kamusta na nga po pala si Missy? Tulog pa po ba?" siguro tulog pa yun. Try ko kayang puntahan ngayon?

"Maayos naman ang lagay niya. Napuyat nga sa kakabantay sayo e." ngiting sabi ni Manang "Masakit lang daw ang ulo, yun ang sabi niya sakin bago ko dalhin ang pagkain mo" sabi niya habang nagaayos ng pinagkainan ko

"Po?" takang tanong ko. Gising na si Missy? Ang aga pa kaya, tsaka napuyat daw sa kakaalaga sakin? Does that mean, hindi panaginip yung kagabi? Napangiti tuloy ako ng wala sa oras

"Para kang tanga jan Aly! Magtigil ka nga! Para mo akong papatayin sa ngisi mo e. Si Dennise ang nagalaga sayo magdamag at hindi ako." sabay pitik sa noo ko. Walang awa sa may sakit! Mahapdi kaya! Tss

"Manang naman e! Mahapdi kaya. Pero bakit po hindi siya yung nagdala ng pagkain ko?"

"Hindi ka pa raw kayang harapin nang gising ka. Baka magaway lang daw ulit kayo. Hay nakung bata ka! Ano bang ginawa mo dun? Magang-maga ang mata at mukhang umiyak." yan na nga ba sinasabi ko e. Tanga naman kasi

"Hay. Wag niyo na hong isipin yun, ako na pong bahalang kumausap sa kanya mamaya. Nasa baba pa ho ba siya?" kumunot naman yung noo ni Manang sa sinabi ko

"Wag isipin? Loko-loko kang bata ka! Naaawa ako kay Dennise, Aly. Halata sa mga mata niyang nasaktan siya. Siguraduhin mong aayusin mo ito bago kayo bumalik ng Manila, kung hindi ay isusumbong kita sa Lolo mo."

"Manang Cupcake! Wag naman, malalagot ako niyan kay Chief eh. Ako na pong bahala. Promise!" tinaas ko pa yung kanang kamay ko habang nakangiti.

"Hay naku kayong mga kabataan! Basta hija, magtatanong kasi muna bago magisip ng kung ano-ano ha? Wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo nang hindi kayo magkasakitan." tumayo na si Manang para dalhin yung pinagkainan ko sa baba

"Yes Manang! Thank you po. Pakibantayan nalang din po si Missy, baka po nahawa na sakin." nginitian lang ako ni Manang tapos umalis na siya

Humiga nalang ulit ako para makapag-isip ng pwede kong gawin para makabawi ako kay Missy. Pareho kaming may kasalanan sa nangyari pero alam kong sumobra yung naging reaction ko. Di dapat talaga ako nagpapadalos-dalos e. Hay! Ano kayang pwede kong gawin?

"Anong so? Lapitan mo na! Kausapin mo! Let your heart speak. Tell her everything. Na mahal mo na siya and you can't take the fact that you're losing her dahil sa kagagahan mo!"

Tama! Yan yung sinabi sakin ni ate Gretch nung hindi ko alam kung paano ako magtatapat kay Missy! Kakausapin ko siya, same way I did when I proposed to her, walang halong kaartehan.

It's already 7am nung napagdesisyunan kong lumabas to check on Missy. Dumiretso na ko sa room ko, dun ko siya nakitang natutulog. Namamaga pa rin yung mata niya. Lumapit na ko sa kanya at umupo sa sahig. I cupped her face and gently stoke her hair. Kasalanan ko kung bakit ganito, masyado lang talaga akong natakot na mawala siya sakin.

Just A DreamWhere stories live. Discover now