Chapter 24: Vic's Proposal Part III

Start from the beginning
                                    

Tuloy pa din siya sa pagkanta.

Hanggang ngayon di ko pa din siya nakikita. Wala akong idea kung nasan siya. Nagulat nalang ako nung biglang umilaw yung gitna ng field. May mini stage tapos nandun yung buong barkada ni Vic, sila pala yung tumutugtog. Pero wala siya dun. Lumapit naman ako sa kanila, katulad kanina, umiilaw din yun way. I'm half way there nung natapos yung kanta. Bigla namang nawala yung ilaw ng stage. Wala na ulit akong makita bukod sa dinaanan ko at yung puno. Bigla akong kinabahan, nasan na ba sila? Tsaka para san ba to? And dilim kaya.

"Guys! Nasan na kayo?! Natatakot na ko!"

"Daks"

"Vic? Tomsy! Nasan ba kayo?!"

"Mahal kita" ha? Si Vic yun ah? Ano bang trip niya

"I love you, Ye!"

"Tomsy, di nakakatuwa! Lumabas ka na nga!"

"Di na siguro, Daks. I know naman na pag nakikita mo ko, all you can see is the Vic na babaero. The Vic who's never been serious. Si Ara na puro kalokohan. Yung Tomsy mo na lagi kang inaasar. Si Victonara na lagi kang binubwisit."

"Tomsy"

"Let me finish first. From the very start Ye, that's how you knew me. Di ko kayang magseryoso, puro pangaasar lang kaya kong gawin but one thing's for sure, how I feel for you, totoo yun."

"Mika Aereen Marcaliñas Reyes, Yeye, Miks,Daks. Please, just this once. Let me prove you that I'm worthy of your time. Let me show the world that I can proudly cry your name in public for them to know how much I love you. Please Ye, let me love you."

Bigla nalang umilaw yung paligid. Sobrang ganda, maraming balloons, flowers at ilaw sa paligid. But there's someone that really caught my attention, si Tomsy. Same Tomsy na bestfriend ko, si Vic na teammate ko, si Ara na roommate ko. Si Victonara na minahal ko simula bata palang. Same person but with different aura, I guess totoo nga yung mga sinasabi niya. She really changed to be deserving sa chance na hinihingi niya.

She's standing beside a big letter 'W', as in malaki talaga. Parang yung sa UST, pero this one has lights around it. Dun ko lang napansin na marami pa palang letters. W-I-L-L-Y-O-U-L-E-T-M-E-C-O-U-R-T-Y-O-U-?

So ganito talaga niya pinaghandaan to? Magpapaalam palang siya manligaw ganito na? Pano pa kaya kung totoong proposal na? Hahaha

Kinikilig na agad ako.

Sobra talaga akong na-amaze sa surprise niyang to. Di man lang ako makapag salita.

"Daks" bigla siyang lumapit sakin at lumuhod

"Please, I'm trying so hard to be deserving enough para sa chance na hinihingi ko. At handa akong patunayan na hindi masasayang yun. So please, nagmamakaawa na ko. Let me prove you how much I can and will love you!" she held my hand and on cue, biglang naglight yung fireworks. Sobrang magical ng feeling.

Naiyak na lang ako dahil sa katangahan ko. Dun ko lang narealize kung gaano niya ko kamahal. Kung gaano siya kaseryoso sa nararamdaman niya sakin. Dapat noon palang pumayag na ko e, baka sakaling after nitong proposal na to, kami na. Hay!

"Sorry Tomsy, tayo ka na please." napatingin naman siya sakin, parang maluha-luha na. Kala niya siguro di ko siya papayagan. Bigla niya kasing binitawan yung kamay ko tapos umupo nalang.

"Wala ba talaga akong pag-asa sayo?" ano ba? Sa tingin niya yung sorry na sinabi ko dahil binusted ko siya?

"Tumayo ka na muna." pero di siya kumibo. Nakita ko nalang na gumagalaw na yung balikat niya, umiiyak ba siya?

Wala na kong nagawa kaya umupo na rin ako at niyakap siya. Napatingin naman siya sakin, umiiyak nga talaga.

"Sorry Tomsy" bumitaw naman siya sa yakap ko

"Naiintindihan ko" mahina niyang sabi

"Toms--"

"Ye, sorry kung makulit ako ha? Kung lagi kitang inaasar. Pero sana wag mong kakalimutan na mahal kita. At wala akong balak na tumigil hanggang sa dumating yung time na wala ka nang choice kundi pagbigyan ako. Ha-ha" sabay halik niya sa noo ko. Patayo na sana siya nung hinila ko siya pabalik to hug her.

"Patapusin mo muna ko, pwede? Sorry Tomsy, Sorry kung hindi ako naniwala sayo. Natakot lang ako na baka matulad ako sa mga babae mo. Na baka joke lang yung mga sinasabi mo. Takot lang akong masaktan" I hugged her tighter "I'm entrusting you my heart but please, promise me that you'll never break it. Please!" bumitaw naman siya sa yakap ko and looked straight into my eyes.

"I vow Mika. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. And I will never ever break my vow." then she kissed me on my nose, next sa forehead and niyakap niya ulit ako.

"Mahal na mahal kita Daks. And thank you for this chance."

Nagulat nalang ako nung may naghiyawan sa paligid.

"Wooooh! Mabuhay ang bagong kasaaaaal! Aray!" for sure si Kimmy yun

"Gaga! Manliligaw palang, kasal ka na agad!" sigaw sa kanya ni Cienne

"Sige magaaway na naman kayo niyan!" awat sa kanila ni ate Aby.

"Tama na yan, I'm happy for you Vic. At last! Pumayag din si Mikang! Hahahaha" sabi ni Camille sabay pat sa balikat ni Tomsy

"Gutom na kami, tara na" at dahil sa sinabi ni ate Gretch, dun ko naramdaman yung gutom ko. Pagtingin ko sa watch ko, grabe! 11pm na pala.

"Tara na! Kain na muna tayo. Nakakapagod tong araw na to ha!" sigaw naman ni ate A

"Wooh! Thank you guys! Sa suporta and tulong niyo! Kami na ni Daaa---ARAY!"

"Anong tayo na? Manliligaw ka palang no! Ano ka sinuswerte?!" piningot ko nga

"Eto naman, excited lang ako. Hehe" sabay peace sign. "Tara na, gutom na yung baby ko. Haha"

And yun na nga, kumain na kami. Sila Vic daw nagluto nito kasama sila ate Aby habang tulog ako. Sinara daw talaga nila lahat ng bintana at pinto sa room namin para di ko maamoy yung pagkain. Hahahaha

Sobrang saya naming lahat ngayon, teka lahat nga ba? Napansin ko bigla si Aly. Kanina pa siya walang kibo ah? Kaya naman kinalabit ko si Ara at tinuro si Aly sa kanya. May problema ata e.

Just A DreamWhere stories live. Discover now