CAb2: Pain

776 25 2
                                    

" Siguro nga , hindi ko muna dapat sabihin sa kanya ..."

***

" Aemy naman ! Ang takaw-takaw mo ! Naubos mo yung limang mangga sa loob ng 30minutes ! Tignan mo yang labi mo ang putla !"

Ayan na naman si Kevin , putak ng putak ! Daig pa Papa ko eh . Ang sarap kasi mg mangga , atsaka nangangasim ang panlasa ko .

" Lalalalalalala..." Kanta ko at pagkatapos ay tumayo ako sa pagkaka-upo ko .

" Aemy naman !! Buti kung hinog na mangga yung kinakain mo !" Sabi pa ni Kevin at sinundan pa sya sa kusina ," itong apple na lang ang kainin mo !"

" Oho !" Sarkasmo kong sabi sa kanya at pagkatapos ay tumawa . Kinuha ko ang ang apple sa kanya .

" O ? Anong nakakatawa ?" Iritabling tanong niya at naka-cross arm pa .

" Hahaha !! Eh kasi naman daig mo Papa ko kung manermon eh ..." Sabi ko at kumagat na ng apple .

" Psshh! Ikaw talaga !!" Sabi niya at kinurot ang pisnge ko . Ibinaling niya ang kanyang kamay sa umbok ng tiyan ko ," Kaya ikaw baby wag kang magmamana kaya Mommy mo kasi masyado siyang pasaway , naiintindihan mo ba yon baby ?"

" Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan ! No , baby hindi naman pasaway si Mommy eh wag kang nakikinig diyan kay Tito Kevin mo ah !" Sabi ko at hinimas ang tiyan ko .

Limang buwan na siya sa tiyan ko , limang buwan na rin ang nakalilipas matapos sabihin ni Lexer sa maraming tao na hindi niya ako kilala .

Sa sinabi niyang yon ay nasaktan talaga ko , sino ba namang hindi ?

Masakit sabihan ng taong mahal mo na hindi ka na niya kilala diba ? Pero bakit ? Paanong nangyaring hindi niya na ako kilala matapos ang lahat ng nangyari sa amin .

Binuksan ni Kevin ang Tv. sa sala . May news tungkol sa palasyo kaya naman tinungo ko ang sala .

Si Lexer at si Jiwon .

" Mahal na Prinsepe , nabalitaan po namin na sa Nobyembre na ang inyong kasal , tama ho ba iyon ?" Tanong ng isang news caster .

Tumango lamang siya dahilan para tumulo ang mga luha sa mata ko , tinungo ko ang aking kwarto at dun ay patuloy na lumuha ang aking mga mata . Nagkulong ako sa kwarto ko, hindi napansin ni Kevin na napanuod ko ang news na iyon kaya hindi niya ko sinundan sa kwarto ko .

Ang sakit ! Ang sakit sakit ...

Paano niya nagawa sa akin ito , bakit niya ba ko sinasaktan ng ganito ? Wala naman ako alam na ginawang masama sa kanya ah . Ang alam ko lang eh minahal ko siya ! Yun lang !

Binigay ko naman ang lahat sa kaniya ah , sa kabila ng pang-iiwan niya sa akin eh nagawa ko naman siyang tanggapin ulit ng paulit-ulit eh pero bakit ganun bandang huli hindi rin pala ako ang pipiliin niya . May mas mahalaga pa pala sa akin ! Akala ko tama na ang salitang mahal niya ko para piliin niya ko yun pala eh hindi .

Pinaglaruan niya lang ako at pinaasa na magiging kami habang buhay pero anong nangyayari ngayon , mababalitaaan kong ikakasal na siya sa babaeng ipinagkasundo sa kaniya , akala ko pa naman para siyang bida sa isang teleserye na kaya akong ipaglaban kahit kanino man o sino man . Yun yung Lexer na alam ko at kilala ko !

Akala ko , kahit anong mangyari eh ako pa rin ang pipiliian niya dahil sa akin siya at ako ang buhay niya .

Pero hindi . Hindi pala lahat ng akala ko eh yun ang totoo .

Napahawak na lamang ako sa tiyan ko , paano na ang anak ko ? Ayokong lumaki siya ng walang Ama .

Ayokong mamulatan niya ang mundo ng walang kinikilalang Ama , ayoko ng ganun . Gusto kong kompleto ang pagmamahal na dapat niyang matanggap sa aming mga magulang bilang isang ina at ama sa magiging anak namin , yun ang gusto dahil ayun yung tama !

Cute AcademyWhere stories live. Discover now